"Happy, are you done?" Rinig kong katok ni Rome sa kwarto ko.
"Oo, sandali!" Kinuha ko ang bag ko at cellphone at lumabas na. "Tara na."
Sumakay kami sa sasakyan niya at pumunta sa paaralan ni Raz. Graduation kasi ni Raz ngayon bilang grade 12 student.
Ang daming nangyari sa loob ng ilang buwan. Mas naging busy si Rome dahil siya na talaga ang nag ha-handle ng kompanya nila. Pero, kahit busy siya. natutulungan niya pa din ako sa pag-aaral ko. Sa opisina pa din niya ako nag-aaral pero pag tuwing exam, doon na sa university na pinapasukan ko.
Pumasok na kami sa campus ng paaralan ni Raz at pumunta sa function hall. Madali lang namin silang nakita kaya lumapit kami doon. Madaming napapatingin sa amin dahil sa kasama ko. Ang gwapo kasi eh.
Umupo kami sa tabi nina Tita. Kabilang si Raz sa honors kaya sobrang namin lalo na si Rome. Hindi niya man ipakita, alam kong proud na proud siya kay Razielle.
Nang matapos ang graduation ceremony ni Raz, nagpakuha kami ng litrato. Nagpakuha din ako na kaming dalawa lang ni Raz para ma post ko sa Instagram ko.
Pumunta kami ni Raz sa cr dahil naiihi ako at mag re-retouch siya ng kanyang make-up.
"Ate Happy, dito lang ako sa labas maghihintay."
"Okay." Sagot ko. Lumabas ako sa cubicle para mag hugas ng kamay. May lumabas na kabilang cubicle at nag hugas din. Aalis na sana ako ng pigilan ako nito. Tinignan ko ito at bigla akong nanginig sa nakita. Ngumiti ito sa akin at humigpit ang hawak sa kamay ko.
"Long time no see. Mag iisang taon na tayong hindi nagkikita."
"B-bitawan mo ako!"
"Sobrang enjoy mo naman ata sa buhay mo ngayon. Akala mo hindi na kita makikita? Pwes, diyan ka nagkakamali. Mahahanap at mamahanap kita!" Bigla niya akong sinampal kaya napasigaw ako.
"Hoy! Anong ginagawa mo sa Ate ko?!" Padabog niyang binitawan ang kamay ko at binangga ako sa balikat bago lumabas sa cr.
Nag unahang tumulo ang luha ko at naramdaman ko ang kamay ni Raz sa likod ko pero bigla akong napalayo kaya nagulat siya. Nagulat din ako sa naging reaksyon ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dali dali niyang kinuha ang selpon niya at may tinawagan.
Ilang minuto ang lumpias, bumukas ulit ang pintuan at iniluwa doon si Rome.
"What happened? Raz, what happened?"
"Nasa labas ako nag hihintay kay Ate Happy tapos narinig ko nalang ang sigaw ni Ate. Sinampal siya noong babae. Iyon lang ang alam ko." Naiiyak din na sabi ni Raz.
"Harrieth," Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. Niyakap ko siya dahil sa sobrang takot. Pinapakalma niya ako at pinatayo para makalabas kami. Kinuha ni Raz ang bag ko para siya na ang magdala.
Dali daling lumapit sina Tita at Tito sa akin. Sinuri naman ako ni Tita at nakita niyang pisngi ko at kamay.
"Sinong may gawa niyan sayo? Ang kapal niya naman saktan ka! Mananagot siya sa akin!" Galit na sabi ni Tita at pinapakalma siya ni Tito.
Pagkatapos noon, umuwi kami para makapagpahinga ako. Inaalalayan ako ni Rome papunta sa kwarto. Pina-upo niya ako sa kama ko at tinitigan ako, tinitigan ko din siya.
"Are you feeling better?" Lumingo ako at yumuko. "Can you tell me what happened and who is the person did this to you?"
Hindi ako nagsalita noong una pero sinabi ko rin sa kanya.
"Nakita ko 'yong Mama ko." Namumuo naman ang mga luha sa mata ko. "Noong pumunta tayo sa isang restaurant noong na ospital si Tito, nakita ko siya doon. Takot na takot ako na makita siyang muli. Na pa-praning ulit ako noong makita ko sa ulit."
"Palagi akong sinasaktan ni Mama. Hindi ko alam bakit galit na galit siya sa akin. Ginagawa ko naman lahat para maging proud siya sa akin. Ginagawa ko lahat para mapasaya siya pero palagi niya akong nakikita bilang isang malas na babae. Walang magandang maidudulot."
"May kapatid din akong babae pero mabait siya sa akin. Siya minsan ang nag po-protekta sa akin kay Mama. Minsan tinulungan niya akong tumakas sa bahay pero nalaman ni Mama kaya nag hire siya ng mga guwardiya. Palagi akong pinagmamalupitan ni Mama simula noong bata pa ako. Pag pumapasok ako noon sa school, palagi akong may suot na jacket dahil puno ng pasa ang katawan ko. Ang palda ko ay mahaba din para matakpan ito. Ang mukha ko lang ang hindi ko naitatago."
"Ilang beses ko nang sinubukan tumakas at lumayas sa puder ni Mama pero palagi akong nahuhuli. At sa tuwing nahuhuli niya ako, sinasaktan niya ako. Kung minsan nga hindi niya ako pinapakain. Patago lang akong pinapadalhan ng yaya namin doon at nang kapatid ko. Sinubukan kong kitilin ang buhay ko noon pero nakita ako ng kapatid ko."
"Walang araw na hindi ako umiiyak. Hindi lang pisikal sa akin. Pati rin puso ko. Sobrang sakit. Nasasaktan ako ni Mama pisikal at nasasaktan niya din ako sa mga salita niya. Wala lang naman sa akin ang pananakit niya sa akin ng pisikal pero ang mga salita niyang masasakit, baon na baon iyon sa puso ko."
Magsasalita pa sana ako pero niyakap ako ni Rome. Niyakap ko siya pabalik at humagulgol. Hindi ko man kailanman naramdaman ang ganito. Ang maging ligtas sa piling ng isang tao.
Sa yakap ni Rome, alam kong ligtas ako.