12

48 8 0
                                    

Ngayon na ang araw ng annual party ng kompanya nina Rome. Kanina pa ako kinakabahan ng sobra.


Dumating na ang mga make-up artist, hair stylist at ang mga damit namin sa mansyon nina Rome. Sobrang busy ng lahat. Uunahin sina ang mga magulang ni Rome at si Raz dahil sila ang mauunang aalis bago kaming dalawa.


Nandito lang muna ako sa opisina ni Rome dito sa mansyon at nag se-cellphone. Si Rome naman ay may kausap sa telepono tungkol sa gaganaping party mamaya. Gusto niyang maayos ito at walang palpak.


"Kuya, Ate, we're going na. Kayo na sunod aayusan." Narinig namin kumatok si Raz at nagpapaalam. Tumayo na ako at na unang lumabas. Naramdaman kong sumunod sa akin si Rome.


Pumasok kami sa guest room at umupo kami doon sa high chair na kadalasang dala ng mga glam team. Konting powder at ayos sa buhok lang naman kay Rome. Sinimula na akong ayusan. Naramdaman kong tumayo na si Rome. Siguro mag bibihis na siya.


"Happy, are you thirsty?" Rining kong tanong niya.


"Hmm." Bumukas ang pintuan at maya maya bukas ulit ito. Kinuhanan niya ako ng tubig pero may straw. Uminom ako doon at nilapag sa vanity dresser.


"Sweet niyo po naman ni Sir Romier, Ma'am. Bagay na bagay po talaga kayo." Sabi ng isang bakla. Ngumiti lang ako sa kanya.


Pagkatapos akong ayusan, tinulungan nila akong magbihis. Maganda ang damit at unang beses kong makakapagsuot nito.


I am now wearing a black bodycon dress with a high slit on my right leg. Paired with a black stilletos. My hair is tied into a messy bun. Light make up and a nude lipstick on my lips.


"Ay pakak! Picture-ran po namin kayo ma'am. Ipo-post po namin sa websit namin." Tumango ako. Kinunan nila ako ng litrato at saktong pumasok si Rome.


"Sir Romier, pwede niyo po tabihan si Ma'am Happy para makunan kayo ng litrato." Tumabi naman si Rome sa akin at hinawakan ang bewang ko. Simple hawak niya lang ay kinakabahan ako.


Tinignan ni Rome ang mga litrato pagkatapos kaming kunan.


"Can you send it to my email?" Tanong niya.


"No problem, Sir!"


"Thanks. Let's go? It's almost time." Tumango ako. Nagpaalam ako sa mga nag ayos sa amin at bumaba na. Inalalayan ako ni Rome kasi mataas ang sandal na suot ko. Hindi pa naman ako sanay.


Nandito kaming dalawa sa passenger seat. May kasama kaming driver ngayon at mga bodyguards na nakasunod sa likod at nasa harap din.


Medyo malapit na kami kaya kitang kita ko ang daming media.


"Nervous?" Tumango ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. "Don't be. I'm here. I won't leave you."


Medyo napanatag naman ako sa sinabi niya. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa venue.


Sinalubong kami ng napakadaming media. Dumaan kami sa red carpet at pinicture-ran. Pwedeng mag tanong ang mga media ng ilang mga tanong kaya sinagot ni Rome ang tinatanong nila.


"Girlfriend niyo po ang kasama niyo po ngayon?" Tanong nang isang media. Tumingin siya sa akin at tumango.


"Yes. She is." Iyon na ang huling tanong na sinagot niya bago kami nakapasok.


Pagkapasok namin sa venue, ang daming tao. Nakatingin sila sa amin. Hinigpitan ni Rome ang hawak niya sa akin.


"Relax." Bulong niya sa akin. Tumango ako ngumiti. Naglakad kami papunta sa harapan kung saan nag hihintay ang mga pamilya ni Rome. Humiwalay ako kay Rome pero nasa tabi pa din niya ako. Nagsalita siya at nakatutok lang ako sa kanya.


Hindi ko pa nakita si Rome na magsalita sa harap ng maraming tao. Hindi ko din alam kung anong ginagawa niya pag may mga meetings siya. Ang nakikita ko lang ay kung paano siya mag trabaho.


Alam kong gusto niya ang trabaho niya pero sa nakikita ko sa kanya ngayon, I can see how passionate he is with his work. Hindi ko naman mapigilang ngumiti habang nakatingin lang sa kanya.


May waiter na lumapit sa amin at binigyan kami ng champagne.


"To formally start our annual party, let's have a toast. Cheers everyone!"


"Cheers!" Sabi naming lahat at ininom ang champagne. Nagsipalakpakan naman ang lahat at nagsimula na nga ang party. May program at pagpapakilala kung sino ang mga best employees. Tawang tawa pa ako sa iba kasi nagpapagalingan sila sa pag kuha sa mga munting award nila.


Nandito kami sa harap naka upo at may nag se-serve ng mga pagkain.


May nag pi-picture sa amin dito. Nahihiya nga ako baka kasi ako lang ang pangit sa mga kinuhanan nila kasi ang ga-ganda at gwapo nila.


"Are you full already? You didn't finish your food. I know you're a big eater." Sabi ni Rome sa akin na ikina-irap ko.


"Ang sexy ko dito sa suot ko tapos biglang ang dami kong nilamon. Eh naging bloated pa ako no'n." Tumawa siya kaya kinurot ko ang braso niya. Napa-aray naman siya ng mahina.


"Okay, okay. I'll stop." Natatawa pa din niyang sabi.


Masaya akong nakadalo sa annual party ni Rome. Unang beses ko iyon kaya nakakamangha.


Umuwi kami sa bahay mga alas dose na nang madaling araw. Nakatulogan ko na nga noong nasa byahe na kami. Naramdaman ko nalang na kinarga ako ni Rome at dinala sa kwarto ko.

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon