19

38 8 0
                                    

Isang linggo ang tinagal ko sa ospital. May mga sugat pa din ako pero unti unti na itong naghihilom. Palagi akong pinupuntahan ni Kat pag tapos ng pasok niya. Gano'n din si Razielle. Sina Tita at Tito naman bumibisita tuwing hindi sila busy. Si Rome naman ang kasama ko araw araw. Umuuwi lang siya pag maliligo o may kailangang puntahan.


Ngayong araw ay makakalabas na ako. May inaasikasong papers lang si Rome para ma discharge na ako. Kasama ko naman na nagliligpit sina Kat at Raz.


"Nagugutom ako!" Reklamo ni Raz.


"Gusto mo bang mag drive thru tayo, Raz?"


"Hindi na, Ate, nagluluto sila Mommy sa bahay ngayon. Doon nalang ako sa bahay kakain." Sabi niya. Tumango naman ako.


"Done?" Tumango kami. Dinala niya naman ang mga bag at lumabas na kami papuntang parking lot.


Nag ku-kwentuhan naman ang dalawa sa backseat kami ni Rome ay tahimik lang. Medyo natagalan kami makauwi kaya nakatulog ako sa biyahe. Naramdaman ko naman ginigising ako ni Rome. Kinusot ko ang mga mata ko.


"Nandito na tayo?" Tanong ko.


"Yup. Let's go. Mom and Dad are waiting inside." Lumabas kami sa sasakyan niya. Nauna na pala ang dalawang kasama namin sa loob.


"Happy!" Niyakap naman ako ni Tita na parang ilang taon kami hindi nagkita eh nagkita naman kami kahapon.


Nagmano ako kina Tito at Tita. Iginiya naman ako ni Tita sa hapag habang nakasunod lang sa amin sina Tito at Rome.


"Dami naman pong pagkain. May bisita po kayo?"


"Wala naman. Para sayo 'yan lahat, anak."


"Baka hindi po maubos."


"Madami naman tayong mga kasama dito, hindi lang naman tayo ang kakain nito. Oh siya, umayos na kayo dahil manananghalian na tayo." Nagdasal muna kami at kumain. Nag kwentuhan lang naman kami sa hapag. As usual, tahimik lang sina Tito at Rome.


Inaya din ako ni Raz na mag bake. Sumang-ayon naman ako doon. Hindi nga lang ako pinapasali ni Tita Rina at baka mabinat raw ako. Kaya sila lang ang gumagawa. Ako ang nag i-instruct tapos sina Tita, Raz at Kat ang gumagawa sa mga sinasabi ko.


Habang nasa oven ang mga ginawa nila, nagbihis naman kaming apat dahil puno kami ng pawis. Dinala ko si Kat sa kwarto ko at pinahiram siya ng mga damit.


"Ang laki ng kwarto mo dito, Ate." Sabi niya.


"Pina-ayos 'to ni Tita Rina. Dapat sa kwarto ako ni Rome matutulog or sa guest room pero sabi ni Tita na may isang kwartong nakahanda kaya dito na ako natutulog tuwing nagpupunta kami ni Rome dito sa bahay."


Tumango naman siya.


"Ate, babalik na pala ako doon sa bahay." Napatingin ako sa kanya.

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon