"Ate Happy, eat this one. It's my favorite." Nilagyan ako ni Happy ng ulam at tinakman ko iyon. Masarap nga kaya napatango tango ako.
"Sheena Razielle,"
"Uh-oh." Rinig kong sabi ni Raz dahil tinawag siya ni Rome.
"Why did you said that Harrieth's my girlfriend?"
"You and Happy?"
"No, Dad."
"Eh kasi Kuya, na i-imbyerna ako palagi pag nakikita ko siya sa office mo. Hindi mo naman siya gusto pero you let her stay in your office."
"How many times do I have to tell you that I already told her that I don't really like her. I even tried to call the guards many times but there's no use. So I just let her annoy me."
"It's a good thing that we showed up there. No one will annoy you anymore."
"I don't think so."
"Kuya--"
"A-ah, pag-uusapan pa namin 'yan ng Kuya mo, Raz. Kailangan lang namin magkalinawan."
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at na unang umalis si Tina Rina at si Raz naman ay pumunta sa kaklase niya. Ako? Pinapasabay nila ako kay Rome. Hindi na ako umapela at gano'n din si Rome.
Nandito ako sa opisina ni Rome at nanonood ng pelikula sa pinahiram niyang iPad. Natigil lang ako sa panonood noong tinawag niya ako para palapitin sa kanya. Umupo ako sa upuan at hinintay siyang magsalita.
"Okay, let's talk about our act."
"Oh?"
"We will only show our 'relationship' here in the office since we need only to act in front of the employees and other people who knows our relationship. Understood?" Tumango ako. Iyon lang naman ang sinabi niya bago siya nagpatuloy sa tinatrabaho niya.
"Rome, gutom na ako." Sabi ko kay Rome. Alas siyete na nang gabi at nagugutom na talaga ako.
Tumingin siya sa akin at may pinindot. Pumasok naman si Eli.
"Eli, could you buy us some dinner?"
"Usual dinner po ba?"
"Mine is usual. Happy, what do you want to eat?"
"Kahit ano. Okay lang ako sa fast food."
"Buy her different kinds of food. Choose the best one."
"Noted, Sir." Lumabas si Eli at lumapit sa glass wall. Namangha ako dahil nakikita ko ang city lights. Maganda ito sa umaga pero mas maganda ito sa gabi.
"Ang ganda!" Mangha kong sabi. "Palagi ka bang tumitingin dito pag sumasapit ang gabi?"
"Hmm. Why?"
"Maganda ang view dito. Lalo na siguro sa pag nakatayo ako sa pinakatuktok ng building." Nanonood lang ako sa labas nang bumalik na si Eli at may dalang paper bags.
Pumunta kami sa dining niya dito sa opisina. Biglang nag tubig ang bibig ko nang makita ko ang mga pagkain na binili ni Eli sa amin. Napa-palakpak ako at nagsimula na kaming kumain. Sarap na sarap ako sa pagkain kaya napapangiti ako.
Alas nuebe na noong umuwi na kami ni Rome sa bahay nila. Dumiretso na ako sa kwarto at naligo para makatulog na.
Kinabukasan, walang pasok si Razielle kaya inimbitahan niya ako na mag movie maraton sa kwarto niya. Iyong mga inuna namin ay mga horror hanggang sa pinanood namin ay mga romance movie na.
Natigil lang kami sa panonood noong kumain kami ng snacks.
"Ate, ano tingin mo kay Kuya Rome?"
"Si Rome? Seryoso tapos medyo masungit pero may kabaitan naman."
"Sa physical apperarance niya? Ano masasabi mo?"
"Gwapo siya, matangkad. Mukhang matalino rin. Magaganda at gwapo naman lahi niyo." Ngumisi si Raz at tumango tango.
"Okay." Nagpatuloy kami sa panonood pero nakatulugan din namin. Nagising nalang kami sa ingay sa baba.
Lumabas kaming dalawa at may nakita kaming bisita. Nandito na din pala si Rome. Hinila ako pababa ni Raz kaya napatingin ito sa amin.
"Razielle, be careful." Sabi ni Tita Rina.
"Si Razielle na pala ito? Napakagandang bata." Ngumiti lang si Raz at biglang umirap sa lalakeng nakaharap niya. Napataas ang kilay ko doon.
"Oh, sino naman itong magandang dalaga? Nobya mo ba ito ni Rome?"
"Yes! She's pretty right?" Napatingin ako kay Rome dahil sa sinabi ni Tita Rina. Hindi siya nagsalita o umapela kaya gano'n nalang din ako. Mukhang papanindigan namin 'to ah hanggang sa hindi na kami ma-issue.