9

39 8 0
                                    

Tatlong linggo ang nakalipas at nakilala ko pa ang dalawa kong private teachers. Palagi akong nasa opisina ni Rome. Minsan sabay kaming kumain ni Rome pero minsan wala siya dahil may mga meeting siya kailangang puntahan. 


Mag a-alas kwatro na ngayon at bumaba ako dito sa cafeteria dahil nagugutom ako. Pero bago pa man ako makapasok doon, may humarang sa akin. Napataas ang kilay ko.


"Hi!" Nilahad niya ang kamay niya. "I'm Glory. Gusto ko lang mag sorry last time. It was not my intention to say that you're cheap."


"Oh? Good girl na niyan?" Tumawa siya. 


"You're funny."


"Luh, 'di naman ako nagpapatawa." Ngumisi siya sa akin.


"Gusto kitang maging kaibigan. Let me treat you outside. To show you my sincerity."


"Okay lang. Dito lang ako sa cafeteria. Baka bumalik na kasi si Rome sa opisina at hanapin ako."


"Sinabihan ko na si Rome. Pumayag siya basta babalik tayo dito wala pang alas sais." Tumaas ang kilay ko. Nakita niya siguro na hindi ako naniniwala kaya nilabas niya ang cellphone niya at pinabasa ang palitan nila ng text. Totoo ngang pumayag ito.


"Okay." Sabi ko at masaya naman niya akong hinila pasakay sa sasakyan niya. Pumunta kami sa isang mall. Hindi ko alam kung saan ito. Ibabalik niya naman daw ako agad sa kompanya kay okay lang.


Kumain kami sa isang pastry shop. 


"Ilang buwan na pala kayo ni Rome?" Napatigil ako at napatingin sa kanya. Napaisip ako sa pwede kong idahilan.


"Uh, mag a-apat na buwan pa lang."


"Matagal na kayong magkakilala?"


"Medyo?"


"Ilang buwan ka niyang niligawan?"


"Isang taon?" 'Di ko siguradong sabi. Bakit ba ang daming tanong nito? Tumango siya at biglang tumayo.


"Mag c-cr lang muna ako saglit. Sandali lang ah?" Tumango ako at patuloy na kumain. Napatingin ako sa labas at madilim na pero hindi pa din bumabalik si Glory. Kinabahan ako dahil hindi pa din siya bumabalik. Lumabas ako sa shop at pumunta sa cr pero wala si Glory doon. 


Inikot ko ang buong mall pero hindi ko siya makita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sigurado akong pasado na ng alas sais pero hindi pa din ako nakakabalik sa kompanya. Baka nagagalit na iyon si Rome.


Hindi ko alam ang daan pauwi kaya umupo ako sa bench dito sa labas ng mall. Medyo malamig na din ang simoy ng hangin. Naka puting blouse at itim na pencil skirt lang ako at doll shoes. 


"Ate, ano na pong oras?" Tanong ko sa babaeng dumaan sa harap ko.


"Mag a-alas otso na."


"Sige po. Salamat." Umupo ulit ako. Hinawakan ko ang buhok kong gumagalaw dahil sa simoy ng hangin. Nilalamok na din ako. 


Siguradong sesermonan na naman ako ni Rome nito.


"Happy!" Napalingon ako sa nagsalita.


"Eli! Anong ginagawa mo dito?"


"Hinahanap ka namin. Nako, kung alam mo lang kung gaano kataranta si Sir Romier noong hinahanap ka." 


"Nasaan siya?" 


"Tinawagan ko na. Papunta na dito." Sabi niya. "Paano ka ba napunta dito?"


"Dinala ako ni Glory dito. Sabi niya makikipagbati raw siya sa akin pero bigla niya akong iniwan doon sa coffe shop. Wala din naman akong matawagan dahil wala akong cellphone. Nag hintay nalang ako dito kasi 'di ko alam ang daan pabalik sa kompanya."


"Halos sigawan kami ni Sir kanina noong nalaman niya sa CCTV na sumakay ka sa sasakyan ni Ma'am Glory." Kinabahan tuloy ako lalo sa sinabi ni Eli. Binigay niya sa akin ang isang jacket at pinasuot sa akin iyon. Nalaman ko na kay Rome iyon dahil naamoy ko ang pabango niya dito.


"Harrieth!" Nagulat ako dahil sa boses ni Rome lalo na noong hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Nanlaki tuloy ang balikat ko. "Are you okay? Do you have any bruise or--"


"O-okay lang ako, Rome. Iniwan lang ako ni Glory dito pero hindi niya naman ako sinaktan."


"That's good to hear that she didn't hurt you." Napahinga siya ng malalim at tumingin kay Eli. "Thank you, Eli. You may go now. The car is waiting."


Tumango si Eli at nagpaalam sa amin. 


"Sorry. Akala ko kasi pumayag ka na sumama ako sa kanya dahil pinakita niya ang palitan niyo ng mensahe."


"Wala siyang number ko. And we never texted." Bumuntong hininga siya. "I'm glad you're safe."


"Hindi ka galit?"


"I'm not mad at you. I'm mad at Glory." Tumingin siya sa relo niya. "Did you ate dinner?"


"Hindi pa." 


"Let's eat. I know you're hungry." Inakbayan niya ako at hinila papasok sa mall. 


Dahil sa ginawa niyang pag-akbay, biglang tumalon ang puso ko sa 'di malamang dahilan.


--


Royal Heart Series 1: The Royal Encounter is now published! Check my profile :'>>

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon