TW: harassment
Hindi ko alam kung ano ng oras ngayon pero sigurado akong gabi na. Gutom na din ako. Hindi pa din ako nakakainom ng tubig kaya nararamdaman ko ang pag dry ng lips ko.
Kanina pa ako palakad lakad at hindi ko talaga alam kung na saan ako. Hindi naman ako taga dito at hindi din ako pinapalabas ng bahay kaya 'di ko alam ang mga lugar at daan.
May nakikita akong ilaw na paparating kaya kinaway ko ang kamay ko para pumara. Huminto naman ito.
"Kuya, papunta po ba kayo sa bayan?"
"Oo bakit?"
"Pwede po maki-sakay? Wala po kasing dumadaan na sasakyan at itong sasakyan niyo lang po ang nakita kong sasakyan simula kanina."
"O sige," Pinapasok niya ako sasakyan niya at umalis din agad doon. "Paano ka napunta doon? Wala masyadong dumadaan na sasakyan doon. Sino kasama mo?"
"A-ah naligaw lang po." Sabi ko at tumingin sa labas. Mukhang malapit na kami sa bayan kasi may nakikita na akong mga sasakyang dumadaan.
Lumiko kami sa isang daan kaya napatingin ako sa driver.
"Kuya saan po tayo pupunta? Doon lang po ang daan papuntang bayan."
"Ah sandali lang, may pupuntahan lang ako saglit." Tumigil ang sasakyan sa isang maliit na bahay. Bumaba siya at tumingin sa akin. "Saglit lang ako."
Hindi maganda ang pakiramdam ko dito kay nag hinay hinay akong naglakad palabas sa sasakyan. Tatakbo na sana ako pero bigla itong sumigaw at sinundan ako.
"Kuya, mauuna po ako. Kaya ko naman po. Salamat po sa pagpapasakay."
"Anong salamat? May bayad 'yon! Halika ka rito!" Hinabol niya ako kaya tumakbo ulit ako.
Sobrang bilis niyang tumakbo kaya nahabol niya ako at hinawakan ang bibig ko at bewang para hindi ako makasigaw at makagalaw. Naramdaman kong inamoy niya ang leeg ko kaya kinilabutan ako at mas kinabahan lalo. Nag pumiglas ako pero sobrang lakas niya. Hinimas niya ang hita ko kaya napaiyak ako. Impit na sigaw lang ang maririnig sa akin dahil nakahawak ang kamay niya sa bibig ko at sobrang higpit nito na parang babaliin niya ang mga buto ko.
Bago pa man niya ako mahawakan sa ibang parte ng katawan ko, may umagaw sa akin at sinuntok siya sa mukha. Sa sobrang takot ko, napa-upo ako sa kalsada. Tinignan ko ang paa ko na nandidiri. Napaiyak ako lalo. Sobrang nabastos ako. Hinimas niya ang hita ko pero parang nakadikit pa rin ang mga kamay niya sa dito.
May dumating na mga pulis at hinuli ang lalake. Hindi ko makilala kung sino ang sumagip sa akin dahil nanlalabo ang mga mata ko sa luha pero sa boses pa lang nito, alam kong siya 'yong lalakeng tumulong din sa akin kahapon. Tumayo agad ako at sinuntok ang dibdib niya.
"Ang sama mo! Ang sama sama mo!" Pinigilan niya ang kamay ko at niyakap ako.
"It's my fault. I'm sorry." Tinanggal niya ang jacket niya at pinatong niya sa balikat ko.
"Sir, kailangan po natin pumunta sa prisinto para makuhanan ng statement si ma'am at para makapag-file na din tayo ng kaso laban dito."
"Okay. We will follow." Tinapik niya ako. "Let's go inside the car, we'll go to the police station. They will get your statement so we could file a case." Tumango ako. Inakay niya ako papasok sa sasakyan at sumakay din siya. Nakasunod lang kami sa patrol car hanggang sa makadating kami sa police station.
Kuniha ng isang pulis na babae ang statement ko at pagkatapos ng iilang mga katanungan. Umalis din kami doon. Tahimik lang ako at nakatingin sa labas. Medyo naging maayos na ang pakiramdam ko noong nakainom ako ng tubig. At hindi na din ako nanginginig. Kinakabahan pa din ako pero ngayon, medyo kalmado na ako.
"What do you want to eat?" Rinig kong tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Narinig ko ang buntong hininga niya. "Okay, I know it's my fault. I shouldn't left you there. My conscience is bothering me so I came back to look for you. I called the police too. I'm sorry."
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa daan pero pasulyap-sulyap naman siya sa gawi ko.
"Thank you," Sabi ko kaya napatingin ulit siya sa akin. "Pangalawang beses mo na akong tinulungan kahit 'di mo naman ako kilala. Pwede mo nalang ako ibaba diyan sa tabi."
Hindi siya nagsalita at patuloy lang sa pagmamaneho. Tumigil naman ito noong makarating kami sa isang lugar. Binigay niya ang susi niya sa valet.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Kahit nagtataka, lumabas din ako. Nakasunod lang ako sa kanya at sumakay kami sa elevator. Tahimik lang kami hanggang sa tumigil kami sa isang pintuan at binuksan niya ito.
"Get inside." Pagpasok ko, naging pamilyar sa akin ang lugar. Ito iyong bahay niya o mas bagay kong sabihin na condo unit niya. Umupo ako sa sofa.
Binigyan naman niya ako ng tubig. "Let's wait for our dinner. I ordered some food, it may took a while."
Maya maya, nakarinig ako ng katok. "Food delivery!"
Pumunta agad siya sa pintuan para kunin ang pinamili niya. "Come, let's eat dinner."
Nilatag niya ang mga pagkain sa lamesa. Madami siyang pinamili na pagkain. Kumuha siya ng mga plato at kubyertors. Umupo naman ako sa upuang bakante. Nagsimula na siyang kumain pero nagdasal muna ako saglit bago kumain.