"After the renovation, we will go back to the condo."
"No!" Nagulat kami sa medyo pasigaw na 'di pag sang-ayon ni Tita Rina kay Rome.
"Your condo is not yet safe. Look what happened to Happy? It is much safer if the both of you should stay here."
"Mom, bu--"
"Mag isa lang so Happy doon sa condo at walang nakaka-usap. Mas mabuting dito na muna kayo tumira sa bahay para naman hindi mabagot itong si Happy doon."
"Mom is right Kuya. The both of you should stay here and I want to bond with Ate Happy. You're so epal talaga."
"Fine, fine. We'll stay. I'll go ahead. Happy, don't be such a headache to Mom."
"Luh! 'Di kaya ako sakit sa ulo. Ikaw siguro." Sabi ko. Kaya napatawa naman ang mga nasa hapag. Kumunot ang noo niya at lumingo lingo pa. Tapos tumalikod na para umalis.
"Sasabay na ako kay Rome. Enjoy, ladies." Pagpapa-alam ni Tito Rozen.
May pasok si Raz pero tanghali pa ito kaya may tinatapos siyang homework. Tutulong sana ako sa mga gawaing bahay pero pinigilan ako ng mga katulong kaya pumunta nalang ako sa kwarto ko.
Binilhan ako ni Tita Rina ng mga gamit at mga damit. Hindi ko sana iyon tatanggapin pero naalala kong nasa condo pala ni Rome ang mga pinamili naming damit ko.
Ilang araw ang lumipas, pupunta raw kami sa kompanya nila. Isasama ako nina Tita Rina at Raz para naman makagala raw ako kahit papaano.
Huminto ang sasakyan sa isang malaking building at bumaba kami doon. Binungad kami ng mga empleyado at lahat sila ay bumabati kay Tita Rina. Napapabaling sila sa akin at mukhang nagtataka kung sino ako. Naka-kapit kasi sa braso ko si Raz. At dahil medyo kakapalan ang mukha ko, taas noo akong naglalakad.
Ang feeling pero pake nila.
Sumakay kami sa elevator at tumigil kami sa 20th floor. Madaming bumabati pa din kay Tita Rina.
Natigil kami nang bumukas ang isang pintuan at lumabas doon si Rome at may nakasunod na babae sa likod niya. Napataas ang kilay ko.
"She's here again." Rinig kong sabi ni Raz.
"Mom! What are you doing here?" Tanong ni Rome sa Mama niya.
"Sino ba siya?" Tanong ko naman kay Raz.
"Matagal na niyang gusto si Kuya pero hindi siya binibigyan pansin ni Kuya kaya palagi niya itong kinukulit at binibwisit."
"Is it wrong to visit my own son and husband?"
