15

53 7 0
                                    

Hindi ako bumaba kinagabihan no'n pero kinabukasan, humarap ako kina Tito't Tita pati kay Raz dahil nasira ko ang dapat na selebrasyon namin para sa graduation ni Razielle.


"Sorry po talaga." Nakayuko kong paumanhin. Naramdaman ko ang hawak ni Tita sa balikat ko at niyakap ako.


"It's okay. Sinabi sa amin ni Rome. We totally understand." Ngumiti at tumango si Tito sa akin kaya niyakap ko din siya.


Sabay kaming nag agahan lahat. Dahil pareho kaming wala nang pasok ni Raz, nandito lang kami sa bahay at mag be-bake kami ng mga cupcakes. Pumunta kami sa grocery para mamili ng mga ingredients. May pinasama din sina Tito na mga bodyguards. 


Nag tutulak ako ng pushcart at si Raz naman ang nangunguha nang mga nilista ko sa listahan. 


"Ate can we buy snacks? Mag movie marathon tayo."


"Oh sige, kumuha ka. Dito lang ako maghihintay." Sabi ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nakita ko ang text galing kay Rome.


From: Rome

Where are you?


To: Rome

Grocery. Kasama ko si Raz.


Hindi naman siya nag reply sa text ko kaya binalik ko na iyon sa bulsa ko. 


"Nagsali din ako ng drinks, Ate." Nilapag ni Raz ang mga kinuha niya sa cart. 


"Ang dami naman ata niyan, Raz?"


"Stocks." Sabi niya at ngumiti sa akin kaya natawa ako. Nag punta naman kami sa counter upang mag bayad. Pagkatapos mabalot lahat ng mga pinamili namin, kinuha iyon ng mga bodyguards para malagay sa sasakyan.


Inaya ko munang kumain si Raz at pumunta kami sa isang cafe. Nag order ako ng isang slice ng chocolate cake at java chip Frappuccino. Si Raz naman ay blueberry cheesecake at isang hibiscus tea. Habang nag-uusap kami, nagulat ako nang may tumabi sa amin.


"Rome, bakit ka nandito?"


"I'm done with my meeting and I have nothing to do." 


"So?"


"So what?"


"Eme lang 'yan si Kuya, Ate Happy. Gusto ka talaga niyang--" Hindi natapos ang pagsasalita si Raz dahil sinubuan siya ni Rome. "Yoya!"


"Don't talk when your mouth is full, Raz." Napailing nalang ako. "What did you bought?"


"Ingredients. Mag be-bake kami ni Raz ng cupcakes ngayon." Tumango naman siya. "Sali ka."


"I don't know how to bake."

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon