"Babye!"
"Call me when you're donw, okay?"
"Okay!" Sabi ko at kumaway sa kanya. Pumasok na ako sa university. Sa ilang beses kong pangungulit kay Rome, pinayagan niya din ako na pumasok na sa university na pinag-enrollan ko pero may kundisyon siyang binigay. May bodyguards pa din ako pero dalawa lang. Hindi ko sila kilala at nakikihalo din sila para hindi mahalata.
Pagpasok ko sa unang klase ko, umupo agad ako sa pangatlong row at sa pinaka-gilid. Okay naman ang naging takbo ng araw ko. May ilang nakakakilala sa akin dahil sa ako ang girlfriend ni Rome.
Habang naglalakad ako, nag tumawag ako kay Rome. Sinagot niya naman agad iyon.
"Tapos na klase ko. Text ka o tawag pag nandiyan ka na sa labas."
"I'm just going to finish these papers. Konti nalang ito."
"Okay." Bago ko mababa ang tawag, narinig kong nagsalita siya. "Ha? Ano 'yon, Rome? 'Di ko narinig." Sabi ko.
"Ha? Ah wala. Si Eli kausap ko."
"Ah okay." Binaba ko naman ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Nahulog ang notebooks na hawak ko kaya kinuha ko iyon. May isang pares naman ng kamay ang tumulong sa akin.
"Salam--" Natigilan ako sa nakita.
"Ate Happy,"
"K-Kat?"
"Ako nga ito, Ate." Niyakap ko siya. "Ate, miss na miss na kita."
"Miss na din kita, Kat. Pasensya na kung umalis ako."
"Alam mo naman, Ate alam ko naman kung gaano mo na kagusto na maalis sa puder ni Mama kaya ginagawa ko ang lahat na tulungan ka. Naiintindihan kita."
"Sinasaktan ka ba ni Mama?" Ngumiti siya sa akin ng pilit. Hindi ko maisip na kayang pagbuhatan ng kamay ni Mama ang kapatid ko. Alam kong paborito ni Mama si Katlene pero hindi ko alam nasasaktan din siya nito matapos kong makatakas sa kamay niya.
"Okay lang naman ako, Ate. Huwag kang mag-aalala. Kaya ko naman sarili ko. Konting tiis nalang, makakaalis din ako sa puder ni Mama. Makakalaya din ako."
"Harrieth," Napatingin kami sa nagsalita.
"Rome!" Lumapit ako sa kanya.
"You're not answering my calls."
"Sorry, may kausap ako." Sabi ko naman at hinawakan ang kamay ni Kat. "Nakababata kong kapatid. Si Katlene. Kat si Rome." Ngumiti lang si Kat pero hindi siya pinansin ni Rome.
"Are you hungry?"
"Yup! Kain muna tayo. Sama ka muna sa amin Kat."
"Nako 'wag na, Ate. Nakakahiya."
"Minsan lang ito, Kat. Kalahating taon na tayo hindi nagkikita." Pinilit ko nang pinilit si Kat hanggang sa pumayag siya.
"What do you want to eat?"
"Pizza!" Sabi ko. "Noong nakaraan lang ako nag c-crave."
"Why you didn't tell me? I can order immediately."
"Sus, nakalimutan ko din naman agad. Ngayon mo i-satisfy ang cravings ko." Nakita ko siyang nguimisi at tumango tango.
Pag dating namin sa pizza restaurant, hinila ko agad si Kat. Ako na ang nag order para sa amin dalawa ni Rome. Nag order din si Kat nang paborito niyang lasagna.
Nag kamustahan kami ni Kat at busy naman si Rome sa cellphone niya.
"Talaga? That's good. Good luck future attorney!" Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako.
"Thank you, Ate." Kumain din kami nang dumating ang pagkain. Tumagal din kami doon ng isang oras bago namin ihatid si Kat sa kanyang tinutuluyang apartment.
"Ingat kayo sa biyahe, Ate, Kuya."
"Text mo ako ah." Tumango naman siya at kumaway. Kumaway din ako sa kanya pabalik bago pinaharurot ni Rome ang sasakyan.
Bumuntong hininga ako.
"Is there any problem?"
"Sinasaktan na din pala ni Mama si Kat. Hindi ko alam kung paano ko siya matutulungan. Ginigipit din siya ni Mama dahil law ang kinuha niya. Ngayon, nag wo-working siya."
"What is your plan now?"
"Alam kong may iniwan na pera si Papa para sa akin at hindi ko pa iyon nagagalaw. Gusto kong ibigay 'yon kay Kat pero wala sa akin ang passbook ko. Na kay Mama. Ayoko ng bumalik doon sa bahay namin baka sa susunod makita ako ni Mama, patay na ako."
"Harrieth,"
"Totoo naman." Nakanguso kong sabi.
"I'll help Katlene. I'll put money on her accounts. Ask for her bank accounts."
"Huwag na, Rome. Ako na bahala mag hanap ng paraan."
"It's okay. She's your sister that means she's also my sister. Sister-in-law." Then he winked at me.