Dati pa lang, lagi kong hinihiling na sana makatagpo ako ng taong iintindi sa akin at re-respetuhin ako. Dati, palagi akong nagdadasal na sana pag nalaman niya ang mga pinagdaanan ko, hindi niya ako huhusgahan katulad ng ibang tao. Hindi ko akalain na makikita ko iyon sa isang tao at sa pamilya niya.
Rome. Hindi ko alam pero sa paglayas ko sa amin ay nagdilang anghel iyon para magtagpo kami. He helped me when I needed a place to stay. He helped me when I was starving. He helped me finish my studies. And he stayed with me when I needed someone. He even let me meet his family. And I'm glad his family accepted me.
Hindi naging madali ang buhay ko simula pagka-bata. Siguro maswerte na ako dahil nakayanan ko lahat iyon. Maagang namatay ang ina ko. Wala pang asawa ang papa ko noong mabuntis niya ang mommy ko. Lumayo lang si mommy kay papa noong nalaman niyang nabuntis siya sa akin. Nalaman din kasi siya na may ibang gusto ipakasal kay papa at iyon ang kinikilala kong nanay. Lingid sa kaalaman ko na hindi ko siya tunay na ina dahil narinig ko 'yon minsan noong may pag-uusap ang tatay ko at isang lalake.
Kahit 'di siya ang tunay kong ina, nirerespeto ko pa din siya dahil inalagaan, binihisan at pinag-aral niya ako. Napuno lang talaga ako kaya lumayas ako sa bahay. Hindi alam ng lahat kung ano ang ginagawa sa akin ni Mama. Kulang nalang ay patayin niya ako sa sobrang galit niya sa akin.
Narinig ko noon na nag-aaway si mama at papa dahil sa akin. Hindi pa rin kasi ako tanggap ni mama. Dahil sa tuwing lumalaki ako, mas nagiging kamukha ko si mommy. Nakita ako ni papa na nagtatago at kinuwento sa akin lahat. Hindi ko 'yon masyadong naintidihan kasi bata pa ako pero habang lumalaki ako, mas naunawaan ko 'yon.
Ginawa ko ang lahat para matanggap ako ni mama pero galit talaga siya sa akin. Tinanggap ko nalang lahat ng galit niya upang 'di niya masaktan si Kat. Alam kong 'di niya kayang saktan si Kat pero 'di ko akalaing magagawa niya ito sa kanya.
Sa sobrang takot ko sa kanya, ilang beses kong tinangka na lumayas sa pamamahay niya pero palagi niya akong nahuhuli kaya nagpalagay siya ng CCTV at nag hire ng mga guards sa bahay. Medyo weird ito lalo na sa lugar namin pero ang naging palusot lang ni mama ay may nag tangkang mag nakaw sa bahay.
Hanggang sa nagawa ko ito ng matagumpay at muntik na akong masagasaan ni Rome.
Meeting him is such a blessing in disguise. Hindi niya naman ako kilala and I'm just a mere stranger to him. Ang tahimik ng buhay niya tapos bigla akong dumating. Ginulo ko ang buong pagkatao niya. Nag adjust siya para sa akin at sobrang na a-appreciate ko iyon. At mas na a-appreciate ko siya lalo kasi hindi niya ako hinusgahan.
"Hey, what are you thinking?" Ngumiti ako kay Rome noong tumabi siya sa akin.
"Hmm, naiisip ko lang lahat ng pinagdaanan ko bago kita makilala."
"You're not thinking of me?"
"Iniisip din! Naisip kong sobrang swerte ko noong nakilala kita." He smirked. "What reaction is that? Huh?"
"I'm more lucky to meet you. Who would not thought that I could love like this." Hinalikan ko siya pisngi niya at nakita kong namula ang tenga niya.