18

45 7 0
                                    

Tatagilid sana ako pero biglang kumirot ang buong katawan ko. 'Di ako makakilos dahil sa sakit kaya napadaing ako.


"Ate Happy! Gising ka na! Kuya!" Nadilat ko ang mata ko dahil sa narinig na ingay.


"Harrieth! You're awake! I'm so worried. I thought I'd lose you." Gusto kong matawa sa sinabi ni Rome pero hindi ko magawa dahil alam kong sasakit ang katawan ko kung gagalaw ako kaya ngumiti lang ako sa kanya.


May dumating na mga doctor at nurse upang i-check ako. May ilang tanong sila na sinagot ko din naman. Pagkatapos no'n, umalis na sila at pinagpahinga ako. Sumama din si Rome sa kanila sa labas dahil kakausapin siya ng doctor.


"Ate, hindi na halos umuuwi si Kuya sa bahay o kahit sa condo niya. Lahat ng trabaho niya, dinala niya dito. Aalis lang siya kung maliligo o may kailangang gawin sa kompanya." Pag susumbong ni Raz sa akin.


"Ilang araw akong tulog?"


"Dalawang linggo, Ate. Sobrang nag-alala talaga kami. Si Ate Kat babalik 'yon dito mamaya. Sina Mommy at Daddy papunta na dito."


"Salamat sa pag-aalaga sa akin, Raz. Simula noong biglaang pag sulpot ko sa buhay niyo hanggang ngayon—hindi niyo ako iniwan."


"Pamilya ka namin, Ate Happy, ano ba! At girlfriend ka ni Kuya!"


"Raz, alam mo namang fake lang 'yon. Palabas lang iyon sa lahat."


"But you can't deny the fact that you don't want to end the relationship you have right now. Ate,  kahit mag iisang taon pa tayong magkasama pero nababasa na agad kita. Alam ko namang gusto mo si Kuya pero palagi mong dine-deny."


"Ayoko namang maging pabigat sa Kuya mo."


"Look, Ate Happy, I've never seen Kuya Rome that happy ever since he met you. Palagi siyang pokerface dati. 'Di ko mabasa kung galit ba siya kasi iisang expression lang ang pinapakita niya pero no'ng makilala ka niya, he changed. He really changed. Sobrang tuwa nga nila Mommy nang makita nilang ngumiti at tumatawa na si Kuya."


"Raz,"


"Ate, trust me hindi ka pabigat kay Kuya o kahit sa amin. You're a blessing, Ate."


"Hindi naman ako mahal ni Rome kahit sabihin kong mahal ko siya." Mapakla kong sabi. Biglang natigilan sa Raz sa sinabi ko kaya malungkot akong ngumit sa kanya.


"Raz, you should let Harrieth take a rest." Napatingin kami kay Rome na pumasok ulit. Umiwas ako ng tingin at pumikit. 


Naramdaman kong kumirot ang puso ko sa sinabi kanina. Totoo naman eh, hindi naman ako mahal ni Rome. Responsibilidad niya lang ako dahil doon ako tumitira sa kanya at pinapaaral niya ako.


Naramdaman kong nakatulog ulit ako at nagising ulit dahil sa mga nag uusap. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Raz at Kat na nag-uusap. Sina Tita at Tito na may pinag-uusapan din.


"You're awake. You must be hungry." Tumango ako. Lumapit agad si Kat sa akin at hinawakan ang kamay ko.


"Ate, sorry!" Iyak niyang sabi sa akin. Pinatong ko naman ang isa kong kamay sa kamay niya.


"Kat, wala kang kasalanan okay? Walang may kasalanan." 


"Kahit na, sorry pa din. Nandito ka ngayon at naghihirap dahil sa ginawa ni Mama sayo." 


"Nasaan pala si Mama?" Tanong ko na ikinagulat ni Katlene.


"Ate, hinuli siya ng mga pulis at nakakulong."


"I'm sorry, Kat. Hindi ko naman gustong makulong si Mama--"


"Okay lang, Ate. Actually matagal ko na gustong mag sumbong sa mga pulis pero natatakot ako dahil kapakanan mo ang iniisip ko. Kasi sigurado ako na ikaw ang maiipit dito."Ngumiti ako sa kanya.


"Salamat, Kat." Napaiyak naman siya at niyakap ako pero napadaing ako kaya bumitaw siya agad. "Sorry."


"Anak, sana gumaling ka agad." Sabi ni Tita sa akin.


"Sana nga po, Tita."


"We are hoping for your fast recovery, Happy. I am looking forward to see you again laughing and running inside our house." Namula ako at nahiya sa sinabi ni Tito kaya napatawa sila sa naging reaksyon ko.


"Kumain ka muna. Alam naming gutom ka."


"Kayo po?"


"Tapos na kami. Enjoy your food."


Sinusuban ako ni Rome sa pagkain ko dahil hindi ko nagagalaw masyado ang katawan ko.


"Tubig, please." Sabi ko. Pina-inom niya agad ako ng tubig at pinakain ulit. "Rome, busog na ako."


"You sure? Ang konti lang ng kinain mo."


"Hindi pa okay ang kondisyon ko, Rome. Pag okay na ako, promise, kakain ulit ako ng madami."


"Keep your promise, Harrieth." Pina-ikutan ko siya ng mata kaya napatawa siya. He patted my head and stand up to fix my other things. Nagpa-alam siyang lalabas lang saglit at pumayag naman ako.


Natutulog sina Raz at Kat sa isang higaan dito sa kwarto ko sa ospital. Sina Tita at Tito ay babalik lang ulit mamaya. Titignan muna nila ang kompanya habang nandito si Rome.


Napabuntong hininga ako at napa-isip sa sinabi ni Raz noong nakaraan. Did I really changed Rome? Is it for the better or not?

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon