8

47 8 0
                                    

"Nabuburyo na ako dito sa bahay niyo. Hindi ako makapagtrabaho dito kasi 'di pumapayag ang mga katulong niyo na maglinis ako. Hindi ako makagala kasi hindi ko naman kabisado ang mga lugar dito." Nagre-reklamo ako ngayon kay Rome kasi wala talaga akong magawa dito sa bahay nila. Gusto ko na may ginagawa.


"Go and mess with Razielle."


"Eh nag-aaral iyon." Sabi ko. Umupo naman ako sa upuan na nasa harapan niya. Nandito ako sa opisina niya sa bahay nila. "Gusto ko mag trabaho. Bigyan mo ako ng trabaho. Okay lang sa akin kahit mag janitress ako sa kompanya niyo. Kahit anong trabaho, okay lang."


Napa-angat ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako at nagpa-cute.


"Okay. You will come with me tomorrow." Napasigaw ako kaya kumunot ang noo niya.


"Ano oras tayo aalis?"


"Seven."


"Okay, noted!" Masaya akong tumalikod sa kanya at bumalik sa kwarto ko. Binuksan ko ang cabinet at namili ng damit para sa susuotin bukas. Nang makapili ako, nag hilamos muna ako bago natulog.


Maaga pa lang ay gising na ako. Naligo din ako. Hindi naman ako marunong mag make-up kaya ang nilagay ko lang sa mukha ko ay iyong binigay sa akin ni Raz na powder at lipstick. Nagsuot din ako ng wrap dress na baby blue ang kulay. Nakalugay lang din muna ako kasi medyo basa pa ang buhok ko. 'Di na ako nag blower para presko. Nag doll shoes lang din ako dahil 'di naman ako sanay mag heels.


Bumaba ako at naabutan ko si Rome na nagkakape kasama sina Tito at Tita. Wala si Raz kasi mukhang tulog pa.


"Nakabihis ka, Happy? May lakad ka?" Napatingin si Tito sa akin sa tanong ni Tita.


"Sasama po ako ngayon kay Rome sa opisina." Masigla kong sabi. Napangiti naman si Tita.


"That's good! Para naman hindi ka mapirmi dito sa bahay. Alam kong bored na bored kana dito." Maligaya ding sagot ni Tita. "Rome, take care of Happy, okay?"


Tumango ito at pina-upo naman ako ni Tita para makapag-agahan ako. Nagpa-alam din kami ni Rome noong aalis na kami.


Sinalubong kami ng valet at kinuha ang susi ni Rome sa kanya noong pagdating namin sa kompanya. Pangalawang beses ko palang dito at pinagtitinginan ulit ako dahil nasa tabi ako ni Rome.


Sumakay kami sa elevator at tinanong ko siya sa magiging trabaho ko.


"You will know when we get there." Pumasok kami sa opisina niya at nagulat ako dahil may isang babae na naka-upo doon at may mga dalang libro. "This is Mrs. Ajos. She will be your private teacher."


"P-private teacher?"


"Hmm, I know you want to finish your college. I'm giving you the opportunity to do your studies. That will be your work." Lumaki ang ngiti ko at walang alinlangan niyakap siya.


"Thank you! Thank you!" Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya nakagalaw agad pero tinapik din niya ang likod ko.


"Go ahead," Lumapit ako sa private teacher ko na si Mrs. Ajos.


Sinabi ko kay Rome na gusto ko mag aral ng business dahil iyon talaga ang pangarap ko. Maging business woman.


Tinuruan ako ni Mrs. Ajos at makikita ko tuwing Lunes at Martes. Mula alas otso hanggang alas tres ang pagtuturo niya sa akin. Tatlong subject ang ituturo niya sa akin. Nakikinig ako ng mabuti sa kanya at nag te-take notes din ako para matandaan ko ang mga key points at importanteng mga detalye.


Alas onse na noong natapos kami ni Mrs. Ajos. Nakaka-antok pero ayos naman dahil nasisiyahan ako nang makapag-aral ako ulit. Umalis si Mrs. Ajos at pumunta sa paaralang pinagta-trabahuan niya. Babalik lang mamayang alas dos para sa isang oras pa na klase sa akin.


Lumapit ako kay Rome na seryosong nakatutok sa laptop niya. Napa-angat ang tingin nito sa akin.


"Are you hungry?"


"Medyo."


"What food do you want?"


"McDo! Gusto ko iyong chicken ala king at Mc Float!" Pinindot niya ang intercom at nagsalita doon.


Lumapit ulit ako sa glass window niya at tumingin sa labas. Ang ganda talaga dito! Lalo na pag gabi. Nakarinig ako ng katok makalipas ang ilang minuto. Bumukas ang pintuan at nilabas doon si Eli na may dalang supot ng McDo.


Tuwang tuwa naman ako at sinalubong siya para kunin iyon sa kanya.


"Thank you, Eli!" Maligaya kong pagpapasalamat sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin at nilagay ang mga pagkain sa lamesa. "BFF fries!"


"I know its not enough for you so I told Eli to find other food there that you could enjoy."


"Ang spoiled ko naman pero salamat! Halika, kain na tayo."


"Later. I'm just going to finish this." Kumain na ako. At nagbasa saglit sa mga librong na iniwan ni Mrs. Ajos para sa akin. Napatingin ako sa wall clock. Mag a-ala una na pero hindi pa rin kumakain si Rome kaya kumuha ako ng upuan at itinabi iyon sa kanya. Kinuha ko rin ang pagkain niya. Sinubuan ko siya.


"Kain na." Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. "Malilipasan ka. Kaya susubuan na kita habang may ginagawa ka diyan. Sige na. Kainin mo na 'to at nakakangalay."


Alam kong naiilang siya pero kinain pa din niya iyong isinubo kong pagkain sa kanya. Hanggang sa sunod sunod na iyon. Biglang bumukas ang pintuan kaya medyo nagulat kami. Susubuan ko pa sana siya nang bumukas iyon. Gulat din napatingin ito sa amin pero nakabawi din at tumayo sa harapan namin.


"I need the reports in my office later."


"Okay. I'm almost done with this."


"Good afternoon po, Tito. Kain po tayo."


"Thank you, hija but I already ate lunch. Enjoy staying here. Babalik na ako sa opisina ko."


"Okay po." Kumaway pa ako at pinatuloy ang pagsusubo kay Rome.

Make a WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon