SLIGHT KISS

459 18 0
                                    

Chapter.30

Matthew's pov.

A while ago.

Niyaya ko si terrence na magdinner sa labas dahil tatanungin ko sana kung pumapasok si madie pero nagulat ako ng sabihin niyang. "Hindi eh." Nagaalala ako dahil baka may nangyare sa kanya.

"Wala kabang balita?" Tanong ko. "Ang alam ko nag day off siya dahil sa sobrang pagod niya, diba sinabi sayo ni zendmon?" Taka niya, umiling lang ako. Napatingin ako sa labas at nagulat ko ng makita ko si madie. "Madie?" Agad akong tumayo at kumuha ng payong.

Naabutan kong umalis na yung kasama niya at huminga siya ng malalim, tinitigan ko lang siya. Nagulat ako na tatakbo siya sa ulan at agad siyang pinayungan. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nagulat siya sa ginawa ko.

"Matthew." Gulat niya. "Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka niya. "Bakit susugod ka sa ulan?" Pagalala ko. "Mamaya magkasakit ka." Napakurap lang siya sa sinabi ko. "Nakakagulat ko." Napangiti lang ako at nakatitig lang siya sakin. "Kunin mo."

Abot ko ng payong sa kanya. "Salamat." Agad naman niyang kinuha. "San ka pupunta ngayon?" Tanong ko. "Ah, uuwi nako." Sambit niya. "Gusto mo ihatid na kita?" Offer ko sa kanya. "Naku hindi na, magtataxi nalang ako." Tanggi niya. "Tsaka baka busy ka." Pagaalanganin niya.

"Okay lang yun." Ngiti ko. "Tara na." Agad kong hinawakan ang kamay niya at naglakad. Ang sarap sa pakiramdam, dahil yung taong mahal ko, hawak ko ngayon.

"Taxi." Tawag ko. Agad namang huminto at sumakay kaming dalawa. Binigay ni madie ang address niya at ako, nakatitig lang. "Wag mo nga kong titigan ng ganyan." Agad akong napaiwas at piling ko namumula ang pisngi ko. Tahimik kaming dalawa habang nasa byahe ng sirain ko.

"Nag day off ka pala." Napatingin siya. "Ah oo." Sagot niyang tipid at nakayuko lang. "May problema ba?" Seryoso kong tanong at umiling siya. "Wala naman, pagod lang ako." Ngiti niya ng pilit. "Wag kang magalala, okay lang naman ako eh." Ngiti niya.

"Pwede ba, wag mokong ngitian ng ganyan." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Bakit." Ngisi niya. "Dahil... Naiinlove ako lalo." Nahiya ako sa sinabi ko at nakatulala lang siya at hindi gumagalaw. "Ehem." Fake niyang ubo. "Hahaha." Tawa kona lang.

Nang makalipas nakarating na kami sa kanila. Binayaran kona yung taxi driver at bumaba na kami, nasa tapat kami ng bahay nila ngayon. 'So ito pala ang bahay niya.'

"Thank you ah." Ngiti niyang nakaharal sakin. "Ayos lang yun, basta ikaw." Ngumiti siya at ngumiti din ako. "Madie, pag may gusto kang sabihin tawagan mo lang ako." Ngumiti at tumango lang siya sakin.

"Ah, matt, sorry nga pala." Lungkot niya. "Para san?" Pagtataka ko. "Dahil pinagaalala kita." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Sino bang hindi magaalala, syempre kaibigan moko." Pilit kong ngiti.

"Salamat ulit." Nakakainis, bakit ba pagdating kay madie napaka hina ko at mabilis akong magalit, dinaman ako ganto sa ibang babae ah, oo babaero ako, pero nung nakilala ko siya natigil yun dahil ayokong madissapoint siya.

"Pasok kana, lumalakas na yung ulan." Turo ko sa pinto niya. "Ah oo, salamat ulit." Naglakad siya ng ilang hakbang ng. "Madie." Tawag ko at lumingon siya.

Agad akong naglakad papunta sa kanya at hinalikan siya ng kaniya kinagulat at pati rin ako. Nararamdaman ko na nanlalamig na siya dahil sa ginawa ko kaya bumitaw nako. "I'm sorry." Hingi ko ng tawad. Shit! Nakakahiya.

Nakita kong namumula ang pisngi ni madie at mabilis na umalis papunta sa bahay nila. 'Anong gagawin ko? Pano kung magalit si madie sakin? Shit! Napaka bobo ko.'

Nagdadabog ang mga paa ko at naisipang umalis sa lugar nayun. Napaka tanga ko, di ako nagiisip.

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon