HOLDING HANDS

448 21 0
                                    

Chapter.31

Maddison's pov.

9:30 pm.

Gabi na pero di parin ako makatulog, nakainlip lang ako dahil kakaisip sa ginawa ni matt sakin kanina, naiinis ako at nakakaramdam ng hiya kapag naaalala ko yun. "Ahhhh." Nagwawala ang mga paa ko.

"Ang yare sayo day." Si dianne yan, niyaya ko kasi siya dito sa bahay kasi wala si mama. "Okay kalang ba?" Kaen niya ng chips. "May naalala lang ako." Kalma ko. "Wag mong sabihin yung hinalikan ka ni matt." Taas niya ng kilay sakin.

Huminga muna ako ng malalim bago magsalita. "Pano ba naman kasi, diko inasahan yun nu." Inom ko ng beer. "Naku sis, natural lang yun, syempre dina napigilan ng tao yung feelings niya." Sambit niya. "Tsaka, swerte mo, nahalikan na yung labi mo."

Asar niya sakin. "Ayieee." Kurot niya sa tagiliran ko. "Imperness." Pangaasar niya ulit, napailing nalang ako at tsaka uminom ng beer.

*phone tone.*

Agad kong tiningnan yung phone ko kasi may nagtext, agad kong binuksan at nagulat ako na si matt yun. Napatingin agad ako kay dianne. "Sino yan?" Tanong niya. "Si matt." Bulong ko. "Go."

Agad kong binuksan ang text niya. 'Hi madie, sorry sa nagawa ko kanina, diko naman sinasadya yun, nadala lang ako ng emosyon ko, pasensya kana." Napangiti ako sa text niya at agad naman akong nagreply.

'Okay lang yun, nagulat lang ako pero ayos lang yun, wala ka dapat alalahanin.' with smile emoji.

"Madie." Tawag ni dianne at napatingin naman agad ako. "Kapag niyaya ka niyang makipag date, pumayag ka, pagkakataon mo na yan, ilang years kanang single." Tama si dianne, nakapag move on naman nako matagal na.

*phone tone.*

Nagmadali ulit akong tingnan yung reply niya. Nagulat ako sa tinext niya sakin. 'Okay lang ba yayain kitang magdate bukas? Tutal last day mo na sa pagpapahinga, susulitin kona.'

Napangiti ako sa text niya at nagoo ako sa kanya.

'Tomorrow, 5pm sa moa.' At sumang ayon naman ako sa kanya. "Mukhang tuwang tuwa ka ah." Pangaasar ng matinding mangasar at supportive kong kaibigan. "Ewan ko sayo, inom na tayo." Nagcheers kami at uminom.

KINABUKASAN naghahanda nako para sa date namin ni matt, dahil bukas papasok na ulit ako sa matindi kong trabaho, kaya susulitin ko ng magpahinga ngayon. 3pm palang pero kabado.

"Kalma lang madie." Umalis na kasi si dianne kanina, kailangan siya sa kanila. "Para hindi ako kabahan tinawagan ko si papa. "Hello pa, kamusta kana." "Okay naman ako anak, ikaw?" "Ito maayos naman, oo nga pala papa, kailan uwi mo?" Tanong ko.

"Malapit na anak unting tiis nalang." Napangiti naman ako. "Papa, i love you." Matamis kong sabi sa kanya. "I love you too anak ko, sabihin mo sa mama mo miss kona siya." Napatawa naman ako. "Opo papa, magiingat ka, bye." Sabay patay ko ng phone.

Tamang tama mag5 na, nagayos na ako at umalis na ng bahay. Paglabas ko nakita ko na siya sa labas. "Oh, bat nandito ka?" Taka kong tanong. "Wala, gusto lang kitang sunduin." Ngiti niya sakin.

"Dinaman na kailangan eh, kaya ko naman pumunta dun magisa." Lapit ko sa kanya. "Okay na yun, dina ko mapakali eh." Himas niya ng kamay niya. "Tara na." Yaya niya. Ngumiti naman ako at naglakad na kami palabas ng village namin.

Tahimik lang kami habang naglalakad, nahihiya ako dahil dipa maalis yung nangyare kahapon. "Ah sorry talaga kahapon." Sira niya ng katahimikan. "Okay lang yun."

Nagulat ako ng maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako. "Ah pasensya na." Kamot niya ng ulo at napatawa nalang ako ng mahina. Naglalakad kami ngayon na magkahawak ng kamay, oo gusto ko si matt, pero dipa masyado dahil nga... Ewan bahala na si bathala samin. Kung kami talaga. Basta magiging masaya ako ngayong gabi dahil kasama ko siya, wala akong ibang gagawin kundi maging chill lang.

#DATEWITHMATTHEWISTHEBEST HI GUYS SORRY KUNG NGAYON NA LANG ULIT AKO NAKAGAWA NG BAGONG CHAPTER, MEDYO WALA TALAGA AKONG NAIISIP NITONG MGA NAKARAANG ARAW, ATLEAST MERON NA NGAYON. SO ISA LANG NAMAN ANG WISH KO, ANG DUMAMI ANG VIEWERS NITO.

HAPPY AKO KASI KAHIT PAPANO MARAMI ANG NAKAKABASA NITO, SANA SUMIKAT HEHEHE... SALAMAT GUYS KEEP SUPPORTING ME AND KEEP READ MY STORY.

VOTE.COMMENT.

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon