KISS FROM ZENDMON

495 16 0
                                    

Chapter.37

Maddison's pov.

Gabi na ng makauwi kami,kasi si papa nagyaya pa gumala, namiss niya daw kasi ang pilipinas. Masaya naman dahil magkasundo na agad si papa at si zendmon,diko alam kung bakit mabait siya kay zendmon, di naman siya ganyan sa ibang lalake na nangligaw sakin noon.

"Hey dad." Tawag ko sa kanya at napalingon naman siya, hinatid na kami ni Zendmon sa bahay pero babalik siya at magiinuman sila ni papa. "Bakit close na agad kayo ni Zendmon?" Tanong ko.

"Ano kaba anak,nakikita ko sa post mo sa facebook na masaya kang kasama mo siya,ngayon nalang kitang nakitang masaya simula nung niloko ka ni." Bigla kong tinakpan ang bibig ni papa dahil ayaw ko ng banggitin yun.

"Sorry papa,ayaw ko na kasing banggitin siya dad." Tanggal ko ng kamay ko sa bibig niya. Bigla akong niyakap ni papa ng sobrang higpit. "Bakit naglalambing ka?" Tawa kong tanong.

"Namiss ko yung nagiisa kong anak, tsaka syempre malay natin mamaya magpropose na sayo yung mokong na yun." Huh? Mokong? Pero kanina ang saya saya nilang dalawa tapos ngayon tatawagin niyang mokong.

MAKALIPAS ang limang oras nakabalik na si Zendmon at nagiinom na sila ni papa, medyo lasing na ang dalawa dahil nagiingay na, ewan ko ba dito sa lalaking to kung bakit pumayag, katabi niya ako sa pang dalawahang sofa at si mama naman busy sa kusina.

"Hoy!" Duro niya kay Zendmon. "Alagaan mo yung anak ko,dahil nagiisa lang yan,kapag niloko mo yan sasakalin talaga kita." 'parang tanga naman to si papa,kaila mo kakainin ako ng buo ni Zendmon eh.'

"Yes sir, aalagaan ko po yung anak niyo ng buong buhay ko." Sinapo niya ang puso niya at ngumiti. Diko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa isang malalim na salita na mula kay Zendmon.

"Hoy, tama na yan halika na." Yaya ni mama kay papa. "Ah,madie dun mo na patulugin si Zendmon sa kwarto mo,mukhang di makakauwi yan." Teka? Bakit sa kwarto ko?

Agad na umalis sila mama at naiwan kami ni Zendmon sa kusina, bumilis ang tibok ng puso ko at parang ang awkward. Naramdaman ko na lang na nakapatong ang ulo ni Zendmon sa balikat ko.

"Madie,pwede bang dito ka lang? Wag mo kong iwan." Ano bang nangyayare sa lalakeng to? Ano bang meron kung bakit natutunaw ako sa mga ganya niyang salitaan. "Kasi di ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka."

Nakaharap na siya sakin at halos isang dangkal na lang ang lapit ng mukha namin, nararamdaman ko ang hininga niya na amoy alak pa. "Dito lang ako, di kita iiwan." Biglang may ngiting lumabas sa labi niya.

"Can i kiss you? Kasi nagselos ako nung hinalikan ka ni Mathew." Teka? Anong ibig niyang sabihin? Nakita niya yun. "Nagalit ako ng sobra sa kanya at nasuntok ko siya, bakit kasi nagpapahalik ka."

Teka siya? Nagseselos? Shit! Kalma lang self. "Can i kiss you now?" Bigla akong nawala sa sarili at napatango ako. Dahan dahang lumalapit ang mukha niya at naramdaman ko nalang na dumampi ang labi niya sa labi ko.

Sobrang lambot ng labi niya, masarap pala halikan to, Naghahalikan kami sa abot ng aming makakaya, nararamdaman ko rin na namumula na ang pisnge ko dahil sa sobrang hiya. Nakayakap siya sakin sa beywang ko at nakayap naman ako sa leeg niya. We kiss until we stop.

Nagpakawala muna siya ng ngiti at tsaka yumakap sakin. "I Love You." Nagulat ako sa narinig ko dahil lumabas rin ang hinihintay ko. "I Love You Too." Biglang humigpit ang yakap niya sakin.

A/N: AYIEEE,NAKAKAKILIG NAMAN SANAOL NALANG

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon