FIRST MEET (MADIE & MATT)

1.3K 31 0
                                    

DIANE'S POV.

CHAPTER.2

Nandito kami ngayon ni sandra sa mall, namamasyal, ewan ko ba dito, kakarating lang namin nagyaya agad kumain.

"Diane, anong order mo?" Tanong niya sakin. "Kahit ano." Sabay kuha ko ng phone ko. Omorder na siya habang ako naghahanap ng upuan. Ayon sakto.

Umupo na agad ako malapit sa c.r. "Diane okay na." Sabay upo niya. "Oo nga pala madie, bakit hindi ka pa naghahanap ng trabaho?" Tanong ko sa kanya.

Ewan ko ba dito sa bestfriend ko, sinasayang niya lang yung pinagaralan niya sa pagiging sidekick ng mama niya sa resto nila.

"Hindi ko pa kayang iwan si mama nu." Sabay dumating na yung order namin. "Ano ka ba madie, hindi habang buhay nandun ka sa resto niya, kailangan mo ring magtrabaho nu." Advice ko sa kanya.

"Eh kasi naman bestfriend, hindi ko pa alam kung saan ako magtratrabaho nu." Sabay subo niya ng pagkain niya. "Eh kasi madie, kailangan mo rin yun, may kilala ako, kaibigan ko siya nung high school pa lang tayo."

Nakikita ko kain lang siya ng kain. "Bff nakikinig ka ba?" Lamon siya ng lamon habang ako salita ng salita.

"Oo naririnig kita." Tsk, naririnig daw. "Kilala mo ba si zendmon?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Nangangailangan ata sila ngayon ng secretary, kaso bessy hindi ko alam kung kakayanin mo siya." Napatigil siya sa pagkain. "Bakit naman?" Tanong niya.

"Sasabihin ko muna yung good news." Ngiti ko sa kanya. "Bessy gwapo siya, matalino, lahat nasa kanya na." Sambit ko. "Ano yung bad?" Tanong niya.

"Well, masungut nga lang, attitude, walang tumatagal sa kanya eh, lahat na nagiging secretary niya umaalis." Nguso ko. Nakataas lang yung kilay niya.

Ano ba naman tong babaeng to, nakikinig kaya siya? "Hoy madie nakikinig ka ba?" Tanong ko na medyo pa sigaw. "Oo, yung kaibigan mong naghahire ng secretary, ipapasok mo ako sa kanya, tapos gwapo siya matalino lahat nasa kanya na." Lah baliw. Haha

"Ano pa?" Turo ko ng tinidor sa kanya. "Kaso nga lang baka di ko matiis dahil sobrang sungit at ubod ng yabang." Mabuti nakikinig siya. "Good." Ngiti ko.

After minutes or hours nag gala gala na kami dito sa makati, pumunta ng mall, kakain, titikman bawat makitang pagkain, ewan ko ba dito sa bessy ko, napaka takaw pero hindi naman tumataba, sana all.

MADDISON'S POV.

After naming mag gala gala, nagpahinga muna kami sa isang park, sobrang pagod na ako at busog na busog na. "Ano madie? Magyaya ka na bang umuwi?" Tanong sakin ni diane. "Oum." Tango ko. "Good."

Hahaha napapagod na yung kaibigan ko dahil sakin. "Bessy, hindi ko pa sigurado kung papasok ako sa sinasabi mo." Sabay sip ko ng drinks. "Bakit naman?"

Hindi ko pa talaga alam kung papasok ako, kasi siya na mismo ang nagsabi, sayang lang ang pinagaralan ko diba. "Basta bessy, hindi ko pa alam." Sa totoo lang ayaw ko talaga, natatakot lang ako na baka, magtampo siya sakin. "Tara na." Yaya niya sabay tayo ko naman.

Naglakad na kami papuntang sakayan ng taxi, ako ito lutang nanaman dahil iniisip ko yung sinabi ni diane, hay hirap kasing tanggihan eh, secretary na yun eh.

"Madie, kamusta si tito?" Ano kayang gagawin ko? Papayag kaya si mama?. "Madie." Hindi ko rin alam kung papayag si papa, mag 24 na ako itong august, baka paalisin na ako sa bahay. "Madddd." Hay

Paano kaya ito? Baka hindi ko kayanin yun. "Madie." Naramdaman ko na hinila ako diane, napatingin ako sa kanya. "Hoy madie, ano bang nangyare sayo?" Tanong niya sakin, nagtataka ako kung bakit ganon yung reaction niya. "Madie may problema ba?"

Ano bang meron. "Miss, okay ka lang ba?." Tanong ng isang gwapong lalake. "Ah oo." Sagot ko. "Naku miss muntik na kitang mabangga." Ano daw? Mabangga?

"Huh?" Tanong ko na walang kaalam alam. "Muntik na kitang mabangga, kasi naka grenlight eh." Turo niya dun sa may traffic light. "Ahhh." Tango ko. "Hindi ka ba nasaktan? O kahit ano." Hawak niya sa kamay ko.

"Ah okay lang ako." Bitaw ko sa hawak niya, sinong nagsabi na pwede niya akong hawakan? "Sorry." Yuko ko dahil sa hiya. "Bakit miss? Okay lang yun." Ngiti niya, ang gwapo niya shit, ang lalim ng dimple.

"Hi." Singit naman ni diane. "Hello." Bati rin sa kanya nung lalake. "Ako nga pala si diane, ikaw." Hala. "Ah sige aalis na kami, bye." Hila ko kay diane sabay takbo.

TAXI STATION.

"Bakit naman kasi lutang ka kanina?" Tanong niya habang naghihintay kami. "Ah wala, may iniisip lang ako kanina." Deny ko. "Sus, yung tungkol dun sa offer ko nu." Biglang lumaki yung mata ko. "Hindi nuh." Deny ko ulit, sige lang madie mag denied ka lang.

"Hindi ako naniniwala." Sabay tayo. "San ka pupunta?" Tanong ko. "Uuwi na tayo." Ah dumating na yung grab namin, wala kasing taxi eh kaya nag grab kami. Sumakay na kami sa grab at umalis naaa.

THIRD PERSON POV.

A WHILE AGO

Pagka takbo nila madie naiwan lang yung gwapong lalake dun, na nakangiti, at tinitingnan niyang umalis si madie hanggang sa nagring yung phone niya.

"Hello, oh zendmond, bakit?" Tanong niya dito. "{Anong bakit? Alas 4 na}." Napatingin ito sa relo. "Oh ano naman?" Tanong niya na pabiro. "{Fuck matt, bahala ka}." Natawa lang ito. "Oo na papunta na ako." Sabay baba ng phone at sabay alis nito sakay ang motor niya.

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon