WILL YOU MARRY ME?

475 15 0
                                    

Chapter.38

Maddison's pov.

1 taon na simula ng maging kami ni Zendmon, pero syempre di rin maiwasan ang selos at pagaaway naming dalawa dahil lang sa pagtatalo. Pano ba naman kasi, yung mommy niya di alam na kami na ni Zendmon kaya yun, may pinakilala sa kanya.

Pero ngayon okay na ang lahat ko nalang ang kulang.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Zendmon dahil sa pamamanhikan ng magulang ko sa magulang niya. Gabi na at kararating lang namin nila papa. "Nakakahiya naman ito anak." Sambit ni papa na pilit lang ang ngiti na lumalabas mula sa labi niya.

Pero sa totoo lang, namanhikan na sila samin noon, at ano ang meron ngayon? "Madie." Tawag sakin ng isang pamilyar na boses kaya napalingon kaagad ako. "Namiss kita." Yakap niya sakin.

"Miss agad? nagkita palang tayo nung isang araw." Nakahawak siya sa beywang ko. "Oo nga pala, diba namanhikan na kami nung isang linggo?" Pagtataka kong tanong. Ngumiti lang ito sakin.

"Oo nga." Kiss niya sa noo ko. "Oh anong meron?" Dagdag kong tanong sa kanya. "Di mo namam birthday, di naman birthday ni mama." Mama na ang tawag ko sa mommy ni Zendmon dahil request sakin yun ni mommy.

"Iho,tama na muna yang kasweetan niyo jan,pasok na tayo." Sabi ni papa at nagka tinginan lang kami ni Zendmon.

Zendmon's pov.

Pagkalabas ko nandun na agad sila Madie, niyakap ko siya dahil namiss ko talaga siya ng sobra. Naglalambingan kami ng magsalita si tatay. "Pasok na tayo sa loob." Ngumiti lang kami ni madie at pumasok sa loob.

LUMIPAS ang ilang oras tapos na kaming lahat kumaen,ang magulang namin nasa dining room nagiinoman at kami naman ni madie nasa garden nakahiga sa duyan. Gabi na at kitang kita namin ang ningning ng mga bituin.

"Ang ganda." Nakatingin siya sa langit at ako, kinakabahan sa gagawin ko. Isang taon narin kami ni Madie, siguro ito na ang time para magpropose sa kanya. 'shit! bakit ba ang nerbiyoso ko ngayon?.'

"Madie." Tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sakin. "I Love You." Napangiti siya ng sabihin ko sa kanya ang tatlong kataga na yun. "Salamat dahil dumating ka sa buhay ko,alam kong marami akong naging kasalanan sayo sa loob ng isang taon,pero hindi na mangyayare yun ngayon,dahil simula ngayon."

Tumayo ako at lumuhod sa harap niya nakanganga parin siya at nakikita ko sa mata niya ang halong halong emosyon, may kunting luha na gustong pumatak.

"Miss Morrigan, I Love You with all my Heart." Nilabas ko ang isang kahon at binuksan yun sa kanya. Nagulat siya ng makita niya ang nasa loob ng box at naiiyak na siya. "Will You Marry Me?" Ngiti ko at tumitig lang siya sakin at halata ang gulat at saya sa mga mata niya.

A/N: HI GUYS,SORRY NGAYON LANG NAKAPAG UPDATE,GUYS DALAWANG CHAPTER NALANG PO ANG GAGAWIN KO AT MATATAPODS NA PO ITO,SANA SUPORTAHAN NIYO PARIN PO AKO SA MGA SUSUNOD KONG HENERASYON, I LOVE YOU GUYS. DON'T FORGET TO VOTE.

#Guys meron akong next story ang title niya is Accidentally Inlove, sana magustuhan niyo yun,ipopost ko kapag tapos nato.

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon