Chapter.18
Zendmon's pov.
"What happened with you?" Tanong ni dad sakin. "Nothing, just sit dad." Yaya ko sa kanya at umupo naman siya. "Okay lang ba dito? Wala bang problema?" Tanong niya sakin. "Wala naman po dad." Sagot ko habang busy kunwari sa mga papel. "By the way, what about our meeting with mr.cruz in baguio? Pupunta kana ba?" Oo nga pala, nakalimutan ko yung tungkol jan.
"Dad, next week na po ba yan?" Tanong ko. "Yes,bakit nagaalanganin ka ba?" Napakamot na lang ako sa ulo. "Okay lang, pagisipan mo muna." Ngiti niya sakin. "Dad." Napatingin agad siya. "Pwede ko bang isama yung secretary ko?" Paalam ko sa kanya. "How about your camping? Diba matutuloy?" *sigh,oo nga pala.* "Pero dad sa susunod na lang yun, unahin ko muna yung kay mr.cruz." Sagot ko. "Okay, that's good, okay ikaw kung gusto mo isama yung secretary, no problem." Ngiti niya.
"Ah thank you dad, by the way dad, are you proud of me now?" Ngiti ko. "Very proud." Ngiti niya rin sakin bago siya lumabas ng office ko, sobrang saya ko dahil ngayon ko lang narinig yan sa ama ko, *dapat mapa oo ko si maddison na sumama sakin sa bagyo.*
Maddison's pov.
Tapos na ang launch namin, pabalik nako ng office ko. "Hayst, bakit ba ako pa yung nautusang magtimpla ng kape niya." Naglakad na ako ng makasalubong ko ang dad ni zendmon. "Hi." Bati ko sa kaniya. "Hi, ikaw ba yung secretary ni zendmon?" Tanong niya sakin. "Ah yes sir." Sagot ko na nakangiti. "Okay, i need to go." Paalam niya sakin. "Ah okay." Tumabi ako at dumaan na sila. *bakit kinakabahan ako?* Diko yun pinansin at tumuloy na.
Pagdating ko sa taas hinanap ko agad si giselle. "Giselle." Tawag ko at lumingon naman siya. "Ito na yung kape mo." Abot ko sa kanya. "Ah salamat." Naka simangot lang siya ng kinuha niya. *napakataray talaga nitong babaeng to.* Diko siya pinansin at umupo na lang, at tumuloy na lang sa ginagawa ko. "Maddison." Tawag sakin ng pamilyar na lalake kaya napatayo agad ako. "Yes sir." Sagot ko. "Pwede kaba?" Napalake yung mata ko. "Sir?" Gulat ko. "Sabi ko pwede kaba? Wala kabang gagawin?" Tanong ulit niya. "Ano sir." Napatingin ako sa computer ko, at wala naman ng gagawin. "Wala na po."
"Pwede kaba ngayon sumama sakin?" *anong meron dito sa lalakeng to? bat nagkakaganito to.* "Saan po sir?" Tanong ko. "Wag ng maraming tanong, sumama kana lang." Hila niya sakin. "Aray teka." Agad kaming nagmadaling umalis sa building niya. "San ba tayo pupunta?" Tanong ko habang papunta kami sa kotse niya. "Basta." Yan lang yung sagot niya. *ano ba naman tong taong to? mali kayo tong ginagawa niya.* Wala akong nagawa kundi pumasok na lang.
Pagpasok niya ng kotse niya agad ko siyang tinanong ng. "San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ng mahinahon, dahil nanggigigil nako, aba hinila niya ako ng biglaan, diman lang nagpaalam, at ang sagot niya lang. "Basta." Nu pa nga bang aasahan kong sagot niya. Bigla niyang pinaandar yung kotse niya. *nakakaurat*
Matthew's pov.
May dala akong kape at tinapay para ibigay kay madie, nagmadali akong pumunta ng office niya. *mukha akong tanga dito, nangliligaw ba ko?* Pagdating ko agad ko siyang hinanap pero diko siya makita. "Oh, matt, anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni rianna. "Ah hinahanap ko si madie." Sambit ko. "Si madie ba? Sinama siya ni sir zendmon." *sinama?* "San sila nagpunta?" Tanong ko ulit. "Diko alam eh, sige una nako." Paalam niya. *hasyt, wag mong sabihing kakumpetensya ko siya kay madie?*
Zendmon's pov.
Habang nagbyabyahe kami, nakatulog siya, siguro dahil sa pagod siya, andami ko ba namang pinagawa sa kanya eh. "Tsk, natulog ka talaga." Tingin ko sa kanya mula sa salamin. *smiled* "*Teka? Bakit ako ngumiti?*" Diko pinansin yun at nagmaneho na lang.
Nang makarating na kami.
Manila Ocean Park.
Pagkarating namin, diko muna siya ginising dahil masarap ang tulog niya. Kumuha ako ng phone at pinicturan ko siya. "*so, ganyan ka palang matulog, maganda ka parin.*" Nilalapit ko yung mukha ko sa kanya ng bigla siyang gumising. Nashock ako at ganun din siya kaya bigla akong umiwas. "Anong ginagawa mo?" Tanong niya sakin. "Wala." Baba ko ng kotse. *ang tanga mo zendmon, anong ginagawa mo?* maya maya pa ay bumaba narin siya. "Bat andito tayo?" Tanong niya. "Wala, gusto lang kitang igala." Ngiti ko sa kanya. "Let's go." Yaya ko at sumunod naman siya. Pumasok na kami at naglibot libot.
"Bakit dito mo gustong pumunta? Bata ka ba?" Tanong niya at napayuko naman ako. "Dito kasi ako madalas dalhin ng lola ko noon, nangako siya sakin na dadalhin niya ko dito bago siya mawala, pero di na nangyare yun." Kwento ko sa kanya. "Sobrang saya kong kasama yung lola ko, siya lang kasi ang meron ako noon, walang aruga ng magulang, kaya nung nawala siya madalas na lang ako pumunta dahil nga naging ceo ako." Kwento ko ulit. "Ah ganun ba, pasensya kana ah." Agad akong napatingin sa kanya. "Para san?"
"Nalungkot ka dahil sa tanong ko." Pagaalanganin niya. "Sus wala yun." Ngiti ko sa kanya. "Wow ang cute." Takbo ko sa may shark. "Wow." Nakatingin lang ako sa kanya na nakangiti. *bakit masaya ako kapag kasama kita? gumingiti ako na dapat hindi ko ginagawa? bakit ang pakiramdam ko ay diko mapaliwanag, gusto ko lang na palagi kang kasama.*
"Madie." Tawag ko sa kanya. "Pwede bang, magdate tayong dalawa?" Tanong ko sa kanya. "Huh?" Taka niya. "Di kita marinig." Sambit niya. *hayst buti na lang may nagingay kung hindi.* "Anong sabi mo sir?" Tanong niya. "Ah wala, sabi ko tara kaen na tayo." Yaya ko at nauna na akong naglakad.
Maddison's pov.
"San tayo pupunta ngayon?" Tanong ko ulit. "Di kaba nagugutom? Kakaen tayo." Sagot niya ng matino. "Okay, tamang tama dipa ko naglaunch." Sagot ko na nakangiti at umalis na kami dun. "Oo nga pala madie." Agad akong napatingin sa kanya. "Okay lang ba kung palagi kang sumama sakin sa tuwing pupunta ako dun?" Tanong niya sakin. "Oo naman, wala namang masama."
After some minutes
Nakarating na kami, maya maya pa ay bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa restaurant. "Ah anong gusto mo?" Tanong niya. "Ah yung A1 na lang." Sagot ko. "Sayo?" Tanong ko sa kanya. "Same na lang." Ngiti niya. "Okay." Sagot ko at pumila na. "Ito oh." Abot niya sakin ng pera. "Wag na, ako na magbabayad." Ngiti niya sakin. "Pero." Okay nato para makatipid ako. "Dun na ko ah." Paalam na siya sakin at tumango naman ako.
Habang pumipila ako, iba yung nararamdaman ko. *bakit ganito? ang bilis ng tibok ng puso ko?*. "Yes maam." Sabi ng counter at agad akong umorder, naghintay ako sa pagkaen namin at nang makuha ko agad kong hinanap si zendmon, habang papalapit ako sa kanya iba talaga ang nararamdaman ko, diko alam kung ano. Diko namalayan na nasa harap ko na siya. "Madie?" Tawag niya sakin. "Huh?" Tanong ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya. "Ah oo." Sagot ko sa kanya.
"Dalian na natin." Sambit ko. "Okay." Agad kaming nagmadaling kumaen. "Madie may gusto kasi akong ioffer sayo." Sambit niya. "Ano yun sir?" Taka ko. "Okay lang ba sayong isama kita sa baguio next week?" Bigla akong nasamid. "Baguio? Bakit sir?" Taka kong tanong. "May business meeting lang." Kamot niya sa batok niya. "Ah ganun ba, okay sige." Payag ko. "Thank you." Ngiti niya sakin at iba ang naramdaman ko kaya kumaen na lang ako.
After some minutes
Dumiretso muna kami sa building dahil naiwan ko yung gamit ko. "Pano, uwi nako." Paalam ko sa kanya. "Sige magiingat ka." Ngiti niya at ngumiti naman ako at umalis na. *ano bang feelings ng ganito? yung masaya kapag kasama mo siya? yung parang ayaw mong mawala siya? inlove na ba to? pero hindi pwede.*
OMG!! ANO NA KAYA ANG SUNOD NA MANGYAYARE? ABANGAN NIYO.😉
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MY BOSS
Short StoryI'm Inlove With My Boss is papasok siya bilang secretary, pero papakiusapan siya ni zendmon na maging fake girlfriend niya, dahil ayaw niya kay seandra. Inarrange marriage siya ng mama niya sa taong hindi naman niya mahal, so gagawa ng paraan si zen...