CHAPTER.11
MADDISON'S POV.
After an hours natapos ko na lahat ng pinapagawa niya pwera lang sa isa kunti na lang matatapos na ako. "Hay." Hinga ko ng malalim. "Madie." Tawag sakin. "Tara na, uwian na." Yaya sakin ni rianna. "Ah sige una kana, may gagawin pa ako." Sambit ko. "Oh sige, ingat ka ah." Ngiti niya.
Binalikan ko naman siya ng ngiti. Nagstretch muna ako at bumalik na sa trabaho. "Kaya mo to maddison, matatapos rin to." Kausap ko sa sarili ko. "Hoy." Tawag sakin ng lalakeng mayabang. "Bakit?" Tingin ko na naka taas ang kilay. "Umuwi kana." Tsk ngayon magbabait baitan siya sakin.
"Hindi na, tatapusin ko na to." Sabay balik ko ng tingin sa computer. "Oo nga pala, yung sinabi ko sayo prank lang yun." Napatigil ako sa pagpipindot. "Prank lang yung maging fake girlfriend ka." Tsk. "Siraulo." Bulong ko. "Anong sabi mo?" Tanong niya na pagalit. "Wala."
Buysit talaga siya, ang galing naman niyang iprank ako, ako naman tong naniwala, gago rin ako eh nu. "Tinest lang kita kung gaano ka katapang, kung kaya mo ako." Hindi ko siya pinapansin kahit boss ko siya. "Kasi yung mga nagapply sakin hindi ako kaya eh, ikaw lang yung babaeng sinagot ako." Ano naman,tinanong ko ba?.
Hindi ko parin siya pinapansin, basta ako trabaho lang ako, tatapusin ko to kahit anong oras pa. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya ulit. "Tapos." Taas ko ng kamay at higab ko. "Okay na." Tumayo na ako at nagayos na ng gamit. "Wala ka bang balak pansinin yung boss ko?" Haha bala ka diyan, pinagtripan mo ko, pagtritripan rin kita. "Makauwi na nga."
Sinuot ko na yung bag ko at naglakad na. "Yahhh!!!" Sigaw niya at napahinto ako. "Buti naman narinig mo na ako." Paninindigan ko to. "Omg, may multo, may sumigaw." Sabay takbo ko, iniwan ko siya dun at hindi pinapansin.
---------------------------------------------------------
ZENDMON'S POV.
Tiningnan ko lang siya palayo sakin. *smiled* 'teka? bakit ako ngumiti? baliw na ba ako?' "Hindi niya ako pinansin." Panghihinayang ko. "Tanga ka kasi zendmon, bakit mo pa kasing sinabi na prank lang yun." Palo ko sa ulo ko.
OFFICE.
Habang nagtitingin ako sa mga papeles, nakita ko yung resume ni maddison, tiningnan ko ito at binasa. "Maddison morrigan, 23 years old, so mag 24 na siya this august, (place), so dito siya nakatira? Hahaha." Teka? Anong meron sakin? Bakit ko binabasa to? Nakita ko yung number niya at kinuha ko agad ito.
"Sir, andyan na po si mang orlando." Agad kong niligpit yung mga papel. "Ah oo." Sabay tago ko at umalis na.
---------------------------------------------------------
THIRD PERSON POV.Nakasakay na si maddison sa taxi, at medyo matagal pa ang byahe niya. Naalala niya si zendmon.
["Tinest lang kita kung gaano ka katapang, kung kaya mo ako. Kasi yung mga nagapply sakin hindi ako kaya eh, ikaw lang yung babaeng sinagot ako. Wala ka bang balak pansinin yung boss ko?. Buti naman narinig mo na ako."] *i smiled*
"Maam ang saya mo ah." Nagulat ako sa sinabi nung driver. "Ah hehe, hindi naman po." Deny ko. "Bakit maam? May nagugustuhan kana ba?" Nagulat ako sa sinabi ulit ni kuya. "Hahaha wala po kuya." Deny ko ulit. "Halata ka maam, namumula po yung pisngi mo." Si kuya tsismoso eh nu.
"Maiinit lang po kasi." Denied ko again and again. "Naku maam, mahirap yan kapag tinatago mo sa sarili mo, tsaka maam, mahirap din kung hindi mo sigurado kung inlove ka nga." Si kuya andaming alam ah. Nginitian ko nga lang siya.
'Ano kayang pinagsasabi ni kuya?' "Ah kuya, andami niyo pong alam." Ngiti kong pilit. "Ah oo naman iha, dumaan din ako sa ganyan, matagal bago ko siya nagustuhan, dahil kinikilala ko pa lang siya." Drama ni kuya. "Andito na tayo maam." Buti naman nakauwi na ako. "Sige kuya salamat, ingat." Sabay sara ko ng pinto ng taxi.
'Daming knows ni kuya nu, tagal ko na kasing walang alam diyan.'
---------------------------------------------------------
So prinank lang pala ni zendmon si maddison, haha cute, naiinlove na kaya si zendmon kay maddison? Naiinlove narin kaya si maddison sa kanya? Pwes abangan sa mga susunod na chapter. Please support me, bago lang po ako sa paggagawa ng story. Sana po may makabasa. Thanks.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MY BOSS
Short StoryI'm Inlove With My Boss is papasok siya bilang secretary, pero papakiusapan siya ni zendmon na maging fake girlfriend niya, dahil ayaw niya kay seandra. Inarrange marriage siya ng mama niya sa taong hindi naman niya mahal, so gagawa ng paraan si zen...