DINNER WITH HIM

634 21 0
                                    

CHAPTER.13

MADDISON'S POV.

5:30pm

Sa sobra kong sipag di ko namalayan na uwian na pala namin, sobrang gutom na ako, hindi kasi ako kumain kanina sa sobrang dami kong ginawa eh, ikaw pa naman maging secretary eh. Inunat ko muna ang katawa ko at napa higab ako.

"Hay salamat tapos na." Lalim kong hinga. "Makakain nga bago umuwi." Tumayo na ako at inayos ko ang gamit ko. "Uuwi kana?" Nagulat ako kaya nasabi ko ito. "Ay kabayo." Hawak ko sa dibdib ko. "Tsk." Ngisi niya sakin. "Ah sir ikaw pala." Ano ba yan, nakakahiya naman. "Uuwi kana?" Tanong ulit niya habang nagaayos ako ng gamit ko.

"Ah opo sir." Sagot ko. "Kumain kana ba?" *teka nga, bakit niya tinatanong? ano naman sa kanya?* "Ah kakain pa lang po ako." Ngiti ko sa kanya, napatango na lang siya. "Sige sir una na po ako." Paalam ko. "Ah sige." Sagot niya sabay gilid niya at dumaan ako.

---------------------------------------------------------
ZENDMON'S POV.

*gusto ko siyang yayaing kumain, pero paano? kung mahihiya ako, okay lalakasan ko na ang loob ko.* Lumingon ako pero wala na siya, kaya di na ako nagdalawang isip na habulin siya, nagmadali akong bumababa para lang yayain siyang kumain. Pagbaba ko salamat naabutan ko siya.

"Maddison." Tawag ko sa pangalan niya at napalingon naman siya. "Oh sir, ikaw po pala." Ayos niya ng buhok niya. "Ah maddison, gusto ko sanag sumabay sayo." Nakita ko na nagtaka siya sa sinabi ko. "Sir? Sasabay ka po sakin?" Laki niya ng mata. "Hahaha." Ngiti niya, *shit, bakit ba ganyan siya ngumiti? para bang nakukureyente ang buong katawan ko.*

"Ah oo, diba kakain ka?" Tanong ko sa kanya, habang nahihiya parin ako. "Ah yes sir." Nodded niya. "Ah sasabayan kita." Nakikita ko na para bang nahihiya siya sakin.

---------------------------------------------------------
MADDISON'S POV.

*teka, nayayaya niya ba akong kumain? magsasabay kami?* 'teka totoo ba to? niyaya akong makipag dinner ng boss ko?' "Ah hindi ba nakakahiya sir na sasabay ka saking kumain?" Tanong ko na pa shy. "Ah hindi naman, tsaka wala namang malisya diba?" Wait totoo ba to?

Napaka mabait niya ngayon ah. "Kung papayag ka lang naman eh, kung hindi okay lang." Napangiti ako dahil yung boses niya para bang nahihiya siya. "Ah oh sige sir." Paya ko. "Wala namang malisya eh." Ngiti ko sa kanya. "Ah okay, tara." Yaya niya.

'Oh may ganyan kayo, hahaha... nakikipag dinner sakin ang boss ko, sobrang bait naman pala eh.'

Nakasakay na ako ngayon sa kotse niya, medyo awkward pa dahil boss ko siya employee niya ako, hindi ba nakakahiya yun. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. "Ah medyo awkward lang." Ngisi ko. "Bakit? Dahil kasama mo yung boss mo?" Dahil ba yun dun? Pero parang ganon na nga.

"Ah oo." Bigla naman siyang tumawa. "Naku okay lang yun." Ikot niya sa manebela. *pwede ko kaya siyang tanungin kung date pa to oh dinner lang, ay hindi, wag maddison* "Ah sir." Tawag ko sa kanya. "Diba hindi naman to date?" Takte ka madie, bakit mo ba tinanong yan.

Hinawakan ko ang bibig ko dahil sa sobra kong daldal, haynaku nahihiya ako. "Haha." Tawa niya. "Sorry sir." Yuko ko. "Okay lang yun." Bigla kaming huminto. "Andito na tayo." Napatingin ako sa resto na kakainan namin. "Teka sir? Bakit dito tayo kakain? Mahal kaya dito." Pagaalangan ko, totoo naman eh, mahal yung kakainan namin.

"Okay lang yan, tara na." *ano bayan, nakakahiya na talaga.* Wala na akong nagawa kaya bumaba na ako. "Tara." Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako dun. "Ah teka." Hinila na niya ako papasok sa resto na yun. "Welcome sir zendmon." Teka kilala siya dito? "Ah asan si ate?" Tanong niya.

"Ah wala sir, kanina pa po siya umuwi." So sa kanila pala ito. "Ah girlfriend niyo sir?" Tanong samin nung employee doon. "Ahhh." Nahiya tuloy ako. "Ah hindi secretary ko lang." Sagot niya. "Ah tara dun tayo." Sabay upo namin sa gilid. Nakaupo na kami at naghihitay ng pagkain.

Tumayo na muna ako para mag c.r "San ka pupunta?" Tanong niya sakin. "Ah magc.cr lang ako." Tumango naman siya at umalis na ako at pumunta sa c.r

After 1minutes nasa c.r parin ako. Nakatingin ako sa salamin at sinabi ko sa sarili ko na. "Nahuhulog na ba ako? O nahulog na talaga ako?" Yan ang palaging tinatanong ko sa sarili ko ngayon, hindi ko alam kung bakit.

Teka? Im Inlove With My Boss?

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon