FAKE SECRETARY.

664 22 0
                                    

CHAPTER.10

MADDISON'S POV.

"So pwede ka bang magpanggap na maging kasintahan ko?" Tanong niya sakin, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Baliw ka ba?" Matapang ko na tanong sa kanya. "Hahaha, hindi naman kita pipilitin, kung ayaw mo okay lang, kaso no choice kana." Buysit talaga tong lalakeng to.

"Hoy, hindi ako uto uto okay, kung hindi talaga secretary ang gusto mo aalis na lang ako." Patayo na ako kaso nagsalita pa siya. "Alam mo morrigan." Teka, morrigan? Walang ms?. "Kung gusto mo makatulong sa family mo, gagawin mo lahat para sa kanila." *teka? stalker ko ba siya?*

"Alam mo zendmon, i mean sir zendmon, wala akong pake sa pera mo, kung ayaw ko sa gusto mo hindi mo ako mapipilit, hindi ako tanga para maniwala sayo." Sigaw ko sa kanya. "Kumalma ka miss morrigan, gusto mo bang tawagan ko ngayon si diane? At sabihin ko na---." Hindi na siya natuloy sa pagsasalita ng pinutol ko.

"Blina blockmail mo ba ako?" Tanong ko habang naka cross ang arms ko. "No, pero kaya kitang pabagsakin, once kasi na pumasok ka dito sa office ko, hindi kana makakalabas, well makakalabas ka lang kung papayag ka." *nahihibang na ba siya?* "Tama nga yung kaibigan ko, napaka mayabang mo." Sigaw ko sa kanya.

"Oo alam ko mayabang ako, at malakas din ako, kaya kong ilabas lahat ng baho yung mga kalaban ko." Yung mga mata niya, kung makatingin akala mo mangangain. "Ano papayag kana ba?" Tanong niya. 'Maddison wala kanang choice, dahil kapag nalaman ni mama na umalis ako baka madissapoint ako, tsaka mapapauwi ko na si papa, pumayag kana maddison.'

"Okay fine, ano bang gagawin ko?" Tanong ko na parang pilit lang. "Well, sabi ko nga kanina magpapanggap ka na girlfriend ko at magpapanggap karin bilang secretary ko." Buysit. "Magkano?" Well mahilig ako sa pera. "Tsk, mga babae nga naman, mahilig talaga sa pera, dodoblehin ko." Shit pumayag na ako? No!

"Okay, deal." Hina ko ng boses.

---------------------------------------------------------
After naming magtalo ng lalakeng yun, nakaupo na ako at pilit kong kinakalma ang sarili. "Kainis." Sabunot ko sa sarili ko. "Bakit ka pa kasi pumayag maddison?" Sinisipa ko yung paa ko sa sobrang gigil. "Paano kung malaman to ni mama." Inayos ko ang sarili ko.

"No hindi niya pwedeng malaman ito, lalo na si papa." Ahhhh. Pinatong ko ulit yung ulo ko sa lamesa ko. "Ms morrigan, pinapagawa sa iyo to ni sir zendmon." Bigay niya sakin ng papel. "Akala ko ba fake girlfriend niya ako? Eh bakit andami niyang pinapagawa?" Wala akong nagawa kundi gawin na lang yun.

---------------------------------------------------------
AFTER 3 HOURS

After 3 hours natapos ko na yung pinapagawa niya, breaktime narin namin, nasa kusina kami at kumakain ako magisa ng may lumapit. "Hi." Ngiti niya sakin. "Hi." Bati ko rin sa kanya. "Anong name mo?" Tanong niya sakin. "Ah maddison, but you can call me madie." Pakilala ko sa kanya.

"Ah i'm rianna." Abot niya ng kamay at inabot ko rin yung akin. *shakehands* "Bago ka lang dito?" Sabay subo ng pagkain. "Ah oo." Sagot ko. "Ang hirap nu, naku yung first day sinungitan ako ni sir, buti ikaw hindi." 'kung akala mo lang.' "Hahaha sinungitan niya rin ako." Ngiti ko ng pilit, totoo naman ah, blinock mail niya pa ako.

Kain lang ako ng kain hanggang sa. "Maddison tawag ka ni sir." Napatingin ako kung sino yun, assisstant pala niya. "Pero hindi pa ako tapos kumain." Sambit ko. Sininyasan ako ni rianna na 'sige na.'

"Ikaw na bahala dito ah." Suyo ko sa kanya. "Oo." Sabay alis ko at punta sa office niya.

"Bakit?" Tanong ko na pagalit. "Ah pwede bang tingnan mo sa schedule ko kung saan ako walang meeting, at pa ipa copy mo lahat ng ito, tsaka paki contact si mr.hwang at sabihin mo na papayag ako sa gusto niya." Teka? Hindi ko nga kilala yung hwang eh. "Pero hindi ko siya kilala?" Pagaalala ko.

"Basta gawin mo na lang lahat." Buysit. "Teka? Akala ko ba hindi talaga ako secretary? Bakit mo ako pinapahirapan?" Nakita ko na tumawa lang siya. "Ah oo nga pala, magresearch ka nga about sa furniture, para naman magkaroon tayo ng bagong design." Tsk kainis.

"Yun lang ba?" Tanong ko na nakataas ang kilay. "Oo, pwede ka ng umalis." Tsk, yun kang, Nilalang lang mo lang yun? Umalis na ako sa loob at paglabas ko huminga ako ng malalim.

'Kaya mo yan maddison, fight lang.'

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon