DATE WITH YOU

620 20 0
                                    

CHAPTER.14

MADDISON'S POV.

Kinabukasan 8:30am

"Good morning mama." Bati ko kay mama na naghihigab pa. "Oh wala ka bang pasok ngayon?" Tanong niya habang nagaasikaso ng almusal namin. "Ah wala po ma, pero pinapapunta po ako ng tropa niya."

Sip ko sa kape ko. "Tropa niya?." Taka ni mama. "Opo." Tango ko. "Baka mamaya pinapahirapan ka lang ng boss mo?" Pagaalala niya. "Hindi naman ma, syempre po secretary ako eh." Sabay kain ko ng fried rice. Biglang...

*teka? i'm inlove with my boss?*

"Acckkk." Nabilaukan ako. "Oh." Pagaalala ni mama. "Ah ah." Ubo ko dahil nabilaukan nga ako. "Ano bang meron sayong bata ka?" Palo ni mama sa likod ko. "Ah wala ma." Deny ko. "Anong wala, pwede ba yun." Hinihimas niya na lang yung likod ko.

Mahal na mahal talaga ako ni mama. "Oo nga pala mama, kamusta si papa? Kailan daw siya uuwi?" Change topic ko. "Ah hindi pa daw niya alam, andami daw niyang ginagawa eh." Lagi namang ganon si papa. "Eh yung resto mo ma?" Subo ko ng pagkain. "Okay lang naman, andaming customer kanina, buti na lang dumating si tita mo." Nalulungkot tuloy ako.

"Oh bakit nakasimangot ka?" Naghuhugas na si mama ngayon ng plato. "Wala ma, sige ma ligo lang po ako." Inom ko ng tubig at sabay tayo at punta sa kwarto ko para makapag ayos na ako.

---------------------------------------------------------
MATTHEW'S POV.

10:00 am
Sa labas ng company nila zendmon.

Hinihintay ko si maddison dahil magkikita kami ngayon, hindi niya alam na yayayain ko siyang lumabas. *hahaha inlove kasi ako sa kanya.* Ginamit ko yung pangalan ni zendmon para pumayag siya.

After minutes.

"Matthew." Tawag sakin ng isang babae. Napalingon naman ako at tinititigan lang siya habang lumalapit sakin. *sobrang ganda niya, sa tuwing nakikita ko siya nagiislowmo ang paligid ko.* "Ang ganda." Lutang kong sabi. "Huh?" Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti. "Hoy."

Tapik niya at natauhan ako. "Anong nangyare sayo?" Tanong niya sakin habang inaayos ang buhok, ang lakas kasi ng hangin eh. "Ah wala." Deny ko. "Asan na si zendmon?" Tanong niya, hay dapat pala hindi ko na ginamit yung pangalan niya, kasi sure ako na hahanap hanapin niya si zendmon.

Mabuti pa na umamin na lang ako. "Ano kasi maddison, sa totoo lang hindi ka talaga pinapasundo sakin ni zendmon, ginawa ko lang yun para pumayag ka." Hiya kong sabi, naku nakakainis talaga. "Tsk." Teka, close na ba kami? "Sorry talaga, gusto lang kasi kitang makasama." Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. "Makasama?"

Taka niyang tanong at tumango naman ako. "Bakit?" Teka? Anong sasabihin ko? Matt magisip ka. "Ah gusto kasi kitang makilala ng lubusan, dahil ano---." Hindi na natuloy ng putulin niya ito. "Okay na, wag ka ng magpaliwanag." Ayos niya ulit ng hair niya. *ang ganda niya talaga.* "San tayo pupunta?" Tanong niya sakin.

Ngumiti lang ako at hinila na siya palayo dun, mamaya maabutan pa kami ni zendmon eh.

---------------------------------------------------------
MADDISON'S POV.

5 minuto na ang nakakalipas nang umalis kami dun sa company nila zendmon, ewan ko ba dito sa kaibigan niya bakit ako niyaya. Andito kami ngayon sa isang mall, palakad lakad.

"Ah naboboring ka ba maddison?" Tanong niya. "Ah hindi naman." *pero sa totoo lang, bored na talaga ako, kanina pa kami naglalakad eh.* "Ah tara." Hila nanaman niya sakin. *ang sakit na ng braso ko, kanina pa siya hila ng hila.* Niyaya niya ako sa game session para maglaro kami.

Masaya kaming maglaro, tawanan, paluan, feel ko komportable ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging nalapit sa kanya, dahil ba mabait siya? o dahil maha----, hindi pwede maddison, hindi pwedeng dalawa sila. "Maddison." Tawag niya ng malakas sakin. Nandito kami ngayon sa tambayan sa taas kumakain ng ice cream.

"Ah sorry." Sabay kain ko ng ice cream. "Bakit nakatulala ka diyan? May problema ka ba?" Tanong niya, umiling na lang ako para hindi halata. *tanungin ko kaya kung bakit niya ako niyaya.* "Ah matthew, tutal close naman tayo, bakit mo ako niyaya ngayon?" Tanong ko na kabado.

"Ah." Nakita ko na napatingin siya sa sahig. Nahihiya ba siya? "Ah okay lang kahit wag mo ng sabihin." Pagaalala ko. "Ang totoo niyan maddison, para kasi sakin hindi lang to gala o ano, para sakin date ito." Nanlaki ako ng mata at napahinto ako sa pagkain ng ice cream ko.

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon