CONFESSION

567 20 0
                                    

MATTHEW'S POV.

Chapter.16

KFC

"Maddie anong gusto mong kainin?" Tanong ko sa kanya. "Diba nakakahiya?" Pagaalanganin niya. "Oo naman, tutal medyo close na tayo diba." Ngiti ko sa kanya at ngumiti rin naman siya. Omorder na ako ng pagkain naming dalawa. "Magcc.r lang ako." Paalam niya sakin. * Tama ba tong ginagawa ko? Na yayain ko siyang kumaen? Tapos aamin na ako?*. "Ah sir ano pong order niyo?" Tanong ng cashier. "2 A1 please." Order ko. "Ah thank you sir."

Pagkatapos kong omorder naghanap na ako ng uupuan namin. *San kaya pwede?." Napalingon ako sa kanan. "Ayun." Agad akong pumunta dun at umupo. Tamang tama pagkaupo ko dumating na si maddison. "Nakaorder kana?" Tanong niya sakin. "Ah oo." *Diko alam kung bakit ninenerbiyos ako ng sobra.*  Maya maya nahalata niyang nanginginig ako. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. "Ah oo." Sagot ko. "Bakit nanginginig ka?" Tanong nanaman niya. "Ah wala to." Deny ko.

"Ah ito na po sir." Abot ng pagkain. "Ah salamat." Ngiti ni madie sa waitress. "Salamat pala sa paglibre." Ngiti niya sakin. "Wala yun basta ikaw." Ngiti ko sa kanya.

"Oo nga pala, bakit ganun si sir zendmon kung umasta? May problema ba siya?" Tanong niya sakin. *Teka bakit napunta kay zendmon ang topic na to? Hayaan mo na.*  "Ah wala ganun talaga siya, pero wag mo na lang pansinin yun." Sambit niya sakin. "Feel ko kasi may problema siya eh." Sabay kain. *Takte nahihiya akong umamin.*

After some minutes

Tapos na kaming kumaen. "Halika na, ihahatid na kita." Yaya ko sa kanya. "Ayt hindi na, kaya ko namang umuwi magisa." Tanggi niya. "Halika na." Hila ko sa kanya. Paglabas namin naglakad na kami papunta sa parking lot. *Shit ito naba ang time? Teka kinakabahan ako.* Napahinto ako dahil gusto ko na talagang umamin sa kanya. Napahinto rin siya at lumingon sakin. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin.

"Alam kong bago pa lang tayo magkakilala madie, pero kasi..." *Shit bakit pagdating sa kanya nagiging torpe ako.* "What matt?" Seryoso niyanv tanong. "F***..." Sigaw ko at kinagulat niya. "I love you." *Shit, bakit ganito.* Nakatulala lang si madie sakin at hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Para sakin nakakagulat din ang nangyare. Ewan ko ba kung bakit ko nasabi yun, dala lang siguro ng emosyon.

Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay siyang magsalita, Hanggang sa. "I'm sorry matt." Hiya niyang sabi. *Alam ko namang yan yung sasabihin niya.* "Wag kang magalala diko naman agad hinahangad na mahalin mo rin ako, basta nasabi ko sayo." Ngiti ko sa kanya at ngumiti rin siya sakin. "Sana maintindihan mo." Ngiti niya at tumango lang ako.

After 2 hours

Nahatid ko na siya sa kanila. "Thank you ulit." Ngiti niya. "Wala yun basta ikaw." Ngiti ko rin. "Sige baba na ko, ingat ka." Paalam niya sakin. "Ikaw din,see you tomorrow." Paalam ko rin sa kanya. "See you." Sabay baba niya ng kotse ko at kumaway na siya mula sa labas at pumasok na sa bahay nila. *Shit...bakit pa kasi ako umamin eh.* Umalis narin ako at dumiretso ng club para uminom.










^Thank you guys for reading my story😊 Sana support niyo parin ako at ngayon nagbabalik na ko. Keep safe guys and Godbless💖.^

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon