I'M INLOVE

445 19 0
                                    

Chapter.33

Maddison's pov.

"Kasi ako dilang secretary ang tingin ko sayo." Nagulat ako ng sabihin niya yan, anong ibig mong sabihin zendmon? Wag mong sabihin ngayon na gusto mo ko dahil diko mapipigilan ang sarili ko. Napalingon ako sa kanya. "What?" Yan nalang ang lumabas sa bibig ko.

Nararamdaman ko na nasasaktan si matthew sa tabi ko, dahil pumayag akong makipag date sa kanya tapos ganto lang to, pero ayoko siyang paasahin, ayokong lumala pa yung feelings niya sakin, ayokong makasakit ng tao. Nakikita ko na palapit na sakin si zendmon. Tinuyo niya ang mga luha ko na nanggagaling sa mata ko.

"Ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya. "Diko lang matanggap madie, na ako yung gusto mo pero iba yung kasama mo." Napatingin ako kay matthew at napaiwas naman siya. "Siguro kailangan niyong magusap." Singit samin ni matthew. Napatingin ako sa kanya at tumango naman siya.

Hinawakan ni zendmon ang kamay ko patungo sa labas at dun kami nagusap sa kotse niya. Tahimik lang kami at ako, naghihintay ng magsalita siya. "Madie, sorry kung gumawa ako ng kahihiyan sa loob ng mall." Nakayuko siya. "Dapat lang mahiya ka, magiskandalo ka ba naman dun eh." Napangisi siya.

"So, ano ba talagang balak mo?" Harap ko sa kanya. "Madie, alam kong alam mo ang nasa isip ko." Tinitigan niya ako sa mata at dahilan kung bat ako napa iwas. "Tumingin ka nga sakin." Hinarap niya ang mukha ko sa kanya.

"Ano ba?" Napatawa siya ng pisilin niya ng kamay ang mukha ko. Ngumiti siya at tinititigan ko lang siya. "Ano?" Iwas ko at pinalo siya sa braso. Tumawala siya at napakamot sa batok. "I like this." Napatingin ako at nakita ko na nakayuko lang siya.

"Ang alin?" Tanong ko. "Na masaya to, madie, naalala mo yung sinabi ko kanina?" Yun ba yung sinabi niya na hindi lang secretary ang tingin niya sakin? "I'm inlove madie." Napadabog siya. "Fuck." Palo niya sa manibela. Tinititigan ko lang siya at mukha ngang sincere siya sa sinabi niya, mahal ko rin naman siya pero pano yung kasal niya?

"With who?" Yan nalang ang sagot ko para hindi halatang apektado ako. "Fuck naman madie." Sigaw niya. "Syempre sayo." Napatawa ako dahil naiinis siya. "Bat tumatawa ka?" Galit niyang mukha ang nakatingin sakin. "Wala ng cute mo lang." Ngiti ko. "No, i'm not cute." Iwas niya ng tingin sakin. "Madie." Seryoso niyang tono ng boses.

"You like me too, do you?" Kinakabahan ako kung ano ang sasabihi ko, diko alam kung ano ang ilalabas ng bibig ko. "Yes." Nagulat siya sa sinagot ko at napatingin din siya. "Pero pano si seandra? Yung kasal niyo?" Pagaalala kong tanong.

"Ayokong masira ng tiwala sayo ng mama mo, at dun palang sa pagpapakasal sa kaniya ay masaya na siya." Nakita ko na napangiti siya sa sinabi ko. "Sa tingin mo ba gagawin ko to kung gusto kong makipag kasal kay seandra?" "What do you mean?" Taka kong tanong. "Si matt, ako yung nagchat na kung pwede na idate ka niya." "Ano?" Gulat ko.

"Anong pinagsasabi mo ha? Hibang kana ba zendmon?" Palo ko sa kanya. "Aray, syempre gagawin ko lahat para sayo madie, mahal kita matagal na, simula nung magapply ka." Nagulat ako sa narinig ko, totoo ba? Legit ba to? Pero diko ramdam, sa loob ng 3 months palang na pagtratrabaho ko, eh diko alam na may feelings ang boss ko sakin.

Pero may feelings din naman ako sa kanya nun, di lang halata. Pero pano si matthew? Alam kong gusto niya rin ako at ayokong masaktan siya, yung kasal niya? Gustuhin ko mang maging kami, pero hindi pwede dahil lang sa bagay na yun. Hindi pwede maging kami ni zendmon, hindi pwede.

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon