GIFT

875 25 0
                                    

CHAPTER.4

DIANE'S POV.

3 oras ang byahe mula samin hanggang kila madie, ikaw ko ba kung bakit niya nakalimutan yung regalo niya sa mama niya. Buti na lang nakapunta ako ng wala pa sa 3 oras. Nandito na ako ngayon sa village nila madie. After 3minutes.

Nagdoorbell na ako. Ilang beses na akong nagbell pero walang nagbubukas, teka bukas naman pala eh. Pumasok na ako at si madie tulog nang inabutan ko. May pumasok narin pagka pasok ko. "Oh diane, bakit nandito ka? Gabi na ah." Sabay beso namin ni tita.

"Ah may inaabot lang po ako kay madie, tsaka tita dito narin po ako matutulog." Kamot ko sa ulo ko dahil sa hiya. "Ah ganon ba, sige okay lang." Punta niya sa direksyon ni madie. "Hoy." Palo niya dito ng malakas.

"Mmm." Inat niya. "Andito si diane." Sambit ni tita. "Huh?" Tayo niya agad. "Oh diane, asan na?" Tanong niya sakin. "Oh ayan na po manang." Asar ko. "Salamat." Yakap niya sakin, kahit kailan talaga tong babaeng to, napaka malilimutin. "Sorry ah." Kusot niya ng mata niya. "Okay lang yun." Ngiti ko.

Niyakap niya ulit ako. Sweet ng bessy ko nuh, wala ka nito. "Kumain na ba kayo?" Tanong samin ni tita. "Opo." Sagot ni madie kung saan naglakad siya papuntang kwarto niya. "Madie." Tawag ko sa kanya na pabulong.

"Bakit?" Bulong niya rin. Sinisinyasan ko siya na ibigay niya na. Pumunta na agad siya sa mama niya at niyakap niya ito. "Oh anong meron sayo?" Tanong ni tita sa kanya. "Charan." Sweet talaga ng bessy ko.

"Ano yan?" Punas ni tita ng kamay niya sa towel. "Gift ko po para sa inyo." Ngiti ni madie. Kinuha naman yun ni tita tsaka umupo at binuksan. Nakangiti lang si madie habang tinitingnan niya ang mama niya, nilapita ko naman siya at nginitian.

"Wow." Naks. "San mo nahanap to?" Oo nga pala, yung damit na yan meron niyan malapit dito, kaso naubos na, kaya siguro nagyaya tong si madie, sinamahan pa ng gala. "Thank you nak." Sabay yakap niya kasy madie. "Welcome mama." Ngiti ni madie. "Sali naman diyan." Sabay group hug naming tatlo.

SANDRA'S ROOM

SANDRAS' POV.

Sobrang saya ko dahil natuwa si mama sa regalo ko, pero hanggang ngayon nasa utak ko parin yung offer ni diane eh. "Diane." Tawag ko sa kanya. "Bakit?" Sagot naman niya kaagad. "Yung tungkol sa offer mo." Sambit ko habang naglalagay ng beauty products.

"Oh ano? Payag kana ba? Tatawagan ko na siya ngayon." Hay kinakabahan talaga ako. "Oo, sayang din yun eh." Sabay higa ko sa kama ko, kung nasan nakahiga rin si diane. "Okay, tatawagan ko lang siya." Kinuha niya agad ang phone niya at tinawagan yung kaibigan niyang masungit.

"Hello, zend." Sambit ni diane, tiningnan ko siya na parang sinasabi ko na 'i loud speak mo'. Niloud speak naman niya. "{Sino to?}." Natawa si diane sa tanong niya. "Bilis makalimot ah." Tawa ni diane. Haha kinalimutan na siya. "{Diane?}." Ah hindi naman pala. "Oo ako nga." Sagot nito.

"{Bakit? Kailangan mo nanaman ba ng pera?}" Natawa ako dun, pero pinipigilan ko. "Hindi, nagha hire pa ba kayo ng secretary?" Tanong ni diane, omg bakit ako kinakabahan. "{Oo bakit? May irereto ka?}" Omg sana ito na yun.

"Ah oo meron, kaibigan ko." Tiningnan niya ako at tinaas ang dalawa niyang kilay, nginitian ko lang siya. "{Ah ganon ba, sige papuntahin mo siya bukas sa company ko, magdala siya ng resume, sigurado ka bang kakayanin niya ang ugali ko?} Napakagat labi ako dun ah.

Dinilatan ako ni diane ng mata na para bang 'ano kaya mo?' Kaya tumango na lang ako, pwede nang pagtiisan yan. "Oo daw." Sabay kamot ni diane sa ulo. "{Okay, sige na istorbo kang mokong ka, bye.}" Magsasalita pa sana si diane kaso pinatay na.

"Yieeee." Talon namin ni diane, tuwang tuwa ang magkaibigan.

---------------------------------------------------------
RICHARD'S POV.

"Tsk napaka istorbo, kitang nagsasaya pa ako eh." Pero sana maganda, hahaha. "Sino yun?" Tanong sakin ni matt. "Si diane kaibigan ko." Sabay sip ko ng beer. "Ah." Tsk, hindi naman niya kilala tanong tanong pa.

"Bro, mukang may tama kana ah." Sambit ko kay matt, kanina pa siya eh, siya ang pinaka maraming nainom samin. "Hindi pa bro, kaya pa to." Ngiti niya. "*Sana may makilala na akong matinong babae, para naman hindi na ako kinukulit ng mommy ko*."

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon