NERVOUS

450 14 2
                                    

Chapter.36

Maddison's pov.

Kinabukasan, totoo nga ang sinabi niya sasama siyang sunduin sa bahay. Nagulat kami ni mama kasi sinundo niya kami sa bahay. Nasa backseat si mama at nasa front seat ako sa tabi ni Zendmon. "Hoy!" Tawag ko sa kanyan.

"Why?" Lingon niya saglit dahil busy siya sa pagdrive papuntang airport, it's 4am in the morning, sabi kasi ni papa maaga siya makakauwi kaya maaga rin kami pupunta. "May sasabihin kaba?"

3 minutes akong hindi nagsalita, ng maglakas ng loob sinabi ko na. "Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo? Kilala ko si daddy,sobrang strict niya at masyadong protective, baka iwan mo ko kapag may hindi ka nagustuhan sa sinabi niya." Napayuko nalang ako dahil sa hiya.

He grab my hand and he smile. "Don't worry." Tumingin siya sakin na nakangiti. "I promise." Tinaas niya ang kamay naming magkahawak at nilagay sa may puso niya. "I'm not going to leave you." Sabay halik sa likod ng kamay ko, nginitian ko na lang siya pero nakahawak parin ang kanang niyang kamay habang ang kabila naman ay nagda-drive.

Zendmon's pov.

5:00am na kami nakarating sa airport, pagpasok namin naghintay kami ng 20 minutes after her father came. Natatawa ako kasi sobrang kinikilig ang mommy niya samin, boto naman siya sakin pero ewan ko lang.

Magkahawak ang kamay naming dalawa kaya alam niyang kinakabahan ako. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. 'Shit! Ganito pala ang pakiramdam kapag mamemeet mo yung magulang ng magiging girlfriend mo.'

Tumango lang ako at ngumiti. "You look nervous? Don't worry, kahit ayaw sayo ni daddy, pipiliin parin kita." She smile to me and i melt because of that fucking smile. "He's here." Sigaw ng mommy niya.

Napatayo kaming dalawa ni Madie at nakikita namin siya mula sa malayo, he's tall mga 6ft, Medyo singkit ang mata at matangos ang ilong. Kaya pala ang ganda ng magiging girlfriend ko. "Calm down." Higpit niya ng hawak sakin at tumango nalang ako.

Nang makalapit siya samin, agad siyang hinalikan ni mama? Mama? HAHAHAHA ang kapal ko naman kung ganun. Nang magkahiwalay sila tumingin siya samin ni Madie dahil magkahawak kamay kaming dalawa.

"Hi dad." Beso nilang dalawa. Pinagpapawisan ako dahil sa sobrang kaba, nakatulala lang ako sa papa ni Madie at natutuyuan ako ng laway dahil sa nakakatakot niyang titig.

Naramdaman ko nalang na hinawakan ulit ako ni Madie sa kamay at braso kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya. Huminga muna ako ng malalim at tsaka nagpakilala. "Hi sir, I'm Zendmon Villaflores soon to be boyfriend of your daughter."

Nilingon ko si Madie at nakita ko na natatawa siya at tiningnan ko siya na parang sinasabi ko na. 'What?' Napailing nalang siya at nagpipigil ng tawa. "Okay, done?" Tinig ng boses niya. "So? Ikaw rin ba ang boss niya?" Tanong nito sakin at sumagot agad ako.

"Yes sir." May piyok pa sa dulo. "HAHAHAHA." Tawa niya ng malakas kaya napataas ang kilay ko. "You look nervouse my future son-in-law." Wait? What? Tinawag niya akong son-in-law? Teka nananaginip lang ba ako?

Napatulala ako ng ilang minuto dahil sa sinabi niya, Teka? Am i dreaming? Shit, ang sarap naman pakinggan nun. Sana tuloy tuloy nato, yung magugustuhan ako ng pamilya niya lalo na ang daddy niya. Dahil mahal na mahal ko talaga si Madie.

A/N: HI GUYS,SORRY KUNG NGAYON LANG AKO NAKAPAGSULAT ULIT :( SOBRA KASING BUSY KAKABASA NG STORY EI, PERO BABAWI AKO PROMISE KO SA INYO YAN :) AYUN STAY SUPPORT AND HAVE A GOOD DAY ALWAYS.

HAHAHAHA SANA SOMEDAY MAKAHANAP TAYO NG ZENDMON NA PROPROTEKTAHAN TAYO AT MAMAHALIN NG SOBRA, SO YUN GUYS SEE YOU SOON AGAIN. WE LOVE YOU GUYS ♡

I'M INLOVE WITH MY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon