chapter 11

30.4K 297 2
                                    

Hello everyone. Long time no update ah.. Sorry naman, busy lang. Hindi naman ako nagmamadali eh.. Kayo ba nagmamadali? Oi, maghintay kayo noh.,, haha.. J hindi madaling mag-update lalo na pag puyat ka at sunud-sunod ang quiz mo noh,.. kaya sana magtiis muna kayo ha, estudyante lang po…

May priorities pa ako,.. kaya sana maintindihan,.. para po doon sa nag-aask ng soft copies, siguro kapag natapos ko na to saka ako mamimigay. Be a fan….

For more info message niyo na lang po ako sa fb.. thanks.. love yah.

 

 

It’s hard to forget someone who gave you so much to remember…. (TARAY…..)

Napangiti siya ng maisara na ang pinto. Naririnig niya pang nagpapadyak ito ng paa. Napailing siya, ang mga bata talaga, oo, pagpinalaking sunod sa layaw nagiging brat.

Inayos niya ang kalat sa mesa niya. Gumagawa siya ng project niya kaya nagagalit siya sa ingay na likha ng kabilang unit. Hindi siya makapag-concentrate kaya nainis siya. Tumunog ang telepono kaya napatayo siya at sinagot iyon.

“Yes,..

Narinig niyang si Antonette ang nasa kabilang linya. Nagpapatulong ito sa kanya sa project nito. Katulad niya ay Businees Administration din ang kinuha nito. Mahina si Antonette sa klase. Sadyang maganda lang talaga ito at mabait kaya niya nagustuhan.

“Punta ka na lang dito, I promise matatapos natin yan mamayang gabi.”sagot niya. Ibinaba na niya ang telepono. Kailangan niyang maghanda ng pagkain dahil si Antonette ay pupunta sa unit niya. Siguro makakarating iyon ng mga alas-kwatro ng hapon.

Naghintay siya pero alas singko na lang ay wala pa ito. Tinawagan niya ang telepono ng mga ito sa bahay pero ang sabi ay nakaalis na daw kanina pa. Kinbahan siya. Baka may nangyari dito sa daan habang papunta sa kanya.

Tumawag siya sa cellphone nito. Sinagot naman nito kaya nagpasalamat siya ng tahimik.

“Yes..

Ang malambing nitong tinig ay nabosesan niya kaagad.

“Where are you? Tumawag ako sa bahay niyo pero wala ka na daw doon.” Saad niya.

“Oh my Xander, I’m sorry pero may biglaan kasi akong lakad. Hindi na kita natxt kasi naman itong si Lars eh…” tumatawa pa ito at bahagyang kinikilig.

Lars? Anong ginagawa ni Lars kasama ang kaibigan niya.

“Nasaan kayo?”tanong niya habang nakakunot ang noo.

“Nasa park ng subdivision niyo. I’m sorry Xander but I have to go.”

Iyon  lang at pinatay na nito ang cellphone nito. Nasaktan siya ng malaman niyang kasama nito si Lars pero mas masakit sa kanya na marinig na ang saya ng tawa nito na kapag siya ang kasama ay hindi nito magawa.

Ibinato niya ang cellphone niya kaya nawasak iyon at nagkalat  sa sahig ang piraso. Naunahan na siya ni Lars sa panliligaw kay Antonette. Ang sakit lang para sa kanya na mas masaya ito kay Lars.

Lumabas siya ng unit niya. Naglalakad siya sa may hallway ng marinig niya ang isang halakhak ng isang babae. Ang sarap sa pandinig niyon kaya nakinig siya. Hinanap niya kung saan nagmumula ang tawang iyon. Nakita niya ang batang babae na tumatawa at halos lumuhod na sa kakatawa. Nag-init ang ulo niya ng malamang ito pala ang may-ari ng boses na iyon. Pero bakit sa batang edad nito ay kay sarap pakinggan ng tawa nito. Pumikit siya para pakinggan ang tawa nito. Di-n-isregard niya ang pagiging bata nito. Inisip na lang niya na dalaga na ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon