Chapter 14

25.6K 255 7
                                    

Another chapter.... happy na ako na nakaabot ako ng chapter 14. At ngayon masasabi ko na talaga na itutuloy ko na ito. Kahit hindi man ako araw-araw na mag-update, still marami pa rin sa inyo ang nagbigay ng oras niyo para basahin ang story ko. Salamat sa mga taong nag-add ng TVB sa kani-kanilang mga library. Natutuwa ako kasi na-appreciate niyo ang story ko. Sana matapos ko to sa summer. Ang tagal pa noh. Pero sisikapin ko kahit na marami akong gawain. Busy sa school kaya naisisingit ko lang ang pag-update tuwing nagre-research ako. 

And now guys here it is...



Chapter 14



"What?"bulalas niya. 

Nabigla siya sa alok ni Fabian sa kanya. Matagal na niyang pangarap na maging modelo pero ngayong dumating na ang opportunity ay parang gusto niyang magdalawang isip. 

"Yes, ikaw. You will be the best model for our product Lara. I know na matagal mo ng gustong maging modelo so grab this opportunity. It only knocks once."sabi ni Fabian. 

"Pero..... Ahm, pag-iisipan ko, Fabian. Marami pa kasing inaasikaso ang family ko sa ngayon and we need to settle things out."sabi niya. 

"I know. Your family is havig a hard time for the past years. And this is the best way to help them financially and socially."sabi ni Fabian. 

"Socially? What do you mean?"tanong nya. 

"Kapag nag-show up ka sa television or sa mga magazine as our new model, makikita ka ng dating kasosyo ng father mo. And for sure, kukunin ka nila bilang modelo. At iyon ang simula ng ilang kontrata mo sa iba't ibang kompanya."

Napaisip siya. Kung magiging paraan iyon para maging popular siya, tatanggapin niya ang offer ni Fabian. Kapag marami na ang nakakakilala sa kanya, marami na rin siyang makukuhang investor para sa pagsisimula ulit ng kompanya nila. 

"Okay, I will accept it."nakangiting tugon niya kay Fabian. 

"Yes. So it is a deal?"nakangiti na rin si Fabian. 

"Yes. Deal!"at nagshake- hands sila para doon. 

"Tomorrow, you can stop by the office, and sign up some contracts. Here is my calling card."ibinigay nito sa kanya ang calling card at tumayo na. Nagpaalam na ito sa kanya dahil may meeting pa daw ito. 

Siya naman ay umuwi na sa bahay nila. Masaya siya na matutupad na niya ang pangarap na maibalik ang kompanya ng Papa niya. 

Pagdating sa bahay ay agad siyang tumawag sa bahay ni Xander. Walang sumasagot kaya naisipan niyang bukas na lang niya sasabihin dito ang plano.

Xander's POV 

Maaga siyang nagising. Busy siguro si Lara sa bahay nila kaya hindi nakatawag. Hahayaan niya muna ito na magkaroon ng time sa family nito. Sa ngayon, bibisitahin niya muna ang mga kaibigan niya. Tumawag siya kay Mark, isa sa mga kaibigan niya. 

"Hey, gimmick naman tayo."bungad ko. 

"Oi, matagal-tagal na rin mula ng huli tayong lumabas ah. Sige, kailan ba?"

"Mamayang gabi sa Outburst Bar sa Makati. 6:00 ng gabi."

"Okay, sasama ko na lang ang barkada."

He ended his call and take a nap. Paggising niya ay tanghali na kaya sumaglit siya sa labas para bumili ng pagkain. Pagdating ng alas kwatro ay agad siyang nagbihis. Pupunta na siya sa Makati para makipagkita sa mga kaibigan. 

At dahil sa pagmamadali niya, huli na ng maalala niyang hindi niya dala ang cellphone niya. 

"Ah, hindi naman siguro tatawag iyon."bulong niya. 

Sana lang. 

Pagdating sa Outburst Bar ay nandoon na si Mark at si Joe. Agad silang nag-order ng makakain at maiinom. Bandang alas-sais ay nagsidatingan na ang iba pa niyang kaibigan. 

"Hey Xander, balita ko eh, may steady relationship ka na daw ngayon,"sabi ni Joe. 

"Ah, oo si Lara."

"Lara? Lara Buenavidez?"tanong ni Harold.

"Yes,"sagot niya at tinungga ang baso ng alak na hawak niya. 

"Eh, di ba yun ang napangasawa ni Lars?"si HArold. 

"Oo. Mahabang kwento mga 'bro. Kukulangin ang oras natin kapag nagkwento pa ako."sabi niya. 

"Minsan, punta kami sa unit mo para tumambay. Miss ko na rin yung panahong lagi kaming nadoon."sabi ni Mark.

"Kayo ang bahala. Basta magdala kayo ng sarli niyong pagkain at baka mamya maubos ang groceries ko sa inyo,"natatawang sabi niya.

Nasa gitna sila ng katuwaan ng biglang may babaing lumapit sa kanya. 

"Hey, Xander. Do you miss me!"si Stacey ang babaing agad na umupo sa kandungan niya. Medyo natatamaan na rin siya kaya hindi niya ito kayang sawayin. 

"Hey, Stace. Yes, I do miss you."sabi niya na pilit itong itinatayo. 

Pero hindi ito maalis sa pagkakayakap sa kanya. Para itong tuko. 

"Bahal ka na diyan, Xander. Enjoy the night,"nakangiting sabi ni Mark.

Hey, Mark. You invited her?"tanong niya. 

"Yes. Enjoy your night. Alam kong favorite girl mo si Stacey."tugon ni Mark sa kanya. 

"Wait."tatayo na sana siya pero agad siyang hinalikan ni Sabrina. 

Wala siyang nagawa. Pero sa kalagitnaan ng halikan nila ay mukha ni Lara ang nakikita niya sa pagpikit niya. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo niyang katawan. 

Itinulak niya si Stacey at agad na tumayo.

"Hey, when did you become this rude, Xander,"galit na reklamo ni Stacey.

Nahulog ito sa lapag at napaupo sa sahig. Inalalayan niya ito pero tinampal lang nito ang kamay niya.

"Papalampasin ko ito, Xander. But you owe me a night,"nang-aakit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. 

Tumalikod na ito at pumunta sa mesa ng mga kabarkada niya. Umiling na lang siya at agad na hinanap ang mga kaibigan niya. 

"Ow, Xander. Bakit parang umaayaw ka na ngayon sa grasya? Stacey can make your night so hot!"ngiting nakaloloko ang ibinigay ni Harold sa kanya. 

"No, pare. Faithful ako kay Lara. Mahal ko siya kaya hindi ko gagawin ang bagay na alam kong makakasakit sa kanya."sabi niya.

"Hindi naman niya malalaman ah. No one will say a word,"sabi ni Mark. 

"But you all know na walang lihim na hindi nabubunyag,"sabi niya. 

Hinding-hindi niya gagawin ang anumang bagay na makakasakit sa babaing mahal niya. Kahit na sino pang babae iyan ay hindi siya papatol. Ayaw niyang mawala ulit sa kanya ang babing mahal niya.

Hanggang dito lang muna tayo, mga readers. Hindi ko alam kong kailan ulit ako makakapag-update.

Happy reading guys!!! :) 


The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon