Chapter 54

26.1K 274 8
                                    

Now one more to go. 

Xander's POV

 Ito na yung araw na pinakahihintay ng lahat. 

BIG DAY!! 

Maaga akong nagising para asikasuhin ang mga bagay-bagay. Sa condo ako natulog. Didiretso na ako ng simbahan mamyang alas-diyes. Dito na rin natulog ang kapatid kong si Lars. Tulog pa rin ito hanggang ngayon. Lumapit siya dito para gisingin ito. 

"Lars, wake up,"tapik niya dito. 

Naalimpungatan ito bago bumangon. Siya naman ay dumiretso na sa kusina para magtimpla ng kape. 

"Now is the day!"excited na sabi ni Lars. 

Napalingon siya dito na nakasandig sa ref niya. Ibinigay niya dito ang isang tasa ng kape. 

"Yeah,"sabi niya. 

 Nag-almusal na muna sila bago bumaba para pumunta doon sa kwarto kung saan andoon ang kanilang Tito. Doon sila aayusan ng mga baklang h-in-ire ng dalwang babae para sa kanila. Ang sabi ng niya kay Lara, hwag na at kaya naman niya ang sarili pero nagpumilit ito. 

Mga ilang oras din siyang nagbabad sa banyo bago natapos. 

Lara's POV

Kinakabahan siya. Pagkagising niya kaninang umaga ay hindi siya makapaniwalang ito na nga yong araw na pinakahihintay nila. Ang araw kung kailan magiging isa sila ni Xander. Bumangon na siya at tiningnan ang mga natutulog pang kambal sa crib. Ngayon na rin ang binyag nila. Pagkatapos ng ceremony ng kasal nila ay isusunod ang binyag ng mga anak nila. 

Bumukas ang pinto. Pumasok ang kanyang Mama. Dito na ito natulog at si Keira para may makatulong siya sa pag-aayos lalo na pagdating sa kambal. 

"Anak, kumain ka na. Nasa baba na ang mga baklang kaibigan mo,"sabi ng Mama niya. 

"Andiyan na si Gemma,"sabi niya. "Eh si Antonette po ba?"tanong niya. Doon din kasi aayusan si Antonette dahil sabay silang pupunta ng simabahan at sabay silang maglalakad papuntang altar. 

"Maliligo pa daw,"sabi ng Mama niya. "Nasa baba na si Larx. Inaayusan na siya ng mga yaya niya. Sila Alexis at Alexus ba ay pwede ng gisingin?"

"Sige po."sabi niya. "Keira, pwede bang ipagtimpla mo muna sila ng gatas."utos niya sa kapatid. 

"Sige, Ate."

"Anak,"tawag ng kanyang ina. 

"Yes, Ma,"sagot niya. Napatigil siya sa pagpunta ng banyo. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon