Chapter 9: He is my highschool crush :)

35.5K 348 5
                                    

In a full heart, there is room for everything

And in an empty heart, there is room for nothing.

----Antonio Porchia                                                   

 

Ano daw sabeee? Haha, sorry ah, trip ko lang ang isang ito.

 Tama nga naman.

Tulad ko, I have an empty heart, know why, kasi….

 

 Secret. Chismosa kayo ha!

Sabihin na nating empty ako ngayon kasi wala akong fafa. Pero okay lang yan, sa mga single diyan na katulad ko, wag kayo mawalan ng pag-asa kasi malay mo balang araw may madapa at sa iyo bumagsak. O di may fafa ka na. Hehehe

Hay! Bakit nga ba ganun ang buhay, *sigh* Makapagbasa na nga lang ng wattpad.

Buti pa ‘tong mga characters ko, si Lara at Xander, masaya na sa buhay nila. Sige lang inggitin ninyo ako, di magtatagal iiyak isa diyan sa inyo.. *evil smile* kasi aagawin ko si Xander……

O naniwala naman kayo, di ko gagawin yon noh, imposible kasi…… kay Lara lang naman umiikot ang mundo niyan eh..

William Levy, ang gwapo mo. Sana akin ka na lang,..*dreamy eyes*

 

Bandang ala-sais na ng gabi siya umuwi ng bahay. Sa loob ng kotse ay tinawagan niya si Lars, pero hindi ito makontak.

Ano na naman kaya ang inaasikaso nitong lalaking ito? Napapansin niyang masyado na itong maraming nilalakad nitong nakaraang buwan.

Tinawagan niya ang isang tauhan niya. Ipapahanap niya ang isla ni Xander. Kailangan niyang mapuntahan iyon. May nabuo na siyang plano at kailangang maisakatuparan ang lahat ng iyon sa lalong madaling panahon.

( End of Emil’s POV)

 

Lara’s POV

This past few days, everything seems so perfect. Masaya siya dahil nasa tabi niya lagi si Xander. Sana hindi na magbago ang lahat. Kung isa lang itong magandang panaginip sana ay wag na lang siyang magising. Nilingon niya ang natutulog na binata sa tabi niya. Kagabi ay nakiusap itong sa tabi niya matutulog. Akala niya ay mawawala na ang pinaka-iingatan niyang dangal pero hindi nangyari iyon. Pagkahiga nito sa kama ay niyakap siya nito at hinalikan sa labi. Nang bumitaw ito ay agad itong pumikit at natulog na. Lalo siyang humanga kay Xander. Hinaplos niya ang mukha nito. Pinagmasdan niya ang mata nitong nakapikit. Ang gwapo nito kahit natutulog at para itong bata dahil sa himbing ng tulog nito.

Pinaglandas niya ang daliri mula sa noo nito pababa sa ilong at sa labi. Doon nagtagal ang daliri niya. She traced the curves of his lips. Ang sarap nitong halikan habang natutulog. Hinipan niya ang mukha nito. Hindi pa rin ito nagigising.

Hindi niya napigilan ang sarili na nakawan ng halik si Xander. She closed her eyes as she lower her lips to his lips.

“Hey,”biglang sabi nito.

Napaatras ang ulo niya bigla dahilan para mahulog siya sa kama. Naramdaman niya ang pagbagsak niya at ang pagtama ng balakang niya sa sahig.

“Ouch,”nakangiwing saad niya habang nakatingala kay Xander na ngayon ay nakadukwang sa kanya.

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon