Chapter 52

19.5K 272 18
                                    

Three updates more!! :D Haha. Excited na akong matapos ang TVB pero nalulungkot din ako kasi mamimiss ko sila Lara at Xander. 

Lara's POV

Matapos ang kainan nila ay nagkwentuhan muna silang apat sa sala. Tulog na ang mga baby nila. Medyo gabi na kaya naman hindi na nagtagal pa sila Antonette dahil kailangan na daw nilang umuwi. Naiwan silang dalawa ni Xander na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang pagmumukha. 

Hahawakan na sana niya ang braso nito ng tumalikod ito at pumasok na ng bahay. 

Hmmmm... Galit. 

Napangiti siya. Mabilis lang naman niyang masusuyo ang lalaking ito. 

"Mr. Licarte! Huwag mo akong aartehan ah!"sabi niya. 

Hindi pa rin ito tumigil sa paghakbang papasok ng bahay nila. Sinundan niya ito. Umupo ito sa sofa at siya naman ay nilapitan ito at umupo sa kandungan ni Xander. 

"Galit ka ba?"nang-aakit na tanong niya habang ang mga hintuturo niya ay naglalandas sa gilid ng labi nito. 

Hindi pa rin ito naimik. Tiningnan niya ang labi nito. Hindi sinasadyang nakagat niya ang ibabang labi dahil sa pagpipigil na matawa sa hitsura ni Xander. Napatingin si Xander sa kanya dahilan para makita nito ang pagkagat niya sa labi niya. 

Unti-unting lumapit ang labi nito sa labi niya. Nakatingin lang siya dito at hinihintay na lumapat ang labi nito sa kanya para sa isang mainit na halik. Pero nagkamali siya. Hindi lang pala halik ang gustong mangyari ni Xander. 

"Oy, wait lang,"tulak niya kay Xander. 

Namumungay ang mga mata na nag-angat ito ng tingin. 

"Bakit?"naiiritang tanong nito. 

"Hindi pa ako pwede, Xander."sabi niya. 

Bigla itong napaisip. 

"Aww.. Bit I want..."

"Sshhh..."inilagay niya ang hintuturo sa labi nito. "Hindi nga pwede eh. Maghintay ka na lang ng dalwang buwan pa."sabi niya. 

Lalo naman kumunot ang noo nito. "Ang tagal naman non."reklamo nito sa kanya. 

"Eh, ganun talaga,"sabi niya. 

Tumayo na siya at tinawag si Lagring. 

"Bakit po Maam?"tanong nito. 

"Pakilock na lang ng mga pinto at matutulog na tayo,"utos niya. "Xander,"baling niya kay Xander. "Halika na at maaga ka pa bukas. Kailangan mong magising ng maaga."

Wala itong nagawa kundi sundin siya.

------

"Xander, saan mo ba ako dadalhin?"tanong niya kay Xander. Hinihila kasi siya nito papunta sa port. Nasa Subic sila ngayon dahil nag-aya ito ng date. Ang kambal ay iniwan lang nila kay Lagring. Five months na ang kmabal kaya naman hindi na siya mag-aalalang magutom ang mga ito pagkat dumidede na ang mga ito sa bote. 

"Basta,"sabi ni Xander. 

Tumigil sila saglit at may kinuha ito sa bulsa nito. Isang PANYO.

"Anong gagawin mo diyan sa panyo?"tanong niya. 

"Itatakip ko sa mga mata mo?"sabi ni Xander. 

"Anong gimik to Xander?"sabi niya pero nai-excite siya. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon