Ayan na, chapter 53 na tayo. 2 more chapters, tapos na ang TVB. Masaya ako na malungkot. Mamimiss ko silang lahat. Pero thankful ako na maraming sumuporta sa akin sa story na to. Sana basahin niyo pa yung ibang story na magagawa ko po dito sa wattpad. I'm proud na kahit newbie lang ako dito ay may nahihila akong mga readers para basahin ang mga story ko. :) Salamat talaga. Binibigyan niyo ako ng pag-asa na maging writer someday. Kahit na isa akong architecture student, I wanna pursue my dream to become a writer.
Kevin and Mary on the other side===========>>>>>>
Lara's POV
Everything is set. Ilang buwan din silang nag-ayos para sa kasal nila. Isang double wedding ang mangyayari. Since they want their family to be one on their coming special day.
SUKOB?
Nah!! Hindi nila iniisip yan. Since her mother say that beliefs are part of our life but never be a hindrance for your happiness. Kung saan ka masaya dun ka. Pinili nilang pag-isahin lahat. Pati nga binyag ng mga anak nila ay sabay din.
Nandito sila ngayon ni Antonette sa isang parlor. Mamaya ay pupunta sila ng spa. Yeah! After all that happen, ito sila, masaya and living their life as happy as ever. At ilang linggo na lang ay big day na nila.
"Hay naku! Para kayong hindi nanganak ano?"sabi ng baklang nag-aayos sa kanila.
"Ay naku, Gemma, Binola mo naman kami,"sagot ni Antonette.
"Oi, totoo yun ah!"sagot naman ng bakla.
Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Alam niyang marami din ang nagtataka kung paano nila na maintain ang katawan nila ng ganoon. Lalo na siya na may kambal na anak. Walong buwan na ang anak nila ngayon ni Xander. Si Alexus ang sobrang makulit na bata. He was learning to walk in 8 months. Si Alexis naman ay masyado ng madaldal. She was a proud mother for the twins.
Fabian took her children to a diaper commercial. Pumayag naman siya. Since mga bata pa naman ang mga ito. Pero hindi na siya papayag kapag nagschool na ang mga anak niya. She doesn't want her children to focus on showbiz than school.
"Ayan, ang cute talaga ng mga anak mo Lara,"sabi ni Gemma.
"Salamat. Saan pa ba magmamana ang mga yan. Kundi sa akin at kay Xander,"sagot niya.
"Oo nga. Ang gwapo kasi ng mapapangasawa mo,"sabi ni Gemma.
Kasalukuyang pinapatalastas sa TV ang commercial ng mga anak niya. Kasama siya doon pero mas focus ang commercial sa mga anak niya.
Pagkatapos nila ni Antonette sa parlor ay dumaan muna sila ng mall. Magsa-shopping silang dalawa. Sila Xander at Lars ang nagbabantay ng mga anak nila ngayon. Natatawa siya. Alam niyang nahihirapan si Xander kapag ito ang bantay ng mga anak nila. Sumusuko ito agad sa kakulitan ng dalawa. Natataranta ito kapag sabay na umiyak si Alexis at si Alexus.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...