Sorry kung ngayon lang ako makakapag-update. Sobrang busy ko na kasi. Pero dahil mahal ko kayo at mahal ko itong story na ito, mag-aupdate ako!!! Maraming salamat sa suporta niyo, now my story had reached 39,252 reads, Im sooo happy,.. thank you guys... Mas lalo akong nai-inspire magsulat dahil alam kong marami akong napapasaya. Sana subaybayan mo ang story ni Lara at Xander.
Sinundan niya si Lara, hinagod niya ang likod nito habang nagsusuka ito. Mayamaya ay naging maganda na rin ang pakiramdam nito. Nanlalatang umupo ito sa sahig ng banyo. Nakita niyang namumutla si Lara. Tumayo siya at kumuha ng isang baso ng tubig para kay Lara. Pagbalik niya ay nakaupo na ulit ito sa sofa at ang strawberry naman ang kinain.Inilapag niya ang baso ng tubig sa mesita at naupo sa tabi nito.
"Gusto mo?"tanong nito sa kanya.
Umiling siya. Saka siya pumikit. Inaantok na siya at kailangan niya ng tulog. Naramdaman niyang tinapik siya ni Lara.
"Tulog ka na doon sa guestroom. Pasensiya na ah, pinuyat kita,"paumanhin nito sa kanya.
"Okay lang, sanay na ako sa iyo,"nakangiting sabi niya.
Tumayo na siya at agad na pumunta ng guestroom. Kailangan na talaga niyang matulog. Feeling niya, anytime ay babagsak na ang mga talukap niyang namimigat na sa antok. Nang maramdaman na ng likod niya ang kama ay agad siyang nakatulog.
Nagulat siya, kakapikit niya pa lang at kakadating lang ng antok niya ay agad siyang nagising. tumili kasi si Lara at nakita niya ito sa may paanan ng kamang kinahihigaan niya.
"Bakit?"tanong niya.
"OhmyGADDDD!!! Hahaha,"tawa nito na parang kinikiliti at parang sinasapian ng kung ano.
"Anong nangyayri sa yo, hoy,"kalabit niya dito na humiga na sa kama niya at hindi mapigilan ang tawa.
"Si anohhh.,, si anohhh kasi..."hinihingal na sabi ni Lara.
"ANO? SINO?"naguguluhang tanong niya.
"Nakita ko si Zac Efron,"sabi nito na napakagat-labi pa at sabay nagtakip sa namumulang pisng i nito.
HUH!!!
Ano DAW??? ZAC EFRON? SINO YUN?
Nakakunot ang noo niya. "Sino yun?"tanong niya kay Lara na kasalukuyan pa ring kinikilig.
"Hindi mo kilala yun?"tanong nito sa kanya na nakakunot din ang noo.
"Hindi. Magtatanong ba ako kung kilala ko yun?"sabi niya.
Bigla itong sumimangot.
"Hala, sige, sumimangot ka ng lumabas na grumpy yang anak mo,"pananakot niya dito.
"Ikaw kasi eh, hindi mo kilala si Zac Efron. Ang gwapo kaya non."kilig pa din ito.
Biglang nag-init ang ulo niya. Kung sino man niyang Zac Efron na yan ay masusuntok niya iyon pag nakita niya.
"Sino ba kasi iyon?"yamot na tanong niya.
"Halika, dali ipapakita ko sa iyo,"yaya nito sa kanya.
Bumaba ulit sila sa sala. Hanggang ngayon ay tulog pa din ang mga tao doon. Tanging silang dalawa lang ni Lara ang gising bukod sa mga katulong.
At dahil curious siyang makita at makilala iyong Zac Efron na iyon ay sumama siya kay Lara. Pero laking gulat niya ng maupo sila sa isang sofa at doon naghintay hanggang mabuksan ni Lara ang tv.
Isang musical show ang pinapanood nito. Palagay niya ay kanina pa ito nanonood at p-in-ause lang ang tv para lang tumili sa kwartong inuokupa niya.
"Ayun siya o,"turo nito.
Isang lalaking makisig ang nakita niya. Maputi at maganda ang mata. Bigla siyang natawa.
"Ayan ba yung Zac Efron na sinabi mo?"tanong niya na nakatawa pa rin.
"Oo, bakit ka natawa?"inosenteng tanong nito.
"Crush mo yan?!!"manghang tanong niya.
POK!! Binatukan siya nito.
"Aray!!"reklamo niya.
"Sinabi ko bang crush ko. Ang sabi ko, ang gwapo niya. Ibig sabihin gusto ko maging kasing-gwapo niya anak ko,"sabi nito na nanghahaba pa ang nguso.
Napataas ang kilay niya. Bakit hinahangad pa nitong maging kamukha ng uhuging kanong iyon ang anak nito, eh ang gwapo na naman ni Xander.
"Bakit? eh ang pangit naman niyan. Uhugin pa yan eh,"sabi niya dahil bata pa naman yung actor na iyon.
"Dati pa kasi yang palabas na yan. Inulit ko lang. Uso magtanong, Zac,"pang-aasar nito. May kinuha itong magazine sa ilalim ng mesita.
"Ayan, tingnan mo ang cover niyan,"inihagis nito sa kanya ang magazine. "naturingang modelo, hindi kilala si Zac Efron,"bubulong-bulong na sabi nito habang papunta ng kusina.
Nanlaki ang mata niya. Naiinggit siya sa kagwapuhang taglay ng batang ito na ngayon eh mas hunk pa sa kanya. Binabawi na niya ang sinabi niyang masusuntok niya ito. Hindi niya magagawa iyon, di niya ito mami-meet in person eh.
"Oi, kuya Zac,"tawag sa kanya ni Keira, ang bunsong kapatid ni Lara. Bata pa ito. Siguro nasa mga fifteen lang ito.
Tumabi ito sa kanya sa upuan at nilantakan ang iniwan ng ate nito.
"Uy, wag yan,"pigil niya kay Keira.
"Bakit?"
"Pagkain ng ate mo yan. Ito yung sa inyo oh,"ibinigay niya yung isang supot na para sa kanilang magkakapatid.
Ngumiti sa kanya si Keira. Tumingin siya sa relo niya at nakita niyang alas-nuwebe na kaya nagpaalam na siya kay Keira. Pumunta siya ng kusina para lang makita si Lara na kumakain ng cake. Kung anu-ano na lang kinakain nito.
"Alis na ako,"paalam niya.
Tumango na lang ito.
"Babalik ako mamayang gabi,"imporma niya.
Palabas na siya ng bahay nila Lara ng tumawag si Lars.
"O, Lars, anong balita?"tanong niya.
Next time ulit ang update guys!! Sana nagustuhan niyo. Please wait for my update. Baka kasi matagalan ulit yon eh.
Busy na sa Arki world ngayon. Sino ba mga Arki dito katulad ko, alam ko makaka-relate kayo sa pinagdadaanan ko ngayon.
VOTE
COMMENT
BE A FAN kung gusto niyo lang naman., :DDDYUDZ______
SORRY FOR THE TYPOS...
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...