Chapter 17

25.2K 257 5
                                    

Guys!! chapter 17 na tayo. Hanggang saan niyo gustong paabutin tong  story na ito?

Ohh.. so excited na talaga ako. Haha parang ang layo pa naman ng chapter 100 noh. haha. 


@17@


Yudz


Napahawak siya sa ulo niya. Pasaway talaga to si Stacey kahit kailan. She'd been her friend for four years noong nasa college pa sila pero hindi niya akalain na ito pa ang magiging dahilan para masira ang relationship niya kay Lara. 

"Iiwan mo ako ng may gusot ka pang nagawa dito. Fine. I'll do it myself."Kinuha niya ang susi sa kotse niya. "And look, I'm sorry kung hindi man kita nagawang mahalin. Si Lara na ang mahal ko."

"Yun na nga ang problema eh. Kakakilala mo lang sa kanya samantalang ako I'd known you since college pero hirap akong paibigin ka."himutok nito. "Una si  Antonette. Pero tanggap ko iyon eh. Kasi si Antonette kasama mona noong maliit ka pa. Pero si Lara, she is your cousin's ex-wife."


"She's not. Hindi totoo ang kasal nila."Sabi niya. 


"Whatever. Naging asawa pa rin ng cousin mo ang babaing iyon."sabi nito at umalis na. 


Pumunta siya sa bajay nila Lara pero aayw siya nitong harapin. Sinabi na niya sa Mama nito ang nangyari. naintindihan naman siya nito. 


"Umuwi ka na muna, hijo."sabi ng papa ni Lara. "Mainit pa ang ulo ni Lara at baka kung ano pa ang masabi sa iyo na magiging dahilan ng away niyo. 


Umuwi na siya. Hating-gabi na rin at kailangan niyang matulog dahil may meeting pa siya sa opisina bukas. 


Kinabukasan, ay agad siyang pumunta ng opisina. Pagkatapos ng meeting niya sa Japanese investors ay agad siyang pumunta sa bahay nila Lara. Ni hindi na niya nagawang ahitin ang mga stubbles sa baba niya. haggard na rin ang hitsura niya pero wala na siyang panahon na mag-ayos. 


Naghintay skiya sa porch ng bahay ng mga ito. Hindi na siya pumasok sa loob dahil wala naman doon si Lara. Ang sabi ay naghahanap daw ito ng bahay. Lilipat na ito at lalayo sa kanya. 

Alam niyang masakit para dito na makita siyang kahalikan ng ibang babae at inakala pa yata nitong may nangyari sa kanila ni Stacey dahil sa ayos nila. Mahal niya si Lara pero sa sitwasyon nilang dalawa ngayon mukhang kailangan ng space ni Lara kaya bibigyan niya ito ng space. 


Kahit na masakit para sa kanya ay kailangan niyang tiisin ito. Mananatili pa tin siya sa tabi ni Lara kahit na ayaw na nito sa kanya. 

Hapon n ng dumating ito sa bahay ng mga ito. Tinitigan niya lang ito. Maganda pa rin ito kahit na nabawasan ang kislap ng mga mata nito. 


Tumayo siya at lumapit dito. Gusto niyang hawakan ang maliit nitong mukha at halikan ang mga pisngi nito. Pero alam niyang hindi pwede. Yumuko ito ng ganap na siyang makalapit dito. 


"Alam kong kahit magpaliwanag ako sa iyo ngayon ay hindi mo rin ako maiintindihan. Galit ka pa, pero sana naman kahit na ayaw mo akong makita ngayon, mapatawad mo pa rin ako at hayaan akong magpaliwanag kapag handa ka na." sabi ko na mababakas ang lungkot. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon