Chapter 32

22.3K 262 8
                                    

 

Here is the promised update. So hows the introduction of Oli. Sorry na kailangan ko kasi siya sa next story ko kaya ipinakilala ko na siya. He was a Marine Engineer. Abangan niyo sana ang story ni OLIVER dito sa wattpad. :)) 

I am so glad na marami na ang sumusuporta ng story ko. So thankful!! Thank you guys. 

Alam niyo bang mas inspired pa akong magsulat ng romance stories dito sa wattpad kaysa magdrawing at gumawa ng plates. 

Haha/!! Ewan ko ba, naligaw yata ako ng department eh. Bakit ako naging arki? hehe... pero ipu-push through ko na ito, ilang taon na lang eh, magsusuot na ako ng toga. :)) 

Lar's POV

Andito siya ngayon sa kwarto ni Xander. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong balak magising sa mundong ibabaw. Kinakabahan na siya. Ayaw niyang mawala ang kapatid niya. Hindi pa sila nagkakaayos. Kailangan niyang makabawi sa lahat ng kamaliang nagawa niya dati dito. 

May narinig siyang mga yabag na papalapit sa kwartong iyon. Nilingon niya ang pintuan at nakita niya si Zac. Tinanguan niya ito at umupo ito sa tabi niya. 

"Anong sabi ng doktor sa kalagayan ngayon ni Xander?"tanong ni Zac. 

"He was not getting okay,"sagot niya. Totoo iyon. Ang sabi ng doktor kanina. There is a possibility na maratay ito sa kama if ever na magising ito. At mahirap ng ibalik ang dating Xander. 

"What do you mean he is not going okay?"naguguluhang tanong ni Zac. 

"The doctors said he was going to be lifeless if ever he'd woke up,"malungkot na saad niya. 

Tumahimik si Zac. Mayamaya lang ay nag-aya itong lumabas. 

"I'll be staying here for a week."sabi ni Zac sa kanya pagkaraan ng ilang minuto. Papunta sila ngayon sa isang coffee shop. 

"Oh, that's good. Nang makapagpahinga naman ako at makauwi ng Pilipinas. Hindi lang ako magpapakita kay Lara para hindi niya ako matanong."saad niya. 

Mayamaya ay narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya kung sino ang caller niya. It was Antonette. Agad niyang sinagot ang tawag na iyon. Medyo hindi na rin niya nabiobigyan ng oras ang babaing ito. Apat na buwan mula ng umalis siya sa Pilipinas at magstay dito sa Canada. Tawag lang ang communication nila at minsan lang iyon. 

"Yes, Antonette?"bungad niya. Pero hindi si Antonette ang nasa kabilang linya. Ang Mama nito. 

"Tita, bakit po?"tanong niya na bahagyang kinabahan. 

"Hijo, you need to come over, Antonette is in the hospital right now,"umiiyak na saad ng Mama nito. 

"What? What happened to her?"tanong niya. 

"Muntik na siyang magmiscarriage,"sabi ng Mama ni Antonette. 

Miscarriage? Buntis si Antonette?

"What?"tanong ulit niya. 

"Pumunta ka na dito sa Pilipinas bago ka magtanong ng magtanong. I am so sorry kung inilihim sa iyo ni Antonette ang tungkol sa pagbubuntis niya."hinging-paumanhin ng Mama ni Antonette. 

"Okay, Tita. I'll be there soon,"sabi niya na nagpaalam na dito. 

Tiningnan niya si Zac. "I need to go to the Phil. Antonette is in danger."

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon