Next Update ko po. Walang ginagawa ngayong sembreak. Hindi ako makaalis ng bahay. Haha! Ang hina ko sa gala ngayon., :D Palibhasa wala namang nag-aaya sa akin dito. Ako ba eh gusto niyong ayain. Yun lang mukhang di rin yata ako papayagan gumala ng aking mahal na mother. Anyways, okay na ako kaka-update ng TVB. Gusto ko na kasing matapos ito eh.
Someone's POV
Mabilis na lumipas ang panahon. Walong buwan na ang tiyan ni Lara. Matagumpay ang pagla-launch ng bagong product nila Fabian. Si Fabian naman ay halos pumuti ang buhok kakasaway sa kapatid niyang nakatira sa condo niya. Halos umaga na ito kung umuwi sa kanila at laging lasing. Si Lara naman ay medyo excited na sa paglabas ng baby niya. Si Xander ang namamahala ng kompanya nila Lara dahil naisipan na rin ng ama ni Lara na magresign at magpahinga na lang sa bahay kasama ang mga anak at ang mahal nitong asawa. Naging maayos at tahimik ang buhay nila. Hindi alam ni Lara kung bakit hindi na nanggulo pa si Lourdes.
Lara's POV
Nagtataka man ay hindi na niya inisip pa kung bakit hindi na nagpakita pa si Lourdes after noong huli nilang pagkikita. Akala niya magkakaroon na naman siya ng problema at muli na namang silang magkakalayo ni Xander. Pero nagpapasalamat siya at hindi na ito nanggulo pa. Napahawak siya sa kanyang tiyan ng maramdaman niyang pumadyak doon ang kanyang mga anak.
Ilang araw na lang at makikita na niya ang kanyang mga anghel. Wala pa siyang maisip na ipapangalan sa mga anak niya.
"Hmmm...
Umakyat siya sa kwarto niya at kumuha ng papel. Nagsulat siya at bumuo ng mga pangalan na pambabae at panglalaki. Bale, ang pangalan niya at ang pangalan ni Xander ay ginamit niya para makabuo ng pangalan ng mga anak nila.
Napangiti siya.
ALEXIS LANA BUENAVIDEZ LICARTE
ALEXUS LANCE BUENAVIDEZ LICARTE
LANA AND LANCE
Owh! That was perfect. Napangiti siya at tinupi ang papel. Inipit niya iyon sa kanyang diary. Pinatong niya ang kanyang diary sa tabi ng drawer. Mayamaya pa ay narinig na niya ang paparating na sasakyan ni Xander. Bumaba na siya para salubungin ito.
"Hi,"nakangiting bungad niya pagkabukas niya ng pinto. Wala na siya sa bahay ng mga magulang niya. May sarili na silang bahay ni Xander. Si Keira ang kasama niya sa bahay ngayon lalo na at malapit na siyang manganak.
"Kumain ka na ba?"agad nitong tanong sa kanya.
"Hindi pa. Hinihintay kita."sabi niya. "Tara sabay na tayong kumain."yaya niya kay Xander.
At sabay na silang kumain.
Samantalang si Antonette naman ay kasalukuyang nasa isang grocery store kasama ni Lars.
Lar's POV
"Baby,"tawag ni Antonette kay Lars.
"Bakit?"sabi ni Lars na hindi man lang nililingon ang napatulalang fiancee. Hindi pa sila magpapakasal dahil ayaw ni Antonette na magsuot ng bridal gown ng buntis.
"Ahm,.."namimilipit na si Antonette sa sakit.
"ANG SAKIT!! Awh.."napasigaw si Antonette na ikinalingon ng lahat ng tao.
Biglang nabitawan ni Lars ang diaper na hawak niya. Andun sila ni Antonette sa grocery store para bumili ng gagamitin nito at ng bata in case na manganak na ito. Ang sabi kasi ng doctor ay within this week manganganak si Antonette. Hindi naman niya alam na ngayong araw pala. Pangatlong araw mula ng pumunta sila sa doctor.
"Oh, sh*t!"napamura siya at agad na binuhat si Antonette palabas ng store. Tinulungan naman siya ng mga guards. Ipinagbukas siya ng mga ito ng pintuan ng kotse.
"Salamat, pare."sabi niya.
"Okay lang, sir. Mag-iingat po kayo,"sabi nito.
Tinanguan na lang niya ang mga ito. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse. Buti na lang ten minutes drive lang ang pinakamalapit na ospital.
"Hoooh!!"pinagpapawisan na si Antonette ng lingunin niya. Hinawakan niya ang kamay nito. Nang makarating na sila sa ospital ay agad ipinasok si Antonette sa emergency room. Hindi siya mapakali. Kaya naman ay tinawagan niya si Xander.
Xander's POV
Kakatapos lang nilang kumain ni Lara ng tumunog nag cellphone niya. Nakita niyang si Lars ang caller kaya agad niya iyong sinagot.
"O Lars, napatawag ka?"tanong niya.
"Tol, samahan mo naman ako dito,"sabi ni Lars sa kabilang linya.
"Saan? Bakit?"tanong niya.
"Andito ako sa St. Ignatius Hospital. Manganganak na si Antonette."anunsiyo ni Lars.
"Ha?Ah sige sige. I'm on my way!"sabi niya at nag end call na siya.
"Sino yun?"tanong ni Lara sa kanya.
"Si Lars. Nasa ospital daw sila,"sabi niya habang sinusuot ang polo na hinubad niya.
"Bakit daw?"nag-aalalang tanong ni Lara sa kanya.
"Si Antonette manganganak na,"sabi niya.
"Sama ako,"sabi ni Lara.
"Dito ka na lang. Buntis ka din at kambal yang dinadala mo. Baka ma stress ka pa don at matakot ka,"sabi niya kay Lara.
"Ay!"reklamo ni Lara.
"Lara, huwag na matigas ang ulo. Kabuwanan mo na rin. Ayoko lang mapahamak ka."sabi niya at niyakap ito pagkatapos ay hinalikan na ito sa pisngi.
Ilang minuto lang ay nandon na siya sa sinabing ospital ni Lars.
'"Lars,"tawag niya sa nakayukong si Lars.
"Tol,"tumayo ito at agad siyang niyakap.
"Naduduwag ako para kay Antonette,"sabi ni Lars. "Naririnig ko siyang sumisigaw."
Biglang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang doctor na nag-aasikaso kay Antonette.
"Sino po ba ang asawa ng pasyente?"tanong ng doktor.
"Ako po,"sabi ni Lars.
"Kailangan ka ng asawa mo,"sabi nito at pinasunod na siya sa loob.
"Maiwan na muna kita dito Xander ah,"sabi ni Lars sa kanya.
"Sige, tol. Good luck!,"sabi niya.
"Ikaw din,"sabi ni Lars na ang tinutukoy ay si Lara.
Hanggang dito na lang muna. Maya na lang ulit ang update. :))
VOTE
COMMENT
BE a FAn If you like. :))
YUDZ_______________________________
sorry for the typos and errros.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
Roman d'amourAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...