Chapter 45

18.6K 239 5
                                    

Hi people. I'm Back again., Sorry na, I thought I could make it last night but then walang mabuong ideya sa isip ko kaya naman hindi ko maipost tong update ko kasi hindi siya tapos. After so many days na puro cad ang inaasikaso ko, it's time naman para mag-update sa TVB. :)) Miss niyo na ba sila? Sige na nga, magsimula na tayo. Di ko na pahahabain pa ang aking intro. 

Lara' POV

Nag-inat siya at saka bumangon. Wala na sa tabi niya si Xander. Napangiti siya, alam niyang nasa kusina na ito at naghahanda ng makakain niya. Hinagilap ng paa niya ang tsinelas ng bumukas ang pinto at iniluwa si Xander hawak ang isang tray ng pagkain. 

"Owh!! Ang dami naman yata niyan. Tayong dalawa ba ang kakain niyan?"tanong niya. 

"Nope! Ikaw lang,"diretsong sabi nito. 

"What?"nanlaki ang mata niya. ang dami naman non. 

"Hindi ko mauubos yan,"sabi niya. 

"Try mo lang. Pag di mo naman naubos, okay lang. Kahit ako ang nagluto niyan,"sabi nito. 

Awh! Siya nagluto kaya kailangan ubusin para hindi magtampo. 

Nagsimula na siyang kumain samantalang si Xander ay inihanda ang pangligo niya. 

"Tapos na,"sabi niya pagkatapos niyang maubos ang pagkaing inihanda sa kanya. 

"O di ba sabi ko sa yo eh!"

Tumayo na siya at pumasok sa banyo para simulan ang paliligo. Ngayon na ang araw ng photoshoot niya. 

Habang nasa banyo ay naisip niya ang mga sinabi ni Lourdes sa kanya. Alam niyang hindi siya dapat maniwala sa babaing iyon. Pero parang hindi niya makakaya kapag nalaman niyang totoo ang mga sinabi nito. 

"Tapos ka na ba?"katok ni Xander sa pinto. 

"Yeah, give me a sec."sabi niya habang inaayos ang pagkakatali ng roba niya. 

Naihanda na ni Xander ang mga gamit niya at magbibihis at mag-aayos na lang siya. Matapos niyang ayusin ang sarili ay agad siyang dumiretso sa labas para sabihing handa na siya. Naghihintay lang si Xander sa salas. 

"Tara,"yaya niya. 

Nakakapagod na araw iyon para kay Lara kaya pagkauwi pa lang nila ay tulog na siya agad. Ang sabi ni Fabian ay isang araw lang ang photoshoot nila. Hihintayin na lang daw nila ang pagpublish ng mga picture. 

Kevin's POV

Nandito na silang dalawa ni Mary sa bayan ng Negros. Halos wala pa ring ipinagbago ang lugar nila. Bukod sa lumaki ang kalsada nila at mga paaralan ay ganoon pa rin ang pag-unlad ng bayan nila. Nilingon niya si Mary sa tabi niya. Sa buong biyahe nila pauwi ng Negros ay miminsan lang ito magsalita. Alam niyang nag-iisp lang din ito. 

Huminto sila sa isang malaking bahay. Isa ito sa may pinkamalaking bahay sa bayan ng Negros. 

"Bakit dito tayo huminto?"tanong ni Mary sa kanya. 

"Bumaba ka na diyan. Andito na tayo."sabi niya at naglakad na papunta sa pintuan ng malaking bahay. Ibinigay niya sa isang lalaki ang susi ng kotse niya. Ito na ang bahalang mag-asikaso noon. 

Nakasalubong niya sa daan ang mayordoma ng bahay nila. Si aling Senang. 

"Sir, asan na po si Ma'am?"tanong nito sa kanya. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon