Ito na ang update ko. Medyo matagal ulit noh. Haha!! OKay lang yan. Basta promise ko sa inyo pipilitin kong mag-update kahit papano kaya huwag kayong mag-alala.
Oo nga pala. Guys, sobrang natuwa ako sa comments niyo kasi. Kaya keep on making comments. Doon ako kukuha ng mga taong pwede ilagay sa dedication. Kung sino may pinakamagandang comment at natuwa ako sa comment, yun ang may dedication. :)))
Pero don't worry, lahat ng gustong magpadedicate, magkakaroon,. :))
so Let's go. Ready your comments on this guys., :P ;)
Lourdes POV
Nagngingit ngit ang kalooban niya pauwi ng apartment niya. So bumalik na pala ang alaala ni Xander. Maswerte ka pa rin Lara, pero hindi ko hahayaang mapunta sa iyo si Xander. Gagawin ko ang lahat para magulo ang buhay niyong dalawa. Hindi kayo matatahimik. Dahil ako ang magiging hadlang sa pagmamahalan ninyo. Akala niyo tapos na ang pagsubok sa pagmamahalan niyo, pwes hindi pa.
Bukas, uuwi siya ng Pilipinas para simulan ang balak niya. Marami siyang paraan para masira ang dalawa. Knowing na mahal ni Zac si Lara. Gagamitin niya si Zac para mailayo niya si Xander.
At tumawa siya ng malakas sa loob ng kotse niya. Kung may makakakita sa kanya ngayon maiisip ng mga ito na nababaliw na siya. Pero hindi, hindi siya baliw. Masaya lang talaga siya.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! nahampas niya ang manibela at kinuha ang picture nila ni Xander noon. It was taken when they were still friends. Well, friends pa din naman sila ngayon, pero hindi na gaya ng dati. Dati nong hindi pa dumating si Lara sa buhay nila.
"Lintek ka talaga Lara,"sabi niya. Naikuyom niya ang kamao niya. Aaminin niya. Naiinggit siya kay Lara dahil minahal ito ng dalwang lalaking naging parte ng buhay niya. Pero hindi siya papayag na maging maligaya ang mga ito. Kung hindi mapapasakanya isa man kina Xander at Lars, hindi niya patatahimikin ang mga ito.
"Hi, Antonette, Hi Lara, Can we be friends, hahahahahaha!!!"tumawa siya ng tumawa. Iyon ang plano niya. Kakaibiganin niya ang dalwa para makuha niya ang gusto niya. Paikikutin ko sila sa mga palad ko. I would be you're worst nightmare.
Bumaba na siya ng sasakyan at hinanda ang mga damit niya. Buti na lang malaki-laking pera ang nakuha niya sa lalaking nakasama niya. Well, maparaan siya sa buhay kaya ayan nakukuha niya ang gusto niya. Kahit pa, wala siyang perfect life katulad ng kay Lara.
"Ah, naalala ko na nman ang babaing iyon,"gigil na itinapon niya ang damit papasok sa bag. Huminto muna siya sa pagliligpit ng damit at kumuha ng wine sa minibar. Naupo siya sa couch at nilaro-laro ng daliri niya ang bibig ng kopitang hawak niya. Bigla siyang napangiti.
"Anong gulo ba ang hatid ng pangalang LOURDES sa buhay ninyo?"nawika niya. Napailing na lang siya sabay ngiti.
Mayamaya pa ay nag-ayos na siya para pumunta ng airport. Bukas ng hapon ay nandoon na siya. At alam kung maaaring kabahan si Lara kapag nakita ako.
Pagkasakay ng eroplano ay agad siyang umupo sa upuang nakalaan sa kanya. But then to her surprise may nakaupo na pala doon.
"Excuse me, Mister."gising niya sa lalaking nakatap hat pa. Nagising ang lalaki at nag-angat ng mukha. Nakita niya ang mukhang hindi niya ninais na makita sa loob ng ilang taon.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...