Chapter 36

21.8K 277 21
                                    

Ang saya-saya ko. Ang daming comments ah.  Salamat mga readers. At dahil natuwa ako sa mga comments niyo, mag-a-update ako. :) :) :)

Iyon na lang muna pansamantala ang gagawin niya. Kahit sa pagpapanggap man lang sa social community ay magawa niyang makausap si Lara araw-araw. Tiningnan niya isa-isa ang mga pictures ni Lara. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa pictures kung saan kasama siya nito. Biglang sumakit ang ulo niya kaya naisipan niyang humiga muna. Nag-out na rin siya kasi naglog-out na si Lara.

Gusto niyang pilitin ang sarili na alalahanin lahat. Ang kaso, sa tuwing ginagawa niya iyon ay sumasakit lang ang ulo niya. May mga naalala siya pero malabo.

Dahil sa pagod sa maghapong trabaho, naisipan niyang ipikit ang mata at matulog.

Zac's POV

Kakarating lang niya ng Pilipinas. Agad siyang nagpunta sa bahay nila Lara para bisitahin ito. Ilang araw mula ng magising si Xander ay kinausap siya ni Lars na umuwi na muna ng Pilipinas dahil baka magtaka si Lara. Kaya naman mabilis pa sa alas-kwatro siyang nag-impake pabalik ng bansa. 

Papunta na siya ngayon sa bahay nila Lara at nasa may gate na siya. Pagkapasok ng kotse niya sa magarang bakuran ng bahay nila Lara ay nakita niya si Keira sa may hardin. Bigla itong napalingon sa kanya at ngumiti. Ito ang unang sumalubong sa kanya. 

"Kuya Zac, birthday gift ko,"sabi ni Keira.

Oo nga pala. Kahapon ang birthday nito. Sixthteen years old na ito. Wala siyang dalang regalo para dito pero may pasalubong siyang dala. 

"Pasensiya na, nakalimutan ko ang regalo mo. Pero ito o, may pasalubong ako sa iyo. Next time na ang regalo ah,"sabi niya at ginulo ang buhok nito. 

Biglang humaba ang nguso ni Keira sa ginawa niya. Natawa na lang siya. Pumasok na siya sa loob ng bahay para puntahan si Lara na ayon kay Keira, busy daw sa laptop nito. Mukhang nagfacebook. 

At ayon nga ito, nakaupo sa sofa at nakatingin sa screen ng laptop tapos bigla itong nagtype. Lumapit siya. Hindi pa rin nito napansin ang presensiya niya. Nasa likod na siya nito at nakikita na niya kung ano ang ginagawa nito. 

May ka-chat ito sa facebook. Jigger ang pangalan nito. Wait!!! Kilala niya ang picture na iyon ah. Friend yan ni Xander. 

Hindi kaya si Xander ang may-ari ng acount na iyan?! Napailing siya. Hindi! Imposible. Hindi nga naaalala ni Xander si Lara eh. 

"Oi, Zac andito ka na pala,"sabi ng Mama ni Lara. Biglang napalingon si Lara sa likod niya. 

"ZAC!! You're back,!"masiglang bati ni Lara sa kanya. 

"Yeah, kanina lang ako dumating,"sabi niya. 

"So how was your trip?"tanong ni Lara sa kanya na nagpa-guilty sa kanya. Nakokonsensiya na siya sa pagsisinungaling niya. 

"Fine."sabi niya. 

"Just fine, What happened to your seminar?"tanong ulit nito. 

"Well, it went okay and quiet enjoyable,"tinatamad na sagot niya. Umikot siya sa sofa at tumabi ng upo dito. 

"Sino yan?"tanong niya. Pumunta kasi ito sa wall nong Jigger na ka chat nito kanina. 

"Ahm,. my new friend on facebook,"sabi nito na nakangiti. 

Tapos ay nagtype ito ng message para kay Jigger. 

Lara: I gotta go,.. :)) till next time..

Iyon ang sinabi ni Lara sa Jigger na iyon.

"Uy, may ipapakita nga pala ako sa iyo,"excited na sabi ni Lara.

May kinuha ito sa ilalim ng mesita. Dalawang kopya ng kakaprint pa lang na ultrasound. 

Nagpa ultra sound na pala ito? 

"Ito,"sabi ni Lara na ibinigay sa kanya ang kopya. "Tingnan mo ang babies ko."

Babies? Ano daw? 

Tiningnan niyang mabuti ang picture. Dalawang figures ang nakikita niya. Kambal ang anak ni Lara.

Ay naku!! nakakainggit naman talaga itong si Xander, oo. Sinalo na yata lahat ng swerte sa mundo. 

"Akin na lang yung isang kopya,"hiningi ko kay Lara ang isang kopya parab ibigay iyon kay Xander. 

"Sige, sayo na yan. Kay Xander dapat yan eh, kaso wala na siya eh."may bahid na ng lungkot ang mata nito. 

Bigla siyang naawa rito. Gusto niya itong pasayahin kaya naman naisipan niyang yayain itong lumabas. 

"Gusto mo, labas tayo. Hanap tayo ng design na maganda para sa kwarto ng babies mo,"sabi niya. 

"Talaga?"namilog ang mata nito. Ang lungkot na nakikita niya kanina lang ay biglang nawala. Pero alam niyang andon pa rin iyon. 

Pabitin muna ako guys.!!! Kailangan ko na talagang matulog,.. Ilang araw na kasi akong puyat sa magdamagang pagresearch para sa design ko. Gustuhin ko man na pahabain ito pero talagang di na kaya ng mata ko. Anytime ay makakatulog na ako. Feeling ko nga baka makatulog na ako habang nagtatype eh. Kaya kung marami mang mali sa pagsusulat ko, I am very sorry, nagmamadali na ako kasi ng antok na ako. Sana po maintindihan. 

Good morning everybody!!! Paggising na ang iba diyan, ako matutulog pa lang!! HAyy!! Buhay ko naman.. 

VOTE

COMMENT

BE A FAN if you like

YUDZ________ ( ^ ^ )

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon