OhmyGod, masyado akong natuwa sa mga comment niyo guys. Haha., pabitin talaga ako eh noh. Ngayon ko lang napansin chapter 39 na tayo. Ang sabi ko dati hanggang chap 40 lang but then mukhang hahaba pa ito. Give me a hand of applause guys,. haha.
Keira's POV
Natulala ako ng makita kong bumaba si Kuya Xander sa kotse niya. Nakatayo lang ako at pinagmasdan siya habang palapit sa amin. Wala akong maintindihan sa mga sinabi niya dahil gulong-gulo pa ang isip ko sa pag-iisip kung paanong nabuhay ang patay. At ito sa harap ko ang isang napakagwapong nilalang na napag-alamang namatay na. Nakita kong binuhat niya si ate patungo sa kotse niya. Bumalik lang ako sa katinuan ng sumigaw si Kuya Xander para sumakay ako.
Pinatawagan niya sa akin sila Mama at Papa para sumunod sa ospital na pagdadalhan namin kay ate Lara. Gamit ang cellphone ni Kuya Xander ay tinawagan ko sila Mama. Si Mama ang nakasagot.
"Xander, ...."sabi ni Mama sa kabilang linya.
Bakit ganun? Alam ni Mama na buhay pa si Kuya Xander. Matagal na ba nilang alam ito?Niloloko nila si ate Lara?
"Si ate Lara..."naibitin niya sa ere ang sasabihin. Tiningnan niya ang ate niya sa likod ng kotse na nakapikit na ang mata at mukhang wala ng malay. "Dadalhin namain siya sa ospital kasi biglang may dugong dumaloy sa binti niya. I think she's having a miscarriage."imporma niya sa Mama niya.
"Keira?"naniguro pa ang Mama niya.
"Ma, this is Keira. We have no time. Sumunod na lang kayo sa *"********* Ospital."sabi niya.
Maraming kailangang ipaliwanag ang Mama niya sa mga nangyayari. Wag naman sana pati Papa niya ay alam din na buhay pa si kuya Xander.
Bumaba agad sila ng kotse at dumiretso ng E.R. Alam niyang kinakabahan na si kuya Xander sa mga nangyayari. At kahit siya ay ganun din. Ilang minuto lang ay dumating na ang Mama at Papa nila.
"What happened?"agad na tanong ni Mama. "Where is she?"
"Nasa E.R na po,"sagot ni kuya Xander.
Noon lang napansin ni Mama si Kuya Xander na nakatayo sa gilid ng pinto ng E.R.
"Hijo, oh my God, you're back,"sumugod ng yakap ang Mama niya kay kuya Xander.
"Sorry po kung ako ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Lara sa ospital,"hinging-paumanhin ni Kuya Xander.
"No, it's not you're fault. It's no one's fault. All we have to do is pray to the Lord together to save Lara and the babies."sabi ng Mama niya.
Sabay silang pumunta ng chapel para magdasal sa kaligtasan ni ate Lara at ng mga anak nila ni kuya Xander.
Habang nagdadasal sila ay nakikiramdam lang siya sa mga tao sa kanyang paligid. Kailangan niyang kausapin ang Mama niya mamaya. Kailangan niyang malaman ang totoo. Pagkalabas nila sa chapel ay naghintay sila na lumabas ang doktor.
Biglang bumukas ang pinto at kinausap ng parents niya ang manggagamot.
"She's okay now. Binigyan ko na siya ng pampakapit ng bata. Kailangan niya ng proper rest para maiwasan na mangyari ulit ito."sabi ng doktor at may ibinigay ito na reseta sa mga magulang niya.
"Pwede na ba namin siyang makita dok?"tanong ng Papa niya.
"Yes, of course,"sabi ng doktor. "Excuse me."
Umalis na ang doktor at pumasok na sila sa kwarto ng ate niya. Inilipat na nila ito ng kwarto. Tulog pa ito ngayon. Lumabas saglit ang Papa niya at si kuya Xander kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap ang Mama niya.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...