Chapter 25

25.6K 329 6
                                    

Naks!!! Mahaba-haba na itong story ko ah! Excited na ako sa mga mangyayari. Saka medyo dumadami na ang readers ko. Salamat sa inyo. Nai-inspired ako dahil sa inyo. Continue reading my stories and I'll make sure mas pagbubutihin ko ang pagsusulat ko. I just wanna say hi to those who are reading my stories na kilala ako sa personal. Haha! Pasensiya na kayo, di ako magaling magsulat, newbie pa lang eh. Bigla akong nahiya. Haha. Baka mamya hindi maganda ang grammar ko tapos makita niyo ako sa school, ano kaya masasabi niyo? Ayyy,.. anebeyen!!! Haha,. napapraning na ako nito.  Hayyy naku Lara, Magsimula na nga tayong magkwento. 

Xander's POV

Malapit na kami sa warehouse na sinasabi ni Lars. The place was dark and very quiet. Halos wala siyang makitang ibang sasakyan na dumadaan sa kalsadang iyon. 

"Ganito ba talaga dito, Lars,"tanong niya kay Lars. Binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila ni Lars. 

"No. It used to be a very noisy squater's area but when my father owned this land, he demolished all the houses and shoved the people away. 

Napatango siya. "So your father is really wicked."nasabi na lang niya. 

"Yeah, sort of."sagot nito. "Turn right, Xander and stop right there in the big acacia tree. Hindi tayo pwedeng lumapit agad sa warehouse. Hindi natin alam kung ilang bantay meron."

Sinunod niya ang sinabi nito. Mayamaya ay naramdaman niyang may kinuha ito sa may tagiliran nito. 

"Here, take this. I know you're not carrying your gun with you. That's my spare."sabi nito. Hindi talaga siya nagdadala ng baril sa kotse niya dahil ayaw niyang makapatay ng tao. He knows that he can't control his temper sometimes. 

"Thank you."sabi niya. 

"Now, you stay here. I'll send you a signal if everything is under control, okay?"Lars said. 

"Okay,"he answered. 

Tumakbo na ito papunta sa may acacia tree. Dala nito ang isang maliit na telescope. Mayamaya ay nakita niyang kumaway ang kamay nito na parang ang ibig sabihin ay "everything is under control."

Lumabas na siya ng kotse ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon habang palapit kay Lars. 

"Hello Tito Alberto,"sagot niya. Ang ama ni Lara ang tumatawag sa kanya. Sa sobrang pagmamadali niya kanina ay hindi ito ang unang natawagan niya. Bigla niyang naalala ang sakit nito kaya laking pasalamat niya na hindi ito ang natawagan niya. Pero laking gulat niya ng malamang alam na nito. At tumawag na daw ang ama ni Lars dito. 

"Tito, 100 million is a lot of money. We can't risk that. Andito na po kami sa warehouse, Tito. All you need is to call tha police to back-up us if anything happens."sabi niya. Pagkatapos ay ibinigay niya rito ang address ng warehouse. 

"Okay, Tito. Of course I'll take care. Don't worry I will save Lara, no matter what."matigas niyang sabi habang nakatitig sa di-kalayuang warehouse. 

Matapos nilang mag-usap ng ama ni Lara ay nilapitan niya si Lars. 

"I called up Antonette and asked her to call Lara's father and friends."sabi ni Lars ng makalapit siya. Maaaring narinig nito ang napag-usapan nila ni Tito Alberto. 

"Okay, now let's keep moving,"yakag niya kay Lars. Dala ang baril na bigay ni Lars na nakita niyang may silencer pala ay dahan-dahan siyang naglakad palapit sa warehouse. Walang bantay ang front door kaya madali silang nakapasok. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon