Chapter 55 (Bonus Chapter guys)

35.1K 576 85
                                    

Last Update na to. Thank you readers for reading my story. TVB would like to thank those who are voting and leaving their comments. Overwhelming na mga comments, iyon yung mga nagpa-inspire sa akin para makapagsulat ng sunud-sunod. Sana sa susunod na mga story mas marami ng comments. Thankful ako na isa lang ang na-encounter kung hater ng story ko. But I would also like to thank that person because I got the courage to make my story worth your votes. 

 Sila Alexus, Alexis and Larx nga pala===============>>>>>>>>

Someone's POV

"Habol po, Lolo,"hagikhik na sabi ng isang batang babae. 

Si Emil naman ay halos hindi mahabol ang apo na takbo ng takbo. Isang sasakyan ang bumusina sa harap ng bahay nila. 

Tumakbo doon si Alexus kasama si Alexis. Pinuntahan na rin ni Emil ang gate para tingnan kung sino ang dumating. 

"Mommy, Daddy,"salubong nung kambal sa mga magulang. Nasa bahay ang mga ito ng kapatid niya. Doon na rin ito nakatira sapagkat ayaw pumayag ni Lara na humiwalay siya ganoon din ang kapatid niya. 

Isang taon na siyang nakalaya. Bingyan siya ng parol sa kulungan. Doon niya nahanap ang sarili. NAgpakabait siya sa loob para naman makasama na niya ang pamilya niya sa labas. 

"O, Nagpasaway ba kayo kay Lolo habang wala kami?"tanong ni Lara sa mga anak. Four years old na ang mga ito at sobra ng kulit. 

"Uncle,"tawag ni Xander sa kanya. Napansin siya nito dahil nakasandal siya sa may poste at nagpapahinga. Napagod siya sa paghabol kay Alexis kanina. 

"Okay lang po ba kayo?"tanong ni Lara na lumapit sa kanya. 

"Ay, oo naman,"sagot niya. 

"Ay hindi po siya okay, Mommy,"sabat ni Alexus. "Si Alexis po kasi pinahabol si Lolo,"sumbong nito. 

"Alexis,"si Xander. 

"Sorry Daddy,"yumuko ito. 

"Next time huwag mo papagurin si Lolo ah,"sabi ni Xander. 

"Ay naku, okay lang yon. Nakakatuwa nga ang mga batang iyan eh."sagot niya. 

"Sila Mama at Papa po?"tanong ni Lara. 

Kakarating lang ng mga ito galing business trip sa Canada. Kaya hindi nito alam na umalis din ang kapatid niya papuntang Baguio kasama si Keira. 

"Nasa Baguio, hija,"sagot niya. "Halika pumasok na tayo sa loob at masyadong mainit dito sa labas. Alas diyes na kasi ng umaga. 

Pumasok na sila sa loob ng bahay at umupo ng sofa. Ang kambal naman ay kumandong agad sa daddy nila at naglambing. 

"Magpapahinga na muna ako ah!"sabi ni Emil. Iniwan na niya ang mag-asawa sa sala. Kailangan niya ng pahinga dahil napagod siya kay Alexis. Napangiti siya. Ganoon na kasaya ang buhay niya ngayon. Mas masaya ang buhay niya ngayon. 

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon