As requested by most, nag update ako agad. Dahil may utang ako sa inyo due to my long vacation on updating this. :)) Babawi ako.
Lara's POV
X. Xander. Nabitawan niya ang mga bulaklak. Nilingon niya ang paligid niya at napatulo ang luha niya. Mabilis niyang nilakad ang daan papunta sa gate. Hinanap niya ang taong nagpadala ng bulaklak sa kanya. Hindi niya maintindihan pero nabuhayan siya ng pag-asa na si Xander nga ang nagpadala ng bulaklak. Napalingon siya sa kotse na umaandar palayo ng bahay nila.
"Xander,"naibulong niya sa hangin. "No, Xander."Sigaw niya. Tumakbo siya para habulin ang kotse.
"Xander................
Takbo. Lakad. Takbo ang ginawa niya.
"Ate,"sigaw ni Keira. Hinabol siya nito. Napaluhod siya sa gitna ng kalsada. Naabutan siya ng kapatid niya at inalalayan patabi ng kalsada. Niyakap siya nito habang humahagulhol siya.
"Si Xander..."
"Ate, patay na siya,"sabi ni Keira.
"Hindi. Hindi. Buhay pa si Xander. He sent some flowers, Keira. At alam ko siya yun."sabi niya.
Tumulo ang luha niya. Pero agad siyang natigilan ng kumirot ang tiyan niya. Napakagat-labi siya at kumapit ng mahigpit kay Keira.
"Ate, okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Keira sa kanya.
"Masakit. Ahw.."napasigaw siya at napahawak sa umbok ng tiyan nya.
"Oh my God."nanlalaki ang mata na napatingin si Keira sa mga binti niya.
Hindi niya napigilan ang sarili na tumingin din at kamuntik na siyang mapasigaw ng makita niya ang dugo sa mga binti niya.
"Keira, get some help. Save my babies."napaiyak siya. She can never lose the babies.
"Help!! Someone help us. Please!"sigaw ni Keira.
May narinig siyang humintong sasakyan sa tabi nila. Hindi na niya tiningnan pa kung sino iyon dahil nanlalabo na ang paningin niya.
Xander's POV
Agad siyang umalis ng Canada ng magbalik ang kanyang alaala. Kahapon kasi habang pauwi siya sa bahay nila galing opisina ay may nakita siyang kinkidnap na bata. Bumaba siya ng sasakyan para tumulong when all of a sudden he froze. Memories keep flashing on his mind like a slide show. Then he lost his consciousness. He woke up on the hospital with his brother Lars and uncle.
Kaya ito ako ngayon, nasa harap ng bahay nila Lara. May nakita siyang bata na dumaan sa kinapaparadahan ng kotse niya. Inutusan niya itong ibigay kay Lara ang mga bulaklak. Ang maid ang nagbukas ng gate kaya doon na ibinigay ng bata ang bulaklak.
Hindi pa niya kayang magpakita kay Lara. Lalo na at ang alam nito ay patay na siya. Ayaw niya itong biglain dahil baka mapaano pa ito. Pero alam niyang sa ginagawa niya ay malalaman agad ni Lara na buhay pa siya.
Kaya bago pa mahuli ang lahat ay pinaandar na niya ang kotse palayo sa bahay nila Lara. Pero huli na nga siya dahil pagliko niya ay nahagip ng mata niya si Lara na lumabas ng gate at humabol sa kanya.
"Shit! Lara what are you doing?"napamura siya. Nag-aalala siya na baka mapaano ito dahil sa ginagawa. Pero nakita niyang sinundan ito ng kapatid nito kaya medyo nakahinga siya ng maluwag. Nakalayo na siya.
Ilang minuto pa ay agad niyang iniliko ang sasakyan para tingnan kung ano ang nangyari. Kinakabahan kasi siya. Malayo pa lang ay nakita niya si Lara na namimilipit sa sakit. Kaya agad siyang huminto para sumaklolo.
"What happened Keira?"tanong niya sa kapatid ni Lara na sumigaw ng tulong.
"Kuya?"napatulala si Keira sa harap niya.
"Wala na akong oras para magpaliwanag Keira."binuhat na niya si Lara na agad niyang nasalo na mawawalan na ng malay. Ang lakas ng kaba niya dahil nakita niya ang dugo sa binti nito.
"Buksan mo ang pinto ng kotse ko. Bilis."utos niya sa nakatulala pa ding si Keira.
Agad naman itong tumalima sa utos niya. Mabilis pa sa alas-kwatro na nagmaneho siya. Sumama na rin si Keira sa kanya at pinatawagan niya kay Keira ang Mama at Papa ng mga ito. Kailangan niyang maisugod sa ospital si Lara.
Pagdating nila ng ospital ay agad ipinasok sa emergency room si Lara. Naghintay silang dalawa ni Keira sa labas hanggang sa dumating ang Mama at Papa nito.
"What happened?"tanong ng Mama ni Lara. "Where is she?"
"Nasa E.R na po,"sagot niya.
Napalingon ang Mama ni Lara sa kanya.
"Hijo, oh my God, you're back,"sumugod ng yakap ang Mama ni Lara sa kanya.
"Sorry po kung ako ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Lara sa ospital,"hinging-paumanhin niya.
"No, it's not you're fault. It's no one's fault. All we have to do is pray to the Lord together to save Lara and the babies."sabi ng Mama ni Lara.
Sabay silang pumunta ng chapel para magdasal sa kaligtasan ni Lara at ng mga anak niya.
Hanggang dito lang muna guys.. Hope it's better now. :) :) More UDs to come.,
VOTE
COMMENT
BE A FAN
YUDZ_________________________Sorry for the typos. Minadali ko ito.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...