Chapter 20: Rumble

24.9K 277 7
                                    

Okay guys,.... Here is the UD I promised. Hope you'll like it. Sorry na kung medyo bitin siya kasi hindi ko minamadali ang story baka kasi pag nagmadali ako, hindi maganda ang kalalabasan. Alam niyo na minsan wala akong maisip na idugtong sa story ko to make it better. Mahirap din kasi mag-isip minsan lalo na at hindi naman ako expert. I'm just a novice here. But I promise to take this story in the end. Matatapos ko din to, tiwala lang. 

Xander's POV

"Thank you"sabi niya sa director habang nakatitig sa mga mata ni Lara. Nakahiga pa rin ito sa buhangin at nakatitig din ang mga mata sa kanya. He will never get tired of looking at her straight in the eyes. Lara has the most expressive eyes he ever seen. Masyado ng exaggerated ang paglalarawan niya kay Lara. It was because this woman is his entire life. 

"Get off me!"Lara hissed. Umalis na siya sa pagkakadagan kay Lara at inalalayan itong makabangon. Inaasahan niya na hindi nito tatangggapin ang kamay but to his surprise inabot nito ang kamay niya at nagpasalamat pa ito. Umaasa siya na magiging maayos ang gusot sa pagitan nila sa lalong madaling panahon. 

He watch Lara walk gracefully. Dumiretso ito sa isang puno ng niyog. Umupo ito doon and watch the sunset. Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito. 

"Are you okay?"he asked. 

"Yes. I'm okay."at tumingin ito sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip nito. Mayamaya lang ay nakita niya ang dumaang kislap sa mga mata nito. Natuwa siya. He know that she dreamed of having him near her every sunset of her life. She had said that once in her dreams. Nagsasalita kasi ito kapag tulog and that one thing is what he loves in her. 

Ilang minuto ang lumipas at tuluyan ng lumubog ang araw sa kanluran. Naramdaman niyang tumayo si Lara. Tumayo na rin siya at sumabay sa paglalakad. 

"I hope one day, we'll be okay,"sabi niya. 

Tahimik lang ito at ni hindi man lang siya nilingon. pinauna niya na lang ito sa paglalakad at lumihis siya ng daan. Bumalik siya sa hotel room niya. Humiga siya sa kama at saglit na ipinikit ang mga mata. Magpapahinga muna siya saglit. 

Nagising siya sa tunog ng alarm clock. Bumangon siya at napatingin sa alarm clock. Alas-otso na ng gabi. Kailangan na niyang bumaba dahil kumakalam na ang sikmura niya. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto niya. 

Nakita niya si Lara kasama ang iba pang modelo. Uupo na sana siya sa napiling bakanteng mesa nang tawagin siya ng director. 

"Xander, come here and join us,"yakag ng direktor sa kanya. Tiningnan niya muna si Lara pero nakita niya itong nakatungo. Lumapit siya sa mesa ng mga ito at uupo na sana siya sa tabi ng isang modelo malapit sa direktor pero hinila siya ng direktor at sa tabi ni Lara siya pinaupo. 

Nang makaupo na siya ay pasimple niyang sinilip ang reaksiyon ni Lara. Nakatungo ito pero nakikita niya ang bahagyang ngiti nito sa mga labi. Kinikilig ito sa sitwasyon. 

"Oi Lara, kinikilig ka. Halata namin."sabi ng isang modelo na nakilala niya sa pangalang Sandy. 

Nagtawanan ang mga kasama nila sa mesa except him and Lara. Nakikita niyang namumula ang mga pisngi nito. Dahan-dahang umangat ang mukha ni Lara at ngumiti ng ubod tamis. 

"Hindi ah. May naalala lang ako."sabi nito at ngumiti ulit. 

"At ano naman ang naalala mo. Yung memories mo kasama si Xander."tudyo sa kanya ni Sandy. 

Tumawa lang si Lara at tumingin sa kanya ng bahagya. Ngumiti ito at nagpatuloy sa pagkain. Siya naman ay tinawag ang waiter at nag-order ng kakainin niya. Tahimik silang lahat habang kumakain. Nang matapos na ay nagkayayaan ang mga ito na mag-bar. Pinasama siya ng mga ito at hindi naman niya tinanggihan. 

Pagdating sa bar ay agad na nag-order ng tequilla si Lara. Nandon lang siya sa sulok ng mesa nila at minamasdan si Lara. Mayamaya ay naparami na yata ang inom nito kaya tumayo ito at sumayaw sa gitna ng dance floor. Sa ganda ni Lara, hindi maaaring hindi mapatingin ang sinuman sa kanya. Lahat halos ng lalaki doon ay naglalaway na sa katawan ng girlfriend niya at iyon ang nagpaini ng ulo niya. Lumapit siya sa bartender at nag-order ng maiinom. Wala pa naman nangyayari kay Lara kaya hahayaan niya muna itong sumayaw. 

Naparami na ang inom niya ng makita niyang may lumapit kay Lara at hinapit ito sa beywang. Nagpanting ang tenga niya at agad na lumapit sa lalaki para suntukin ito. Binigyan niya ng suntok ang lalaki na agad namang ibinalik sa kanya. Hanggang sa magkarambolan na. 

"What's your problem, man?"tanong ng lalaki sa kanya. 

"Don't you ever lay your hands on my girlfriend."galit na sabi niya. 

"What?"naguguluhan tanong ng lalaki. 

"That girl is my girlfriend, damn."mura niya. Umisa pa siya ng suntok na umabot naman sa mukha nito. 

"Xander, stop it."si Lara na mismo ang lumapit sa kanya. Niyakap siya nito para mapigilan siya sa muling pagsugod. 

Natapos na ang gulo. Medyo tipsy na siya pero hindi siya lasing. Masakit ang panga niya dahil napuruhan iyon kanina. 

"Come, gagamutin ko yang sugat mo."sabi ni Lara. Sabay silang bumalik ng hotel at dumiretso sila  sa kwarto niya. 

"May gamot ka ba dito?"tanong ni Lara na hinalughog ang cabinet niya. 

"Meron. Andyan sa kabilang kabinet. 

Nakita nito ang hinahanap at agad na lumapit sa kanya para gamutin ang mga sugat niya sa mukha. 

"Karma ang tawag diyan. Kanina ganyan ang ginawa mo kay Zac kaya ayan nangyari din sa'yo."diniinan nito ang pagpunas kaya napaaray siya. 

"Mas matapang pa pala sa'yo si Zac. Kanina ginamot ko siya, hindi ko man lang narinig ang pag-aray niya."sabi ni Lara, 

Tama ba yon. I-compare ba naman siya kay Zac. Eh sa masakit ang sugat niya at ayaw niyang may gumagamot kasi masakit. 

"Ako na lang."sabi niya. Inagaw niya ang bulak sa kamay nito pero inilayo iyon ni Lara sa kanya. Sa kakapilit niyang agawin ang bulak ay napahiga silang dalawa sa kama. He was on top of Lara. Napatitig siya sa mukha nito. He can't help it. Dala siguro ng kalasingan dahil medyo tinamaan siya, hindi niya na-kontrol ang sarili at unti-unti niyang inilapat ang labi sa labi ni Lara. 

They kissed again. At last, after waiting for this moment. Hindi siya papayag na mawala sa kanya si Lara. Mahal na mahal niya ito kaya hindi na niya ito papakawalan pa. 

Okay guys!! That was the POV of Xander. Kay XAnder lang. I hope you'll read the next chapter. I'll update soon. 

Thank you!!! 

----yudz

The Virgin BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon