Hello guys!., ito na po ang update ko,.haha, naisingit pa sa mga gawain ko. Masakit kasi sa likod kaka-drawing eh kaya ito naisip ko munang magpahinga. Sana nga lang mapasa ko on time yung design ko. Well, anyway guys, remember what I said last time, you will meet Lourdes here and find out how she would ruin Lara's life in the island with Xander. Ahm,... nga pala Justine Marie, I will consider your suggestion pero mukhang hindi pa siya lalabas sa update na ito. Again, guys you can suggest some ideas here, just comment your suggestion below, then mamimili ako for the next update. Sa dami kasi ng gawain ngayon sa school mukhang magkaka- writer's block pa ako. So guys, ito na yung update ko.....
Agad siyang umupo sa upuan pagkababa ng hagdan. Naisipan niya munang umupo sa sofa kung saan makakapag-isip siya. Nanginginig pa kasi ang mga tuhod niya. Kinabahan siya ng makita ang hinaharap nito. Napabuntung-hininga siya at tumayo para kumain, doon niya na lang hihintayin si Xander sa kusina.
Xander's POV
Nangingiti si Xander habang itinali ng mahigpit ang tuwalya sa beywang niya. Natatawa siya sa reaksiyon ni Lara kanina ng bumagsak ang tuwalya sa sahig. Nahalata agad niya ang pamumula ng pisngi nito at panginginig ng baba habang nakatingin sa kanya. Hindi nito maitatago na inosente pa ito. He like it when she blushed like that. Nagbihis na siya para sumunod dito sa kusina.
Naglalakad na siya pababa ng hagdan ng mapansin niya si Lara na nakaupo sa sofa. Sumandal siya sa dingding para pagmasdan ito. Halatang bothered ito at malalaim ang iniisip. Bigla itong napailing at itinampal ang kamay sa pisngi nito. Napangiti siya sa gesture nito. Para itong teenager na sinasaway ang sarili. Hindi siya nito napansin. Tumayo ito at naglakad papunta sa kusina. Saka siya gumalaw para sumunod dito. Habang naglalakad ito ay pinagmamasdan niya ang likod nito. She was graceful. She walk like a goddess and he love the way her hips sway. Naramdaman siguro nito ang titig niya sa likod nito kaya lumingon ito.
"Hi", binigyan niya ito ng isang napakatamis na ngiti. Napaismid ito at lumakad uli. Pagdating sa mesa ay wala na naman silang imikan. Tuwing kumakain sila ay napakatahimik nito. Hindi ito nagsasalita. Naisipan niyang pagbigyan na itong tawagan ang mommy nito. Alam na naman ng mommy nito na nasa kanya ang anak nito. Pinaalam na rin nya ang dahilan kung bakit kailangan niyang itago sa poder niya ang anak nito. Maging ang balak ni Lars ay pinaalam na rin niya. Nakiusap na lang siya sa mga ito na hayaan siyang gumawa ng paraan para sa mga ito. Tinanong siya ng mga ito kung bakit pero hindi niya masagot sa ngayon ang dahilan kung bakit nga ba gusto niyang tulungan ang mga Buenavidez. Bukod sa gusto niyang maghigante, alam niyang isa pang dahilan ay dahil mahal niya si Lara. Hindi niya lang maamin sa sarili dahil natatakot siyang tulad ni Antonette ay mas piliin nito si Lars.
Pagkatapos nilang kumain ay tinawagan niya si Aling Tilde para maghugas ng pinggan. Nakita niyang magliligpit na sana si Lara.
"Lara, hayaan mo na yan. Pupunta si Aling Tilde ngayon dito para hugasan yan."
"Pero kaya--
"Si Aling Tilde na diyan. Tatawagan ko ang mommy mo para makausap ka."
Biglang nagliwanag ang mukha nito pagkarinig sa sinabi niya.
Kinontak niya ang mommy nito at agad naman itong sumagot.
"Hello, Mrs. Buenavidez, Your daughter wants to talk to you."
"Oh, please hijo, give her the phone. I want to talk to her too."
Ibinigay niya na dito ang phone at hinayaan ang mga ito na mag-usap. Pumunta siya sa kwarto para doon hintayin si Lara. Alam niyang pagkatapos nitong makipag-usap sa mommy nito ay itatanong nito sa kanya ang dahilan kung bakit niya ito kinidnap.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...