Vote.
Be A fan.
Comment.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
Make sure that what you do is what you want because in life there's no such thing as: UNDO
@15@
Lara's POV
Nakapag-desisyon na siya. Tatangggapin niya ang offer ni Fabian. Pupunta siya ngayon sa agency para sabihin dito na tinatanggap niya ang offer nito. Pero dadaanan niya muna si Xander sa condo nito.
Habang nasa daan ay tinawagan niya ang cellphone nito. Sinagot naman ang tawag niya pero laking gulat niya na babae ang sumagot sa cellphone nito.
"Hello,"mukhang kagigising lang ng babae.
"Can you please give the phone to Xander. I need to talk to him."sabi niya na kinkabahan.
"Oh, I'm sorry but Xander is still in bed. Sleeping so tight. Napagod yata kagabi. By the way, who is this?"maarteng tanong ng babae.
Parng may patalim na itinarak sa puso niya. Si Xander, may kasamang baabe sa condo nito. At mukhang may nangyari sa mga ito. Nilakasan niya ang loob niya.
"Kindly tell him, his fiancee called, will you?"at agad na ibinaba ang telepono. Hindii na niya napigilan ang luha na dumaloy sa mga mata niya. Ang sakit. Hindi matatawaran ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Inihimpil niya ang kotse sa gilid mg daan. Iniyak niya ang sakit na nararamdaman niya. Kailangang mairaos niya iyon.
Bakit naghahanap pa si Xander ng babaing magpapaligaya sa kanya. Siya ba? Hindi ba siya pwede. Hindi ba siya marunong? Kailangan bang maging wild siya katulad ng mga babaing nakakasalamuha nito bago pa man siya dumating sa buhay nito.
"Why.... Why...?"naisatinig niya. Napagod na siya sa kakaiyak ng mag-ring ang phone niya. Tumatawag si Fabian at pinapuunta na siya sa office. Inaayos niya muna ang sarili bago nagpasyang paandarin ang sasakyan.
Pagdating niya sa opisina ni Fabian ay agad siyang pumirma ng kontrata. Magsisimula ang unang photoshoot nila sa Monday. Tatlong araw mula ngayon.
"Okay, now that we are settled, can we have dinner tonight?"tanong ni Fabian sa kanya.
Tatanggi sana siya pero agad niyang naisip si Xander at ang babaing nasa condo nito.
"Okay,"sang-ayon niya. Inihatid siya nito hanggang sa sasakyan niya. Nabigla pa siya ng halikan siya nito sa pisngi.
"Sorry. Nabigla lang ako."paumanhin nito sa kanya.
"Ahm, it's okay. It's just a kiss."nakangiti niyang tugon.
Nagpaalam na siya at sumakay na. Pupuntahan niya si Xander. Malay mo maabutan pa niya ang babae doon sa unit nito.
Nang makarating na siya sa harap ng building ni Xander ay agad siyang naghanap ng bakanteng parking lot. Sumakay siya ng elevator mula sa basement at agad dumiretso sa floor kung saan nandoon ang unit ni Xander.
Nasa harap na siya ngayon ng pinto pero parang biglang naduwag ang puso niya. Hindi niya yata kayang makita si Xander sa kama kasama ang ibang babae. Pero nilakasan niya ang loob niya. Kailangan niyang harapin ang katotohanan. Magiging matapang siya sa pagtanggap niyon at hindi niya tatalikuran. Tutal parte naman ng pagmamahal ang sakit kaya normal lang iyon.
BINABASA MO ANG
The Virgin Bride
RomanceAng buong akala ni Lara pagkatapos ng kanyang kasal ay mamumuhay siya ng tahimik kasama ang napangasawa. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng sa gabi ng kasal niya ay dinukot siya ng isang estranghero mula sa reception ng kanilang kasal. Ito ang lala...