【Clair's】
Hay nako. Ewan ko nalang talaga. Kahit ano nalang yung pinapagawa samin ni Anika. Napakamot ako sa ulo ko.
Pero hindi ko naman talaga masisisi yung bata eh. Napamahal na din kaya ako sa kanya.
Napangiti ako habang nagbre-breakfast kami.
Nagsubuan kami ni Rafael ng pagkain kasi si Anika tuwang-tuwa eh. Pero nabigla ako nang nagbago yung mood ni Anika.
"Mommy, I wanna weewee." Umalis sa upuan si Anika at tumungo sa cr.
"You want to me to go with you Baby?" Tanong ko sa kanya.
"No na Mommy, I can do it by myself. I'm a big girl na."
"Okay." Sagot ko habang tumungo na siya sa cr.
"Ah, Clair." Tawag sakin ni Rafael.
"Hmm?" Lumingon naman ako sa kanya.
"May kanin ka dito." Tinuro niya ang lower lip niya.
Hinanap ko yung kanin sa labi ko sa pamamagitan ng pagkapa pero.
"Let me help you, Baby." Dumadalas na ang pagtawag niya sa akin niyan.
Lumapit siya ng konti sakin at ginamit niya ang thumb niya para matanggal yung kanin.
Dumapo ang tingin ko sa mga labi niya at tumingin ako sa mga mata niya.
Nagtagpo ang mga paningin namin.
At yung paningin niya bumaba rin sa mga labi ko.
Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sakin.
Inilagay ko ang index finger ko sa tapat ng mga labi niya.
"Wag mo nga akong tawaging Baby, hindi ako si Anika okay?" Sabi ko sabay tawa. Nakakainis talaga. I hate the fact na napakadali lang para sa kanyang baguhin ang mood ko. Like damn, he made me drop my cold act.
"Bakit? Hindi ba pwedeng may dalawa akong Baby?"
Hinampas ko ang braso niya.
"Sakit nun ah!" Sabi ni Rafael.
"Teka, nasaan si Anika?" Parang ang tagal na nun sa banyo ah?
"Check ko muna sa cr."
Tunungo si Rafael sa cr habang nililigpit ko ang pinagkainan namin.
Nagulat nalang ako nang biglang sumigaw si Dylan.
"Clair! Si Anika!"
Napatakbo ako sa cr dahil sa sigaw ni Rafael.
Walang malay si Anika at kinarga siya ni Rafael.
"Clair, sayo muna si Anika. Ihahanda ko ang sasakyan."
Kinarga ko si Anika habang hinihintay si Rafael.
"Tayo na." Sabi ni Rafael.
Sumakay ako sa passenger's seat habang karga ko si Anika na mala-newborn baby.
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomansaMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...