XVIII

126 4 0
                                    

【Clair's】

"Clair. Great to see you again." sabi pa nito na ikinagalit ko.

"Whatever Xander. Kung ako sayo, umalis ka diyan at respetuhin mo yung mga nakapila."

"Ano ba yan! May sumingit!" reklamo ng babae na nakapila sa likod namin.

"Hoy umalis ka nga diyan! Kanina pa kami nakalinya dito!" sigaw naman nung isa pang customer.

"Xander! Umalis ka na diyan. Umayos ka."

"Still bossy as ever."

"Shut up."

Napahinto kami sa pagbangayan nang biglang nagsalita yung cashier.

"Excuse me Maam, Sir. Sino po yung susunod?"

"Ah, siya. Kinausap ko lang siya sandali." sabi naman ni Xander. Kahit kailan, bw*sit.

Biglang may humawak sa kaliwang kamay ko.

"Mommy, sino yun?"

"Ah, eh wala Baby. Don't mind him."

"780 pesos and 50 cents po lahat Maam." kinuha ko yung wallet ko sa bag ko at kinuha yung credit card ko.

"Eto Miss." inabot ko yung card na agad naman niyang tinanggap. May ni-press press siya dun sa credit card reader at ni-enter ko yung pin ko. Pumirma ako sa resibo at umalis na kami. Napagdesisyunan kong pumunta kami sa playhouse. Pero sasamahan ko si Anika sa loob. The last time I left her alone was a disaster. Pumunta kami sa playhouse at nag open-time kami.

Tuwang-tuwa si Anika habang naglalaro ng lutu-lutuan. Kunyari ako yung ipagluluto niya. Nilutuan niya ako ng chicken. At sumabay naman ako sa trip haha.

Mas maganda na siguro 'to kesa sa sumama kay Rafael, Agnes at Keilee.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Rafael, tumatawag.

"Hello?"

("Nasaan kayo?")

"Nasa playhouse bakit?"

("Magagabihan ako ng uwi.")

"Okay lang. Magta-taxi nalang kami ni Anika."

("Sige, ingat kayo pag-uwi mamaya.")

"Okay bye."

Binaba ko na yung phone at nakipaglaro kay Anika para naman maalis sa isip ko yung nangyari kanina.

"Mommy, laro tayo ng mga teddy bears dun."

"Sige."

Pumunta kami sa may mga teddy bears at nag-laro si Anika dun. Nakaupo lang ako sa gilid habang tumitingin sa cellphone ko.

Naalala ko si Dash. Buti naman di na siya masyadong nagpaparamdam. Nagui-guilty pa rin ako eh.

Nagulat ako nang biglang umiyak si Anika.

"Baby! What happened?" tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Mommy, he hit me with that teddy bear." sabay turo sa bear na nasa harap niya.

Kinuha ko yung bear at binigay yun kay Anika.

"Sino nag-hit sayo nito?"

"Siya po." tinuro ni Anika ang isang batang lalake na nagtatago sa likod ng plastic na bahay-bahayan. (a/n: yung little tikes ba haha)

Nilapitan ko yung bata at kinausap ito.

"Hi. What's your name baby?" hindi ito sumagot at tinakpan lang niya ang mukha niya.

Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon