It's been 5 months since nung nalaman kong buntis pala si Agnes. Well, kailangan ko namang alagaan ang magiging anak ko. Ayoko ring takbuhan ang responsibilidad. Galing ako sa grocery. Bumili ako ng gatas, mga prutas at mga gulay para may makain na masustansya si Agnes. We live together ngayon at nagpa-part time job ako. Hindi alam ng mga parents ko ang tungkol dito. Ang alam lang nila, kumuha ako ng boarding house na mas malapit sa school ko at ang totoo ay nag-apartment kami. Itinaboy naman si Agnes ng kanyang mga magulang.
<flashback within flashback (a/n: sharrot carrot.)>
Pumasok kami sa bahay niya. Nandun ang Mama, Papa at Kuya niya. Kinabahan ako ng konti pero hindi ko naman pinahalata yun.
"Magandang araw po Mr and Mrs Lopez."
"Magandang araw din hijo. Maupo kayo ng anak ko. So ba't ka nga pala nadalaw Rafael anak?"
Hinawakan ko ang kamay ni Agnes na basang-basa na ng malamig na pawis.
"Papa. B-Buntis ho ako." nagsimulang umiyak si Agnes.
"Ano?!?"
"Buntis ho ako. Magta-tatlong buwan na po."
Tumayo ang Papa ni Agnes at sinampal siya nito.
"Ikaw bata ka! Lahat ng pangarap namin ng Mama mo para sayo ay wala na! Paano ka makakapagtapos ng pag-aaral kung buntis ka?!?"
"Papa, pwede naman akong pansamantalang titigil at babalik din ako pagkatapos kong manganak. Sorry po talaga Papa. Hindi ko sinasadya." lumuhod si Agnes sa harap ng Papa niya habang umiiyak. Pati ang Mama ni Agnes, naiyak na rin.
"Hindi ko kailangan ng pagmamakaawa mo! Lumayas ka na!"
"Papa!"
"Layas!"
At hindi nga namin napigilan ang pagpapalayas sa kanya ng Papa niya. Kaya napilitan kaming magrenta ng apartment dahil wala pa kaming mga trabaho. Mahihirapan kaming kumuha ng condo unit.
<end of flashback>
Pauwi na ako ngayon sa apartment namin. Napangiti ako dahil excited na akong ipagsilbi si Agnes. Ilang buwan nalang, lalabas na ang anghel namin. Alam kong mahirap 'to dahil we are as young as 15 and 16. Pero gagawin ko ang lahat para mabuhay ang pamilya ko. Kukunin ko na sana yung susi at bubuksan na yung pinto nang makita kong nakabukas na ito. Napakunot ang noo ko nang malamang hindi nakalock ang pinto. Alangan namang aalis si Agnes eh buntis yun. Bilin ko rin naman sa kanya na mag-stay lang siya dito sa bahay. Ni-lock ko naman to nung umalis ako. Pumasok nalang ako sa apartment namin.
Nagulat nalang ako sa sunod na nakita ko.
Si Agnes. Nasa sofa. May kahalikang iba. Her arms were entangled around his neck and his arms were holding her waist. Scratch that, they were making out. Kaden Concepcion. The famous football jock.
"What's the meaning of this Agnes?!" napatingin ako sa kanya at bahagyang napakunot ang noo.
"Bro, I can explain." lumapit naman ng konti si Kaden.
Nabagsak ko yung mga dala kong groceries at sinuntok si Kaden. Pumutok ang labi niya dahil sa suntok ko.
"Kaden! Rafael stop it!"
"What the hell Agnes?! Magkakaanak ka na yet lumalandi-landi ka-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.
Sinampal niya ako.

BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...