【Clair's】
"I still love you." Bigla niyang sabi. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Um, Xander. Upo muna tayo."
"Sure." Inalis niya yung pagkayakap niya sakin at ang ulo niyang nakapatong sa balikat ko. Instead, hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa table namin. Nandun na ang mga order namin. Matagal-tagal din pala akong nakatayo sa harap ng freedom wall.
May awkward silence pagkaupo namin pero siya rin naman ang unang nagsalita.
"Kamusta ka na?" Tanong niya sakin.
"Okay lang naman ako." Tipid kong sagot.
"May anak ka na pala bago naging tayo noon?" I hate it when he says 'noon'.
"Ah, hindi ko siya anak. Anak siya ni Rafael."
"You mean yung ka live-in mo?"
"Yup, ganun na nga. Wait how'd you know?"
"Clair, you know that I follow you on almost all of your social medias. So, hindi ka pa nakatali?"
"Hindi. Ikaw?"
"Used to. Pero wala na. Si Mei yung napangasawa ko." Yung babaeng nakita kong kaakbay niya noon na naging dahilan ng paghiwalay namin.
"What do you mean na wala na?"
"She died 2 years ago." Nagulat ako sa sinabi niyang balita na wala na si Mei.
"I'm sorry to hear that."
"Okay lang."
"Why did she pass away?" Hindi ko maiwasang magtanong.
"May cancer siya. Lung cancer." Napaisip ako. Naalala ko nga noon. She was a smoker. Schoolmate ko kasi siya at madalas ko siyang makitang nagsmo-smoke sa labas ng school.
"Yung bata?"
"Anak ko siya sa kanya."
"Kamusta naman yung bata?"
"Hindi pa niya maiintindihan. Okay lang naman. Nasanay na akong mag-alaga sa kanya. Tinuruan naman ako ni Mei sa pag-aalaga ng bata eh." Napatingin siya sa direksyon ng mga bata.
"Mahiyain pala si Mico no?"
"Oo nga eh. Kokonti lang ang mga kaibigan niyan."
"Ang cute niya."
"Cute rin naman si Anika ah."
"Well, sad to say. Hindi nga siya akin. She belongs to Rafael, not me."
"Edi tayo nalang gumawa?"
"Sira ka talaga."
Natahimik sandali ang paligid namin. At bigla siyang nagsalita.
"Clair."
"Hmmm?" sabi ko dahil umiinom ako ng tea.
"Can I court you again?"
Napahinto ako sa pag-sip ng tea ko sa sinabi niya
"I-I don't know. Masyado akong nasaktan noon Xander."
"I promise I won't hurt you again. Kaya lang tayo naghiwalay because I made a mistake. I'm sorry. Sinadya kong dalhin si Mei sa mall para magkunwari na may iba ako. Kasi nabuntis ko siya a year ago that time at mag iisang taon na si Mico. I couldn't lie to you anymore. At ayokong lumaki ang anak namin na walang ama dahil alam ko kung gaano yun kasakit. Lumaki akong walang ama. Alam mo naman yun diba? Please give me another chance Clair. And if pumayag ka, we could end up getting married and have kids. Please Clair. I want to be with you again." Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa ibabaw ng table.
BINABASA MO ANG
Best Friends to PARENTS? (Ongoing)
RomanceMasaya at kontento na ang magkaibigang sina Clair at Rafael sa kani-kanilang mga buhay. Financially, mentally, emotionally stable at napakasuccessful. Pero paano kung may dadating, may babalik at may aalis? Wala ba talagang magbabago? O may ibang ma...